Chapter©22

1.7K 60 3
                                    

°A L E X I S°

Ngayon ang araw kung kailan gaganapin ang party. Kahit hindi man sabihin ng mga kasama ko alam kung kinakabahan sila.

"E..excited na akong makita ang Legendary Princess" sabi ni Kyla at pilit na ngumiti.

"A..ako din pagkatapos na pagkatapos natin mag perform lalapitan ko siya agad" sabi naman ni Anne.

"Ki...kinakabahan ako" pag amin ni Amber. "Ako...ako din natatakot ako, baka...baka mawalan tayo ng card" sabi naman ni Bea.

"Relax guys, every thing will be alright" nakangiting sabi ko sa kanila na ikinagulat nila, pero kalauana'y ngumiti rin.

"STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM AREA!!" anunsyo ng speaker.

"Handa na kayo?" Tanong ko. Tango lang ang tanging isinagot nila.

Parepareho kaming nakasuot ng minni dress ibat iba nga lang ang kulay pero lahat ng minni dress na suot namin may ribbon sa bewang.

Tapos may suot din kaming flower w crown na ibat ibang kulay at  may kasamang deisenyong paroparo sumisimbulong kami ang black butterfly at parepareho din kaming naka doll shoes ng itim.

Pagkalabas namin ng dorm ay pinagtitinginan kami ng mga studyante, malamang dahil sa suot namin.

Pagkarating namin sa gym sobrang dami ng studyante, halos wala kaming mahanap na vacant seat, pero buti nalang may naka assign sa aming upuan na para sa amin talaga.

Sa minni stage naka ready na ang mga instruments na kakailanganin ng bawat grupo. Parang nahahati ang gym sa dalawa dahil sa pagkaka ayos ng upuan.

Merong daan sa gitna na natakpan ng red carpet, tapos sa magkabilang gilid may upuan. Yung upuang tingin mo palang halatang kataas taasan na agad ang nakaupo.

Yung kabilang gilid nakaupo doon ay ang head master kasama ang ilang school council. Tapos sa kabila may walong upuan at wala pang nakaupo.

Nung maayos na ang mga studyanteng nakaupo,lumabas na ang MC.

"Okay, good morning everyone!" Masiglang bati niya. "Good morning!" Balik bati naman ng mga studyante.

"Are you excited to see again the legendary Princess?!" Tanong nito.

"Yeeeeeesss!!" Sigaw nila.

"Okay let's welcome our very important guess, Mrs. Alexandria Amira Amithyst Ci-Angelo and Mr. Fyrone Angelo. Let's welcome their twin Daisy Ci Angelo and Darel Ci Angelo.!" Masiglang pakilala nung MC.

Natanaw namin sa dulo ng red carpet ang isang mala dyosang babae na may mahaang kulay lilang buhok at ang mga mata nitong ka akit akit ay kulay ginto na sobrang nakakamangha na parang kapag tumitig ka dito dadalhin ka niya sa ibang dimensyon.

At ang mala dyos na lalaki na may kulay pulang buhok at nagliliyab na mg kulay pulang mata. Kasama ang dalawang magkamukhang bata. Parehong kulay pula na may pagkalila ang buhok nila. At ang mga mata nila'y pinagsamang pula at ginto.

Nakatulala lahat ng mga studyante sakanila.

"And let's welcome our Royalties! Ms. Devine Aqua and Mr. Berth Jackson. Ms. Windy Cyclone and Mr. William Thunder. Ms. Chrizel Joy Warlock and Mr. Ivan Rey. " Sigaw ulit ng MC.

Lahat kami ay nakatutuk ang tingin sa dulo ng red carpet, hanggang sa matanaw namin ang anim na charmers, tatlong babae at tatlong lalaki, pares pares ang mga ito. Para talaga silang mga dyos at dyosa na bumaba dito.

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon