Chapter©24

1.6K 66 5
                                    

°A N N E°

Abot langit ang ngiti ko dahil, finally wala na akong asthma! Yehay!!!

"Yehey! Hindi na tayo mawawalan ng card!" Nakangiting sabi ni Bea habang lumalamon nanaman ng cake.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at cinecelebrate ang pagkapanalo. Kahit tie ang laban pakiramdam namin panalo parin kami dahil na meet namin ang prinsesa.

"Angganda ng prinsesa noh?" Nakangiting tanong ni Kyla. "Tsk! Tinatanong pa ba yan eh alam na ang sagot? Looks palang mala anghel na eh!" Singit ko naman. Napaikot naman siya ng mata.

"Hmp! Hindi ka talaga nagbabago Anne, malapit na ang Kaarawan mo!" Inis na sabi ni Kyla. Oo nga malapit na ang kaarawan ko. Mag dedese-otso na rin ako katulad ni Kyla at Amber. Tapos susunod saakin si Bea at si Alexis siguro?

Hindi namin alam ang exact date kung kailan siya pinanganak dahil wala daw siyang maalala. Pinagawaan nalang namin siya ng fake birth certificate niya.

Na alala ko nanaman yung araw na natagpuan namin siya sa gubat kung saan kami nag camping. Mahilig kasi talaga kaming mag camping na magkaaibigan.

Nakaputing dress siya nun at parang natutulog lang siya sa ilalim ng puno. Pero kahit anong gawin naming panggigising sakaniya, hindi siya magising.

Binuhusan pa nga namin siya nun ng malamig na tubig pero wa epek. Napakahinhin niyang kumilos at inosenteng inosente. Hindi lang halata.

Tch! Masyado nang napalayo ang kwento ko. "Oy Anne, tulaley ka ah. Ano na isip mo sa birthday mo? Magpapaparty ka ba?" Untag ni Kyla saakin.

"Nako! Hindi na, sino namang makikiparty? Eh wala naman tayong masyadong kilala dito? Imbitahan nalang natin sila Fiona at mag picnic tayo" nakangiting sabi ko.

"Good idea! Pag birthday ko tea party tayo" ngiting ngiting sabi ni Bea. "Walang tayo Bea!" Biglang singit ni Amber.

"Hugot!" Sabay sabay naming sabi tapos nagtawanan. Nawala yung ngiti namin sa labi dahil biglang nagsilutangan yung mga kinakain namin.

"Waaaah sino may gawa nan?!" Gulat na tanong ni Bea. Biglang nagkagulo yung mga studyante sa cafeteria at nagsitakbuhan palabas .

Napalingon kaming lahat sa may bungad ng cafeteria dahil may narinig kaming tawanan.

"Surprise!!" Nakangiting sabi ni Shanell ang tumatayong grupo ng Rainbow Squad. "Kayo naaman?! Ano nanamang kailangan niyo?!" Iritadong tanong ni Kyla.

"Nandito kami para maghiganti bwahaahaa!" Parang baliw na sabi ni Tracy. "Maghiganti? Bakit may ginawa ba kami sa inyo?" Kunot noong tanong ko.

"Wala pero sa mga mate namin, meron kayong ginawa!" Nakangising sabi ni Ellaika. Napataas naman ako ng isang kilay.

"Sino namang mga mate niyo? Yun bang mga kings? Ano bang ginawa namin sa kanila?" Mataray na tanong ni Kyla.

"You make them laban laban! You don't have the right to make laban laban to them!?" Ngeks! Duduguin yata ako ng ilong ah.

"Owmayghood! Anong lengwahe yan? Pwedeng turuan mo ako?!" Tuwang tuwang sabi ni Bea. Napa ikot nalang ako ng mata.

"No way high way, buhok mong nag f-fly away! I don't like to make turo turo to you my language because you're not maganda!" Maarteng sabi ni Irine at umirap pa.

"Oo hindi ako maganda pero cute ako CUTE!!! Eh ikaw mukha kang CLOWN!" Inis na sabi ni Bea. Namula naman ang mukha ni Irine at akmang susugurin na niya si Bea pero pinigilan siya ng kaniyang mga kasamahan.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon