I shook away all my thoughts when we arrived. May dalawang aircon bus na nakaparada malapit sa entrance ng Saint Anthony. Kaagad kong hinanap si Eric sa paligid; medyo marami na kasing tao. Kaagad niya akong linapitan nang magkita kaming dalawa. The organizers directed us to bus 2. Kasama naman ang participants sa music camp. Si Eliah naman ay napunta ng bus 1 kasama ang iba pang participants. Magkatabi kami ni Eric as expected. Most of the time ay tahimik lang kaming dalawa. Nakatulog siya kaya naman nakamasid lang ako tanawin sa labas. May mga awiting tumutugtog sa bus. Mga mellow songs. Natigilan ako sa isang awitin.
Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahaponOut of the blue kong naalala si Ethan at nung gabi ng birthday party ni Eliah. I feel guilty pero I need to be happy too. Napatingin ako kay Eric at napangiti. I held his hand. Sa ngayon wala na akong mahihiling pa. Binalik ko ang aking mga mata sa tanawin sa labas at hinayaan na lang matapos ang malungkot na kanta. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa resort. Entrada pala ay maganda na. Excited naman ang mga participants na mostly ay mga estudyante ng Saint Anthony. It was a little bit noisy but it can't be helped. Pumunta kaagad kami sa mga designated rooms namin. I can't be with Eric though. Kailangan kong makaipagroom sa dalawang participants and I don't think that is a good idea. What all know is that isang gabi alang kami rito but the "sponsor" became generous and let us stay for three nights. All that sponsor was asking, according to the officers.. is a review of the facilities. Kaagad kong inayos ang mga gamit ko nang makarating sa kuwarto ko... este namin ng mga magiging roommate ko. Mas naunang dumating ang Bus 1 kaya naman may mga gamit na sa dalawang kama. Natigilan ako nang may makita sa isa sa mga mesa. Isang Japanese comics and kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari. Si Eliah. Napabuntong-hininga naman ako out of relief. At least, may kakilala ako sa kuwarto and it's my annoying brother. But I wonder who's the other guy. Oh, well. Dumeretso na lang ako ng shower room at mabilis na naligo. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama and slowly fell asleep. Nagising na lang ako nang may umuuga sa akin. Napatingin ako. Si Eliah.
"Kuya, lunch time na" ang sabi niya. Napaupo naman ako at nagpunas ng mga mata.
"Anong oras na ba?" ang tanong ko sabay abot ng phone ko. Lagpas-alasdose na pala. Narinig kong bumukas ang pinto. Napatingin kaming dalawa at nag-abang sa kung sinong papasok. Isang lalakeng sa tingin ko ay kasing taon ni Eliah. Napatingin naman siya sa amin. Kaagad kong binusisi ang kabuuan niya. Payat... I meant slender. Gwapo rin at medyo chinito.
"Hello po" ang bati niya sa amin.
"Hi" ang bati ko naman. "And you are?"
"Kyle po" ang magalang niyang tugon.
"Chinese?" ang tanong ko.
"Ha?" ang tanong niya pabalik.
"Po?" ang pag-uulit ko. Natawa naman siya sa joke ko.
"Kyle Rodrigo"
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.