Chapter©42

1.7K 50 3
                                    

°A L E X I S°

Naiinis akong bumangon dahil kanina pa may pilit na humihila sa kumot ko.

Kinuskos ko ang mata ko at inilibot ang tingin sa buong kwarto kong sino ang humihila ng kumot ko pero wala namang tao.

Wala na si Zach. Siguro nauna nang bumaba at nag bonding kasama ang anino n'ya. Muli kong hinila ang kumot at nahiga pero maya maya pa'y may himila nanaman nito.

Nakarinig ako ng kaluskos sa silong ng kama ko kaya dahan dahan akong gumapang papunta sa dulo ng kama ko at dahan dahang kong isinilip ang ulo ko sa silong ng kama.

"WAAAAAAH!!!!!" Malakas na sigaw ko. At dahil sa gulat hindi ko namalayan na nasa dulo na ako ng kama kaya nagpagulong gulong ako matapos kong mahulog dito.

Halos mamatay naman sa kakatawa si Zach. Bwisit s'ya lang pala yon. Grrrr.

"Hahahahaha pfft. " Tawa lang s'ya ng tawa habang naka hawak sakan'yang tyan at halos magpagulong gulong na sa sahig. Mamatay ka sana kakatawa hmp!

"Sige tawa lang bwisit!" Inis na sabi ko at dumiretso na sa cr para maka gayak.

Pagkalabas ko nang banyo ay tumigil narin s'ya sa kakatawa. Pulang pula ang buong mukha n'ya pababa sa leeg n'ya.

"Okay ka na?" Sarcastic na tanong ko. Tumango lang s'ya.

"Let's go. Kakain na tayo." Aniya at hinila na ako palabas. Napatingin naman ako sa kamay namin at napangiwi.

HHWW? >_<

Pilit kong tinatanggal yung kamay ko pero lalo lang humihigpit. Tsk pinagtitinginan tuloy kami. Siguro akala nila mag jowa kami ews.

Hindi kami sa mismong hotel kumain. Sa labas sa isang Chinese restaurant. Ano kayang naisipan nitong isang to?

Pagkarating namin ay agad kaming inabutan ng menu ng isang waiter. Halos sumakit ang ulo ko dahil ang hirap basahin ng mga pangalan ng pagkain.

"Can i get your  order ma'am, sir?" Tanong ng waiter. Inilapag ko nalang yung menu dahil hindi ko talaga mabasa.

Sinabi na niya yung oorderin niya samantalang ko nakanganga parin.

"Ma'am?" Biglang baling niya saakin.

"A..ahm just give me a water" nakangiwing sabi ko. Tinignan naman ako ni Zach.

"Are you sure?" Tanong nito kaya napipilitan akong tumango. Ni wala man lang siyang ginawa at tumango nalang arrrghhh!

Pagkarating na pagkarating ng inorder niya kumain siya agad. Nakakainis! Hindi man lang ba niya napansin na gutom na gutom na rin ako? Huhuhuness!

Napa iwas nalang ako ng tingin at napalunok. Nakakatakam kasi yung kinakain niya baka mamaya mag laway pa ako, nakakahiya naman.

Nagrereklamo na yung tiyan ko buti nalang walang tunog di katulad nung iba. Huhuness talaga!

Pagkatapos niyang kumain ay muli siyang nag order pero dessert naman. Nananadya ba siya?!

"You want?" Alok nito nang makarating ang order niya. Umiling lang ako at palihim na umirap tomguts na talaga ako.

Nang matapos siyang kumain ay inaya niya na akong bumalik sa hotel. Kainis talaga nakakainis!

Pagkarating na pagkarating namin ay padabog kung binuksan ang pinto at agad na hinablot ang bag ko.

"Where are you going?" Kunot noong tanong nito.

"Basta!" Inis na sabi ko at dali daling umalis. Nakakainis siya. Kakain akong mag isa hmp!

Mystica Academy 2 (The Guardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon