Caibidil a Do: Truths

3K 113 1
                                    

Lumipas ang dalawang oras pero hindi ako makatulog. bumangon naman ako, tulog na sila Blaze at Aldren. Tahimik naman akong lumabas. Kaagad sumalubong sa akin ang ihip ng hangin  at ang tunog ng mga alon sa di kalayuan.

Naupo ako sa isang bench sa tapat. I started to comtemplate in my life.  Iniisip ko ang magiging sitwasyon bukas kapag nakita ko na itong si Elia Krauszer.

"Hindi makatulog?" ang tanong ni Clarissa sabay tabi sa akin.

"Hindi eh" ang pagkumpirma ko naman. Katahimakan lang naman ang sumunod.

"Totoo ba?" ang pagbasag ni Clarissa sa katahimikan. "Na hindi ka pa nakakamove-on?"

"Hindi pa" ang kalmado ko namang tugon. "Akala ko rin, pag lumayo ako, mas magiging okay ang lahat. Pero sa tinagal ko sa Ireland, kelan ko lang natanggap lahat ng nanagyari sa amin. I don't know but I felt like I have you start a life over again."

"Ganun talaga, but the most important thing is to never stop trying" ang sabi naman niya.

"So, how did you meet that fiance of yours?" ang pag-iiba ko ng usapan.

"Naging client namin" ang tugon naman niya.

"So, may fiance ba ito at naging third party ka?" Ang pag-aassume ko.

"Gaga. Hindi!"

"Then, what?"

"Birthday party ng -"

"Girlfriend!"

"Hay naku! Malala ka na talaga, PeeJay" ang komento naman niya. "Kapatid"

"Aaah" ang reaksyon ko. "Sorey"

"I'm just curious. Naiisip mo pa rin ba siya? I mean si Ethan. You may or may not answer"

"Minsan" ang pag-amim ko. "Kung kamusta na siya... Kung masaya ba siya..."

"You still care"

"I always did kahit na sibrang sakit ng ginawa niya sa akin, I never wished anything bad for him."

"He's such a fool for letting you go" si Clarissa sabay yakap sa akin. "Andyan ka na handang magmahal, even selfishly"

"Well, yeah" ang pagsang-ayon ko. "But that PeeJay is gone. Matagal na"

"Nah, yung PeeJay na yun; kausap ko ngayon" ang pagtatama niya. Napangiti naman ako.

"Siguro nga" ang pagsang-ayon ko nang saktong humampas ang alon sa buhanginan.

"Pero paano kung isang araw" ang pagpapatuloy ni Clarissa. "Magkita kayo muli ni Ethan?"

"I would say hi" ang tugon ko naman.

"And then?"

"That's it" ang tugon ko naman.

"I see. Actually, he's already married"

"He is??" ang gulat kong tanong. "Oh, he is"

"Yeah" ang tugon naman niya. 

"Well, good for him" ang naging reaksyon ko na lang naman.

"You look so down"

"Why should I? As if naman, umaasa pa ako na magkakabalikan kami"

"bakit? Umaasa ka pa ba?" ang tanong naman niya.

"Of course not!" ang depensa ko naman.

"Then, why do you look so defensive!"

"I am not, Clarissa" ang depensa ko muli. 

OLSG 4: RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon