Nanlumo ako sa aking mga nakita. Mga litrato nila ni Eric, mga gamit, mga sulat at kung anu-ano pang mga bagay mula sa nakaraan nilang dalawa. Muling pumatak ang aking mga luha. I should give him the benefit of the doubt. Hindi sapat ang mga ito to jump into conclusions. I dug deeper into the box. . May iba pang mga gamit. Linabas ko ang mga yun. Mg gamit na katulad... no exactly alike with the things Eric has given me. And then, I saw a picture. Finally I understood. Binalik ko ang mga gamit sa kahon at lumabas ng kuwarto bitbit yun. Kaagad kong hinanap si Eric. Hindi naman nagtagal ay nakita ko siya. Nakangiti naman niya akong sinalubong.
"Saan ka galing?" ang tanong niya. "Kanina pa kita hinahanap"
Linapag ko naman ang kahon sa tapat niya. Napatingin naman siya dun. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
"Saan mo nakuha ang mga ito?" ang seryosong tanong niya.
"Hindi importante kung saan ko to nakuha" ang tugon ko naman. "But I already saw this under your bed. Ginamit mo lang ba ako?"
"Of course not, PeeJay" ang tugon niya sabay hawak sa balikat ko; kaagad ko namang hinawi yun at sinampal siya.
"Sinungaling!" ang galit kong tugon. "I trusted you"
"PeeJay, hindi mo naiintindihan. Mahal kita"
"Alam ko pero hindi sa katauhan ko. You tried to forget him through me pero hindi yun ang nangyari Eric. You are unconsciously trying to change me into him. His hairstyle, the things he like."
"It's not like that"
"I have receipts, Eric" ang tugon ko sabay sipa sa kahon para mas lumapit sa kanya.
"Everything is in there" ang dagdag ko pa. "You still love him. He's here. See him."
Pagkatapos nun ay tahimik lang akong naglakad palayo. It pains me a lot. Like a waterfall, my tears are falling as I walk. I headed to the bar and ordered some drinks. Hindi ko maintindihan. Ano bang mali sa akin? Nakkapagod nang magago at maloko. Bryan... Ethan... and now Eric... What else should I do to be truly loved? I have always been loyal and faithful to the point that I lost myself in the process for these mother effin' people.
I had a couple of drinks, napatayo naman ako at nagsimulang maglakad. Hindi ko napansin ang isang maintenance staff na makakasalubong ko. Natigilan ako nang may makita sa sahig. It looked familiar. Pinulot ko yun at tinignan. Litrato ko... sa Ireland. Sa isang coffee shop. Paano napunta ito rito? At sinong kumuha ng litratong ito? obviously, it's a stolen picture. Tinignan ko ang nasa likod. May nakasulat. "I miss seeing you smile"
Napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang maintenance staff may isa pang litrato sa dinaan niya. Kaagad namang akong tumakbo.
"Kuya, sandali lang" ang sigaw ko. Napatingin naman siya at natigilan.
"Bakit ho, sir?" ang tanong niya sa akin. May tulak tulak siyang hand truck. may ilang garbage box at isang kahon.
"Kuya, patingin nung karton" ang paalam ko.
"O, sige ho" ang pagpayag niya ngunit ramdam ko ang pagtataka sa kanyang boses. Kinuha ko ang kahon at tinignana ang loob. Napatingin ako sa staff.
"Kuya, saan mo to kinuha?" ang tanong ko.
"Sa kuwarto po ng may ari ng resort na ito" ang tugon niya.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.