Chapter©38

1.5K 57 4
                                    

°A L E X I S°

Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at nakita ko sila Kyla at Macky.

Kapwa sugatan ang mga ito at magka akbay, inaalaayan ang isa't isa.

"So?" Maangas na tanong ni Zach at itinago ako sakan'yang likuran. Napauntong hininga nalang ako. Laban nanaman ba ito?

"Bro, bakit hindi ka na sumasama saamin?" Dinig kung tanong ni Macky.

"Wala lang" balewalag sagot ni Zach at hinugot ang kan'yang ispada.

"Imposibleng wala, naiinggit ka ba dahil kami may mate na ikaw wala pa?" Tanong ni Macky.

Hindi sumagot si Zach at dali daling sinugod si Macky.

Ako naman ay nakatulalang dahil inaantay ko kung susugurin ba ako ni Kyla o hindi. Pero katulad ko ay nakatulala din.

"Kahit kailan hindi ako maiingit!!" Rinig kung sigaw ni Zach.

"Alexis......ano bang kasalanan namin sayo at galit ka?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala saakin si Kyla kaya umtras ako.

"Wala" malamig na sabi ko.

"Kung wala....bakit ka humiwalay?" Tanong nitong muli.

"Hindi n'yo ako itinuring na kaibigan. At hindi ako nabibilang sa inyo" nakayukong sabi ko.

"Bakit mo naman nasabing hindi ka namin itinuring na kaibigan? At anong ibig mong sabihin na hindi ka nabibilang saamin?" Kunot noong tanong nito saakin.

"Hindi n'yo ako itinuring na kaibigan dahil naglihim kayo saakin. Hindi ako nabibilang sa inyo dahil.......mates kayo at ako hindi" sinalubong ko ang mga tingin n'ya habang sinasabi ko ang mga yan.

"Kaya kami naglihim dahil.....naisip namin na baka kasi sumama ang loob mo. At wag mong isipin na naiiba ka saamin dahil lang sa isa kaming mates" sagot nito. Napa ismid nalang ako.

"Hindi n'yo ba naisip na mas lalong sasama ang loob ko dahil ang mga tinatawag at itinuturing kung kaibigan ay naglihim sakin?" Seryosong tanong ko, napayuko naman s'ya.

"So..... sorry na....nagkamali nga kami duon" pag amin n'ya. Napaismid nalang ulit ako.

"Mabuti't alam mo" malamig na sabi ko at hinugot ang dalawang palaso. Inalis ko din sa pagkakasabit ang pana ko.

Itinutuk ko ito sa may bandang binti n'ya. Huminga muna ako ng malalim at pinakawalan ko ang isang palaso.

Napahiyae iyo marahil sa gulat at sakit. Daplis lang ang natamo n'ya pero kalahati agad ang nabawas sa HP n'ya.

"KYLAA!" sigaw ni Macky na unti unti nang naglaho. Napasulyap naman ako kay Zach may tama s'ya sakan'yang braso.

"Aaarrrrghhh!" Napadaing naman ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa kaliwa kung binti. Napabalik tuloy ako sa ulirat.

Nakalapit na pala saakin si Kyla at natamaan n'ya ako sa binti gamit ang double sword n'ya.

May plano ako......

"Hindi na ikaw ang kilala kong Alexis" seryosong sabi n'ya habang unti unting lumalapit saakin.

Sinalubong ko lang ang matatalim n'yang titig gamit ang malamig kong tingin at hindi ako umalis sa aking puwesto.

"Sawa na akong magpakabait, maging tahimik at laging nagpapakababa. Ayoko na ng inaapi at kinakaawaan. Hindi ba masamang lumaban?" Malamig na sambit ko.

Napansin kung napatiim bagang s'ya sa aking sinabi pero patuloy parin s'ya sa paglapit saakin.

Ilang hakbang nalang ang lapit n'ya saakin at ano mang oras ay puwede n'ya akong saksakin o sugatan mn lang gamit ang double sword na hawak n'ya.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon