Here's the second set of words po:
Changing Tides: erisbipogi
Hell-xxoxx123
Date Night- jclayton01071990
Acceptance- keepcalm_69
Forgiveness- einnomarc
Courtship- philipkikuchi
Nagsimula akong maglakad palayo. Tulad ng inaasahan ko ay suminod na naman si Ethan. Nakakapagod nang makipaghabulan. Tahimik na lang akong naglakad.
"Nagdinner ka na?" ang tanong niya.
"Kanina pa" ang tugon ko naman. "Bakit hindi mo na lang bigyan ng oras yung pamilya mo?"
"Believe me; I do" ang tugon naman niya. "Can you spare me some of your time? I mean, pwede ba tayong mag-usap?"
"Are we not talking?" ang tanong ko naman pabalik.
"Well, I mean to patch things up" ang tugon naman niya. Napabuntong-hininga naman ako.
"We do need to talk" ang pagsang-ayon ko. "But not today"
"Alright" ang pagsuko niya sa wakas. "So, can I have your number then?"
Umiling naman ako.
"Let's see if we'll get there" ang komento ko. Napatango naman siya.
"I'll give my best for us to get there" ang sabi niya pabalik.
Hindi na ako kumibo at pinagpatuloy na ang paglakad palayo. Hindi naman na siya sumunod. Sakto namang nagtext si Aryan na nasa parking area ba sila ng mall. Kaagad naman ako naglakad patungo roon.
"PeeJay!" ang sigaw ng isang boses nang makarating ako sa parking lot. Lumapit naman ako.
"Let's go" ang yaya ko naman.
"Where are the rest?" ang tanong ko nang tumabi siya sa akin. Si Blaze ang nasa driver's seat.
"Susunod daw sila Clarissa kasama ang fiance niya. Aldren too. Pagkatapos ng photoshoot niya" ang tugon ni Blaze nang sinimulang magmaneho.
"But hindi makakapunta si Emily" ang dagdag naman ni Aryan. "You know; teacher duties"
Napatango naman ako. Napatingin namna ako sa labas. Nararamdaman ko ko ang mga ilaw mula sa street lights. Mahigit dalawang taon akong nawala. Halos lahat ng nasa paligid ko ay nagbago. Ganun ba katagal ang halos tatlong taon? But it feels like it was just yesterday. Inaasahan ko na sa aking pagbabalik ay siya ring pagbabago... but with Ethan always showing up, pakiramdam ko... I'm stuck in the same time frame when he was everything.
"I want to go back to Ireland" ang malakas kong nasabi.
"Huh" ang reaksyon naman ni Aryan sabay tingin sa akin. Napabuntong-hininga naman ako sabay iling. I want him to get out of my system but I just don't know how. Everytime I push him away, he always return with a stronger determinantion.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa Red's. Lumabas kami ng sasakyan at napatingin ako sa paligid. Parang itong lugar lang na ito ang hindi nagbago. Katulad pa rin ito ng dati.
"Tara na sa loob" ang yaya naman ni Blaze. Pumasok naman kami. May bandang kasalukuyang kumakanta sa enteblado. I remember singing my heart out everytime we are here. Napapangiti naman ako. Naupo kami sa bandang may mahabang mesa.
"I won't drink" ang sabi ko naman sa kanila.
"Huh?" si Blaze. "Bakit ang Killjoy natin ngayon?"
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.