°A L E X I S°
Nandito kami sa field ngayon buong section Beginners. Maluwang naman ang field kaya kasyang kasya kami dito higit tatlong daan siguro kami. Lahat kasi talaga ng beginner eh.
Madami pa palang hindi lumalabas ang majika. Akala ko kaming lima nalang. Yung iba lumabas na ang majika nila pero mahina ang stamina nila.
"STUDENT'S ARE YOU READY FOR YOUR TRAINING!!!???" Tanong ng isang prof actually lima silang prof na nandito. "YES!!" Sigaw nilang lahat.
"OKAY SISIMULAN NATIN TO SA ISANG WARM UP PARA HINDI MABIGLA ANG INYONG MGA KATAWAN SO LETS DO THIS GAYAHIN NYO LANG KAMING LIMA!!" Sigaw ng prof number 1 yung nagtanong saamin kung ready na kami.
Nagsitayo kaming lahat mula sa pagkakaupo sa Bermuda grass. Biglang tumugtog ang kantang despacito kaya nagsihiyawan ang lahat. Putek akala ko dun lang sa Earth uso ang mga tugtug na ganito dito din pala.
Ayun nga nagsimula na kaming mag warm up hanggang sa matapos ang kantang despacito. "SO LAHAT NG GUSTONG MAGTRAINING PARA SA STAMINA PUMUNTA DITO!!" Prof number 1.
"Mas mabuti yung magsimula muna tayo sa pagpapalakas ng stamina natin para kung sakaling lumabas na ang majika natin hindi tayo mabigla" suggest ni Amber na sinang ayunan naming lahat kaya nagpunta kami sa lugar kung saan naruon ang prof number 1. Halos isang daan ang nanditong studyante.
"DITO NAMAN YUNG MGA HIRAP SA PAGKONTROL SA MAJIKA NILA!!" Sigaw naman ng prof number 2 kasama si prof number 3. Halos isang daan din ang nagpunta dun.
"DITO YUNG MGA GUSTONG MATUTO NG TECHNIQUE GAMIT ANG MAJIKA NILA!!" Sigaw ng prof number 4 kasama si prof number 5. Halos isang daan din ang nagpunta dun. At dun na nagsimula ang puspusang training.
Una pinatakbo kaming lahat palibot sa wide space. "Kaya mo pa ba?" Tanong ko kay Anne na sobrang pawis at hingal na. Nakasabit sa leeg nya ang inhaler nya. "Kakayanin ko pa to!" Sabi nya kahit halatang nahihirapan na.
Yung tatlo naman ay hingal narin pero pinipilit pa. Talagang desido silang magpalakas ng stamina. Desido silang mag training para sa majika nila. Nakatalong ikot palang si Anne ay natumba na kaya dinala muna sya sa isng bench at pinagpahinga. Si prof number 1 muna ang nagbantay sakanya habang kami ay patuloy lang sa pagtakbo.
"Mygaaass abilgas sa tingin ko magkaaugat ako nito sa legs" hiyaw ni Kyla. "Hindi ka lang magkakaugat magkakamuscles ka pa" sabi naman ni Bea.
Naka limang ikot kami sa wide space bago kami patigilin. Limang ikot lang yun pero grabe kasi sobrang luwag ng wide space siguro kasing luwag yung ng moa?? Or isang sm?
"Oh kamusta ka naman Anne?" Pangangamusta ni Amber kay Anne. "Okay lang kainis nga ang bilis kung mapagod di ko tuloy natapos yung limang round" nakabusangot na sabi ni Anne."okay lang yan bawibawi ka nalang next time" -Kyla
"10 mins break tapos push ups and curl ups naman tayo!" Sabi ni prof number 1. May nakalutang na tig iisang towel sa harap namin at tubig na malamig. Kinuha namain yun at uminom at nag punas ng pawis.
Napatingin naman ako sa kanang gawi kung saan nakatingin si Kyla. Nakita ko dun yung limang lalakeng may ibat ibang kulay ng buhok. Nakatayo sila malapit dito sa may wide space. Napakunot ako ng noo ng kumaway yung may kulay crystal blue na buhok kay Kyla.
Nakita ko namang umiwas ng tingin si Kyla habang namumula ang mukha. Kilala kaya ni Kyla ang mga yun? Umiwas nalang din ako ng tingin dahil rinig kung pumito na si prof number 1.
"Kanya kanyang grupo students push ups kayo ng 50 and 50 curl ups also go!!" Sabi ni prof 1. Nagkanya kanya namang grupo ang mga studyante. Kaya kaming lima nalang din ang magkakagrupo.
"Hindi ko na yata kaya to mamatay na ako" hirap na sabi ni Anne. "Tama na yan Anne pahinga ka na ulit" sabi ni Kyla. Mukha kaming basang sisiw dahil sa sobrang pawis. Hangang 20 push ups lang ako at 31 curl ups. Nanginginig na nga ang binti't braso ko.
Si Anne ang may pinaka mababang push ups-10 at curl ups-13.
Amber: push ups-23-curl ups-35
Kyla:push up-21-curl ups-30
Bea:push ups-15-curl ups-25
"Okay students balik kayo bukas. Tuturuan ko naman kayong humawak ng weapons bukas at makipaglaban gamit ang weapons na napili nyo" prof 1.
"Okay bago kayo umalis. My name is Noel. You can call me instructor Noel or Instructor only." Pagpapakilala ng aming instructor. Inalalayan namin ang isat isa para lang makauwi sa dorm. "Waaaah ang sakit na ng katawan ko di ko na kayaaaaaa!" Hiyaw ni Bea habang nasa gitna kami ng daan. Naupo sya sa damuhan. Kaya naupo nadin muna kaming lahat.
"Para naman tayong nasa military nito" hingal na sabi ni Kyla. "Hindi man lang ako nag enjoy dapat nagpazumba nalang sila" reklamo ni Anne.
Nung medyo okay na ang pakiramdam namin ay muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa dorm. Nagsibagsakan kami sa sofa. "Kakayanin nyo pa ba bukas?" Tanong ko.
"Kakayanin!" Sabay sabay na sagot nila lahit hinang hina na. Bigla namang may kumatok. Walang balak na gumalaw ang mga kasama ko kaya ako nalang ang tumayo. Binuksan ko ang pinto pero wala naman akong nakitang tao--este charmers. Kundi isang bote na may lamang gamot.
Kinuha ko ang bote at isang maliit na papel. "Drink that it can lessen the pain" yun ang nakalagay sa papel. Wala naman sigurong masama kung susubukan diba?.
"Guys oh may nagbigay nito. Subukan natin baka sakaling totoo ang sinasbi nya" sabi ko habang ipinapakita sakanila ang hindi kalakihang garapon na may lamang gamot. Hindi ito mahirap lunukin kasi kasing laki lang ito ng buong paminta at kulay dilaw sya.
"Tara!" Sabay sabay na sabi nila na parang nabuhayan nang loob. Nagpunta kami sa maliit ng kusina at sabay sabay na uminom. Nakaupo lang kaming lima sa maliit na dining table at inaantay kung anong magiging epekto ng gamot. Maya maya oay ramdam kung gumaan ang pakiramdam ko.
"Guys wala nang masakit sa kawatan ko!" Masiglang sabi ni Bea. "Ako din" sabi ni Kyla at Amber. "Ako din hindi na ako hinihingal at kinakapos ng hininga" sabi naman ni Anne. "Salamat nalang sa nagbigay ng gamot" sabi ko at tumayo na ska nagpunta sa kwarto ko at naligo.
Salamat sa kung sino mang nagbigay ng gamot. Marami pa tong gamot siguro mga 1000 pcs din to.
**********
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
Viễn tưởngAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...