°A L E X I S°
Sa isang iglap lang enroll na kami sa paaralang ito. May dorm dito at magkakasama kaming lima. Hindi parin gising si Anne. Kumpleto na ang gamit namin dito sa dorm tig iisa kami ng kwarto at bawat kwarto ay may cr na. Tapos may kusina at maliit na sala.
Meron na ring mga damit at lahat yun ay kasukat namin pati sapatos. Pati gamit para sa skwela. Nandito kami sa kwarto ni Anne at hinihintay syang magising para maipaliwanag namin sakanya ang kagulat gulat na pangyayari.
Sobrang tahimik nga namin eh parang hindi parin nakakaget over ang mga kasama ko. Parang lutang parin ang pagiisip nila.
°A N N E°
Grabe naman yung paniginip kung yun. Nagcamping daw kami tapos, may nakita daw si Bea na Blue na rabbit tsk! Meron bang ganun?
Tapos hinabol nya daw, tapos may nakita daw kaming maganda na puno na may makinang na dahon. Nako titigil na nga ako sa kanunuod ng Fantsy pati panaginip ko nagkafantasya na. Haaaay. Anong oras na ba? Makabangon na nga.
Pagkabangon ko ay bumungad saakin ang mga kaibigan ko na parang wala sa kanikanilang sarili maliban kay Alexis na nakatingin saakin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong nya saakin na ikinakunot ng noo ko. Ano bang nangyari? "Bakit ano bang nangyari?"kunot noong tanong ko.
"Wala ka bang naaalala? Hindi mo ba naaalala na nagcamping tayo, tapos namasyal tayo tapos may nakita tayong kakaibang puno?" Tanong nya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"I-ibig sabihin h-hindi pa-panaginip yun? T-totoo yun?"hindi makapaniwalang tanong ko. "I wish panaginip nalang lahat yun"biglang sabi ni Kyla na lutang parin.
"H-hey Ba-Bakit ano bang na-nangyari? Ba-bakit ganyan ang mga itsura nyo?" Kinakabahang tanong ko. Ano ba kasing nangyari nakakainis baka atakihin ako bigla nito at mapaaga ang pagkamatay ko.
"Hhhaaaay hinga ka munang malalim baka atakihin ka ulit."sabi ni Alexis na lalong ikinakunot ng noo ko. "What do you mean inatake ulit?" Kunot noong tanong ko.
"Nawalan ka kasi ng malay nung bumagsak tayo sa lugar na ito"sabi ni Alexis. Kinuwento nilang lahat saakin ang mga nangyari magmula nung mawalan ako ng malay. Napunta daw kami sa ibang dimensyon.
At ngayon nandito kami sa paaralan kung saan hinahasa ang mga majika at iba pang kakayahan ng tinatawag nilang charmers o taong may kaaibang taglay ng majika.
At ngayon nasa dorm kami. At papasok narin kami dito sa paaralan nila. Sabi pa nila kabilang kami sa mga charmers dahil hindi daw kami makakapunta dito kung wala kaming majika. Dapak anong nangyayari?
At sabi nila saka lang daw lalabas yung mga majika namin pag tamang panahon at tama na yung training namin. Nung masigurado nilang okay na ako ay nagpunta na sila sa kanya kanya nilang kwarto.
Bukas na daw ang simula ng pasukan namin. At nasa section Beginner daw kaming lima kasi wala pa raw kaming majika.
Kumpleto na ang gamit namin: magmula sa uniform, school supplies, atm cards, extra clothes, extra shoes, basta kumpleto na.
°A M B E R°
Hindi ako makapaniwala na nandito ako--kami ngayon sa mundo kung saan totoo ang majika. Kasalukuyan akong nakatanaw sa bintana kung saan kitang kita ko ang isang malawak na ispasyo at nagsasanay dun yung mga studyante.
Angganda may nagpapalabas ng paro paro, may taong nag iibang anyo, may nakakapagpalabas ng ibat ibang hayop at marami pang iba. Nakakatuwa dahil meron pala akong kapareho. Siguro lalabas din ang mga kapangyarihan nila pag nag 18 na sila. Since malapit na ang Birthday ni Kyla malapit naring lumabas ang majika nya.
Napatingin ako sa kamay ko at biglang may lumabas na snowflake. Wow angganda. Biglang bumukas yung pinto kaya dali dali kung isinara ang palad ko.
"Halika na Amber kain na tayo"aya ni Alexis. Tumango naman ako at sumunod sakanya. Saka ko nalang sasabihin sakanila na lumabas na ang majika ko pag napalabas na rin nila yung sakanila.
Pagkalabas namin ng dorm ay nakatingin saamin yung mga studyante, paano ba naman kami lang ang naka civilian kaya malamang pagtitinginan talaga nila kami.
"Sila yung natagpuan sa field kanina diba?"
"Yep anggaganda nila noh? Mababait kaya sila?"
"Dito din kaya sila mag aaral?"
"Ano kayang powers nila?"
"Tss another weaklings!"
"Malalagot nanaman yang mga yan sa mga Queens lalo na pag wala pa silang majika ayaw na ayaw pa naman ng mga Queens sa mga weak!"
"Oo lalo na pag lumapit sila sa mga Kings you know?"
Ibat ibang kumento ang naririnig ko tungkol saamin. May ibang magaganda may iba ding pangit sa pandinig. At meron daw yatang Kings at Queens. Tsk sino naman kaya ang mga yun?
Nung makarating kami sa Cafeteria ay agad kaming nag order ng kakainin namin. Libre lang naman pala dito kaya eat all you can. At ang pinaka masaya ay si Kyla. Mahilig sa pagkain yan.
"Yayks mukhang magiging tambayan ko yata tong Cafeteria"tuwang tuwang sabi ni Kyla habang kumakain ng inorder nyang lasagna.
"Psssh hindi na kami magtataka dahil PG ka" ngising sabi ni Anne. Sinamaan naman sya ng tingin ni Kyla. Nagkibit balikat lang ito saka pinagpatuloy ang pagkain nya ng pasta.
"Sarap pala ng magiging buhay natin dito no? Una sa lahat libre tirahan, damit etc. Lalong lalo na ang pagkain hwehweh swerte talaga. Kaso nakakatakot yung sinabi ni HM na mga shadow hunters wew kakilabots" singit ni Bea habang kumakain naman ng cake---sangkatutak na cake.
"Sana nga maging masarap at maganda ang buhay natin dito"biglang sabi ni Alexis na nakatingin parin sa kinakain nyang burger steak at rice. Ngayon lang namin sya nakitang ganito.
Walang emosyon ang mga mata at sobrang seryoso. "Oy guys nasapian yata si Alexis. Ikaw ispirito umalis ka sa katawan ng kaibigan namin! Guys gawa tayo ng paraan!"tila natatakot na sabi ni Bea. Napailing nalang kami at tumuloy sa pagkain
Nakakapagtaka ang biglang pagbabago ng ugali ni Alexis. Hanggang sa makabalik kami sa dorm ay wala parin syang imik at nanatiling walang emosyon ang mga mata. Pati tuloy kami napapatahimik nalang dahil sa biglang pagbabago ng aura nya.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at iniisip ang mga nagyari lang kanina. Nakakapanibago ang ambiance dito sa lugar na to. Parang sobrang kulay at saya.
Dito talaga kami nababagay, dito nababagay ang katulad naming may kakaibang kakayahan o tinatawag na majika.
**********
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...