°A L E X I S°
Nandito ako ngayon sa mall sa may grocery store binibili yung mga ingredients ng chicken curry na lulutuin ni Amber. Habang naglalakad tulak tulak ang push cart ay namataan ko ang limang lalakeng may kulay ang buhok naka angkla sa kanikanilang braso ang mga babaeng may kukay din ang buhok.
Nasa may junk food section sila. Kunting tribya lang sa junk food. Actually ayun sa nabasa ko, wala naman daw kasing junk food. Ano ba ang meaning ng junk? Diba basura? Mga patapong bagay? Bakit yung mga chichirya ba patapon? Diba hindi naman?
Gugustuhin mo bang tawaging junk food o patapong pagkain ang pinaka pabirito mong chichirya? Saan ba gawa yang mga tinatawag nilang junk food? Sa basura ba? Sa papatapong ingredients? Diba hindi naman. At hindi naman masamang kumain ng chichirya basta wag mo lang palagiin dahil nakakasama yan sa kalusugan.
Ang sobra at kulang ay masama kailangan sakto lang. Hindi ko tuloy namalayan dinala na ako ng mga paa ko sa section ng mga chichirya. Nandito parin ang rainbow squad. Nakatingin sila saakin pero binaliwala ko nalang yun at kumuha ng limang malalaking pick-A yung kulay blue. Paborito naming lima ito.
"Hi! Miss" bati ng may kulay abohing buhok. Nilingon ko naman sya at binigyan lang ng tango kaya napakamot lang ito sakanyang batok. Sunod na pinuntahan ko ang drinks section. Kumuha ako ng sampung Mogu Mogu.
Nung mabili ko na ang mga kailangan ay nagpunta na ako sa may counter. Napakunot nalang ako ng noo dahil bigla nanamang nagsitabihan yung mga nakapila kaya otomatikong napalingon ako sa likod. Tama nga ang hula ko dahil nasa likuran ko ang rainbow squad.
Tss. Kung inaakala nilang tatabi ako? Nagkakamali sila. Nauna akong pumila kaya dapat lang na hindi ako umalis. Tumuloy tuloy nalang ako sa may counter. Nakatanga saakin ang babae sa may counter habang nagbubulungbulungan naman yung mga charmers na nakakita saakin. At isa lang ang masasabi ko WALA AKONG PAKI ALAM.
Hindi porket itinuturong silang mga kings at queen ng ibang charmers ay ganun na din ang turing ko sakanila. At hindi porket igimagalang sila o sinasanto sila ng ibang studyante ay sasantuhin ko na din sila. Aba hindi yata patas yun. Hindi naman sila ang batas. At malinaw na malinaw naman ang karatula na nasa itaas ng counter. "First come first serve".
"Hey Miss baka hindi mo kami nakikilala?" Mataray na tanong ng babaeng may kulay asul na buhok. "Hindi. Eh ako kilala mo ba ako?" Tanong ko. Umiling sya kaya muli akong tumalikod. Sakto namang tapos na yung kahera kaya nagbayad na ako. Humigit kumulang limang daan yung presyo kaya medyo masakit sa atm card. Madami din kasi akong pinamili, pinaka marami ang gamit sa pag bibake yun kasi ang kinahiligan kung gawin pag wala akong ginagawa.
"Abat----" magsasalita sana yung may pulang buhok na babae pero inunahan ko na sya. "Wag ka nang maraming sinasabi tapos na ako kaya kayo na. Kung balak mo pang dumaldal ng dumaldal ng mga walang kwentang bagay, nag aaksaya ka lang ng oras." Madiing sabi ko na ikinatikom ng bibig nya.
"May idadagdag pa ba kayo? May mag rereklamo pa ba?" Tanong ko. Sabay sabay naman silang nagsi ilingan kaya tumalikod na ako at binitbit ang dalawang supot na pinamili ko. Gusto nila ng sagutan kayang kaya ko yan. Pranka kaya ako. Kung ayoko sayo ayoko.
Napansin ko namang lukot ang mukha nilang siyam maliban sa lalaking may pulang buhok na wala paring pinagbago-- still poker face. Pagdating ko sa dorm ay agad nang iniluto ni Amber ang ulam namin. Kaming apat nman ay nilantakan na ang binili kung pick-A at mogu mogu.
°S E A N°
"Ow my jus! That babae lang ang first one na nakapagpatahimik sayo" nakangangang sabi ni Irine. Kailangan ko ng tisyooo duduguin nanaman yata ako dito kay Irine.
"Hayaan mo na. Humanda saakin yang babaeng yan wala syang karapatang ipahiya ako sa harap pa mismo ng mga Kings" medyo inis na sabi ni Shanell at may binulong pa sa huli pero hindi ko na narinig.
Malamang gagantihan nya ang babaeng yun dahil sa ginawa nyang pagpapahiya at pagsagot sagot kay Shanell. Pero angtapang nung babaeng yun. Sya lang ang nakapagpatahimik kay Shanell hindi man lang nakasagot si Shanell hahaha ang epic nga ng mukha nya eh. Mukha syang natatae na ewan.
"Babe ubos na yung pabango ko" biglang sabi ni Tracy na nakapulupot sa braso ko. Putakteng babae na to. Kung hindi ko lang to pinaghihinalaang sya ang mate ko matagal ko na tong ginawang chokoy.
"Anong gusto mong gawin ko?" Walang gamng tanong ko. Halos lahat kami sila ang pinang hihinalaan naming mate namin. Pero wala naman akong maramdamang kakaiba sakanya. Yung aura nya sobrang hina naman. Atsaka sa pagkakalam ko dapat kung sya ang mate ko may marka kami sa gitnang daliri namin. Pero hanggang ngayon wala pa naman."Bilihan mo naman ako oh" sabi nya tsaka nag pout pa naknang. Akala nya naman bumagay sa pagmumukha nya. Mukha na nga syang pato tapos mag papout pa sya nagmukha tuloy syang donkey.
"Hindi ko dala atm ko" palusot ko. Tss sumosobra na tong chokoy na to. Puro nalang sya pabili na pabili. Talagang may sakit syang BilMoKo. Kasi ibili mo nga ako ng ganyan, ibili mo nga ako ng ganito. Tss.
Silang limang magkakaibigan may sakit silang BilMoKo. "Ay sige next time nalang" naka pout parin nyang sabi. Nakakairita na to ah. Gagawin ko talaga tong chokoy.
"Babe parusahan nyo kaya yung babaeng yun. Sinagot sagot nya kasi si Shanell" sabi ni Ellaika na nakapulupot sa braso ni Macky. "Wala naman syang kasalanan eh" balewalang sabi ni Macky. Napanguso nalang si Ellaika, nakakapeste talaga tong limang to. Parepareho sila angsarap nila gawing chokoy.
Nung matapos naming bayaran ang mga pinamili namin ay dumiretso na kami sa roof top kung saan kami parating nakatambay dito. May minni sala dito.
"Cheers!" Sigaw ni Jerson. "Hoy Grey! Tumigil ka nga dyan! Ang laswa mong tignan!" Dag dag pa ni Jerson. Napailing nalang kami dahil kay Grey. Kailan kaya magbabago ang lokong yan? Babae na yata ang laging kasama nyan. Kahit saan sya magpunta may babae syang kasama. Kung hindi si Pamela ibat iba.
**********
Kapag po may mga error kayong na encounter. Paki remove po ito sa Library nyo tapos add nyo ulit. O kaya naman i archive nyo tas unarchived nyo ulit.
Thankyoulabyousomuchmuah😘❤
BINABASA MO ANG
Mystica Academy 2 (The Guardians)
FantasíaAng ikalawang libro ng Mystica Academy{The long lost Princess} Description: Isang istorya nanaman ang nabuo. Limang babaeng nakatira sa normal na mundo, ngunit dahil sa isang aksidente. Napadpad sila sa kakaibang mundo. Makakatagpo nila a...