Chapter©26

1.6K 68 1
                                    

Sorry nagakaroon kasi ng problema kaya ngayon lang na ayos🙏

°A L E X I S°

Nasa klase kami ngayon kasalukuyang nagtuturo si Ms. Ellise sa potion subject namin. Lahat ng klase ng potion ay itinuturo niya saamin.

Interesadong interesado naman kming lima dahil pwede naming gamitin ang mga potion pang dipensa habang inaalam pa namin ang mga majika namin.

"I hope na may natutunan kayo.  Bibigyan ko kayo ng project you will pass that on Friday and today is Wednesday. May isang araw kayo para gawin ang project niyo. Your project is you will going to do a potion. Kailangan gumana ang gagawin niyong potion para makakuha kayo ng points at madagdagan ang laman ng mga cards niyo. Question?" Paliwanag ni ma'am.

"None ma'am!" Sabay sabay na sagot namin. "Good class adjourned!" Anunsyo nito kaya nagsilabasan na ang mga butihin kung kaklase.

"Shocks magiging mangkukulam ata tayo ah gagawa tayo ng potion. Tara na dali punta tayong library para makahanap tayo ng gagawin natin dun!" Excited na sabi ni Bea.

"May susunod na klase pa tayo ano ka ba h'wag ka ngang apurado baka maging plpak 'yang kinalabasan ng potion mo!" Saway ni Anne. Napanguso lang si Bea at kumapit sa braso ko.

"Tara na nga, gusto ko ulit magsanay ng weapons!" Ani Kyla at nauna nang maglakad. Kaso mukhang malas ang araw namin ngayon at nakasalubong namin ang King and Queen

"Look who's here the losers!" Madiing sabi ni Shanell. "Leek hes here de lesers!" Inis panggagaya ni Bea pero pabulong lang.

"May sinasabi ka isip bata?!" Inis na tanong ni Ellaika. "Wala naman sinasabi ko lang na mukha kayong manika you know I'm a barbie girl in a barbie world......life is PLASTIC it's fantastic" pakantang sabi ni Bea at diniinan ang word na plastic.

"Aba't sumasagot na kayo ngayon huh!" Inis na sabi ni Tracy. Umabante naman si Kyla.

"Eh ano ngayon mga aktres may ipinatupad nanaman ba kayong batas na bawal kaming sumagot sagot sa inyo?!" Nag ngangalaiting tanong ni Kyla habang naniningkit ang mga matang nakatingin sakanila.

"Ikaw babae ka napakapangit ng tabas ng dila mo napakadaldal mo!" Bulyaw ni Macky ang guardians ni Prinsesa na may kapangyarihang yelo.

"May mukha yung tabas ng dila ko? Nakita mo? Anggaling mo naman!" Pabalang na sagot ni Kyla. Akmang susugod na si Macky pero napigilan siya ni Ellaika.

"Ikaw babae somusobra ka na akala mo naman maganda ka! Eh wala ka pa nga sa kalingkingan ko!" Inis na sabi ni Pamela at pinamewangan kami sabay taas ng kilay niyang guhit nalang.

"Hindi niyo ba kami tatantanan?" Inis na tanong ni Anne.

"Oo hindi namin kayo tatantanan!" Nakangising sabi nito. Akala mo naman ikinaganda niya 'yung ginawa niya nagmukha lang siyang tanga.

"Ay Mike Enriquez lang ang peg dapat meron pa to *ehem* excuse me po ganurn!" Sabi ni Bea tsaka kinutusan si Pamela.

"Owmyghod girl kinutusan ka niya you make bawi bawi to her dapat!" Maarteng sabi ni Irine. Takte magkakabuhol buhol nanaman ang utak ko nito.

"Hoy anong karapatan mong kutusan ang girlfriend ko?" Inis na tanong ni Grey ang guardians ni Prinsesa na may kapangyarihang hangin.

"Karapatan? Kelangan pa ba nun? Diba ang mga karapatan lang karapatang mabuhay, karapatang maging malaya, karapatang mag aral, karapatang mabigyan ng maganda trabaho karapa---" natigil sa pagsasalita si Bea nang umabante si  Sean ang guardians ni Prinsesa  na may kapangyarihang tubig.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon