°A L E X I S°
Pagmulat ko nang mata ay muli akong napapikit dahil sa sobrang liwanag. Dahan dahan ulit akong nagmulat at pagdilat ko maraming studyante ang bumungad saakin sa baba ng ENTABLADO oo nasa taas ako ng entablado kasama ang kings at mates nila.
Nasa tabi ko si Zach na nakangiti ng wagas. "Anong nangyari?" Pabulong na tanong ko.
"Kasama tayo sa Second game at tayo ang magkapartner" nakangising sabi n'ya. Yung puso ko naman biglang tumibok ng pagkabilis bilis. KASAMA KAMI SA SECOND GAME!!!
At sa nakikita ko ako lang ang naiiba dahil ako lang ang beginner! Is that even impossible??
"Charmers! We have the winners for the first game. And automatically they are the players in the second game. Aren't you excited?!" Pasigaw na tanong ng mc.
Malakas na hiyawan naman ang sagot ng mga studyante. "Okay Players are you ready?!" Baling naman saamin ng mc.
Tanging tango at pursigidong tingin lang ang isinagot ko samantalang ang iba ay sumigaw pa. Kinakabahan ako. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig ang mga tuhod ko.
"Okay Players you can now enter to the Maze Forest and start the battle!!" Sigaw ng mc na walang kapaguran sa paghiyaw.
Bigla nalang nagdilim ang paligid at biglang pagmulat namin ng mata ay nasa harap na kami ng isang gubat pero may iba't-ibang bungad.
Yung mga studyante na nasa likod namin ay nasa kabilang dako ng isang ilog. Kasama nila ang mga profs.
"Are you ready players?!" Muling tanong ng mc. Sumagot naman sila ng "yes!" Maliban saakin. Nangangatog talaga ang tuhod ko. Plus yung puso ko lalabas na ata mula sa dibdib ko.
"Okay the game wil start in 5........4.........3..........2.......1 go!!!" Sigaw ng mc. Agad naman akong hinatak ni Zach papasok sa isang bungad.
Ang iba naman ay sa ibang bungad din pumasok. Takbo lang s'ya ng takbo habang hila hila n'ya ako. Hindi naman ako makapalag dahil nagloloading pa yata ang utak ko.
Kumurap kurap ako ng ilang beses hanggang sa makabalik ako sa katinuan.
"Anong.....ano nang gagawin natin?" Hinihingal na tanong ko kanina pa kasi kami tumatakbo at paikot ikot sa forest maze na to.
"Hahanapin ang daan palabas" balewalang sagot n'ya at binagalan ang pagtakbo hanggang sa maglakad nalang kami pareho.
"Papaano? Sigurado ka bang tama ang pinasok natin kanina?" Takang tanong ko. Ngunit iling lang ang isinagot saakin nito kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Eh....pa...paano yung mga kalaban natin?" Tanong ko. "Pag meron tayong nakasalubong edi ubusin natin ang HP nila. We have no choice" seryosong sagot n'ya.
"Ibig sabihin.....kakalabanin natin sila? Parang hindi ko yata kaya yun" kinakabahang sabi ko.
"Just relax. Ako na ang bahalang lumaban" sagot n'ya at ginulo ang buhok ko.
Kaliwa.....kanan..... kanan ulit....tapos kaliwa...then diretso tapos kanan tapos kunting lakad.
Puro kami lakad ikot. Nakakapagod at nakakangawit nang binti. Nauuhaw na din ako. Tuyot na tuyot na ang labi ko't lalamunan.
"Hayun may ilog inum muna tayo nauuhaw na ako" paos na sabi ko kay Zach. Tumango naman s'ya at nagpunta kami duon.
Hindi pa man kami nakakalapit ay nakarinig kami ng mga kaluskos kaya napatigil kami sa paglalakad. Maya't maya pa'y lumabas mula sa mga nagtataasang damo sina Jerson at Anne.
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...