Caibidil Naoi: The Prince

2.7K 111 9
                                    


"Long time no see, Derek" ang bati ko sa kanya. "Kamusta ka na?"

"Better than ever" ang tugon naman niya. "You look good"

"As always" ang tugon ko naman.

"Let's go to the VIP room" ang suhestyon naman niya. Kaagad naman akong pumayag. Nauna naman ako sa kanya. "I've got something to tell you... I'm getting! married."

Natigilan naman ako bigla as paglalakad at napatingin sa kanya. Natawa naman ako.

"That's a good one, man" ang komento ko naman.

"I'm serious" and depensa naman niya. Sinuri ko naman ang mukha niya and I think he is indeed serious.

"Okay, I believe you" ang komento ko naman.  "It's a surprise"

"People can change"

"Sa bagay" ang pagsang-ayonko naman.  "So, who's the girl?"

"Remember Melissa?"

"Kayo pa rin?" ang gulat kong tanong. "Wow. Achievement! Mabuti naman hindi ka na nangangati"

"Seriously, PeeJay?"

"You can't blame me. Napakababaero mo"

"That was before" ang pagtatama niya.

"Anyway, congratulations" ang pagbati ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

"PeeJay, I want you to be my best man"

"Ha? Bakit ako?" ang  tanong ko. Napasimangot naman siya. "What I'm trying to say is. Hindi ako naging mabuting kaibigan... bestfriend. Nawala ako sa tabi mo."

"If I were in the same situation; I would do the same too."

"I'm really sorry Derek pero kailangan ko talagang tumanggi" ang muli kong pagtanggi. "Mas deserve ni Bryan na maging bestman mo. Alam nating dalawa na mas malaki ang naitulong niya sayo bilang isang kaibigan"

"But you're the one who made me realize how important she is to me"

"Wait a minute, I'm confused." ang reaksyon ko naman.

"Remember the night that you punched me."

Sinubukan kong alalahanin ang pagkakataong yun ngunit wala ako akong maalala.

"Refresh my mind"

"That time I was cheating" ang tugon naman niya na kaagad ko namang naalala. Napatango naman ako. "The point is... you made me realize my mistakes"

"Okay. Fine"  ang sa huli ay pagtanggap ko sa kagustuhan niya sabay buntong-hininga. Nagsimula na ulit kaming maglakad. I can feel some eyes on me pero wala naman akong pakialam. "Si Bryan nga pala, nasaan siya?"

"He's in the VIP room"  ang tugon naman niya. Tahimik ko namang pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa Gold room. Pumasok ako agad nang makarating dun. Wala namang masyadong pinagbago ang kuwarto. It was well kept. Nakita ko naman si Bryan na natutulog sa sofa.

"Is he drunk?" ang tanong ko. Nagkibit-balikat lang naman si Derek. Bapaikot naman ako ng mga mata. Lumapit naman ako kay Bryan at tumapat sa kanya. Tinusok-tusok ko ang kanyang pisngi.

"Derek, what the hell" ang reaksyon naman niya habang dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Kaagad naman siyang napaupo nang makita ako. "PEEJAY?????!!"

"Boo" ang tugon ko naman. Dinampot naman niya ang throw pillow mula sa sofa at binato sa akin. Sinalo ko naman yun. "Ganun mo ako namiss?"

"Mamiss?? Mukha mo!" ang tugon naman niya. Aalis ka nang walang paalam tapos babalik ka kung kalian mo lang gusto mo. Iba ka rin, no?"

"Wow,ah! Chill"

"Chill ka riyan!" ang reaksyon naman niya sabay dampot pa ng isa pang throw pillow at bato sa akin.

"I missed you so much" ang sabi ko naman bago ko siya linapitan at yinakap. Yinakap naman niya ako pabalik.

"Namiss din naman kita" ang tugon naman niya. Nakita ko ang bote ng alak sa mesa. Tumayo namana ko. Linagyan ko ng yelo ang basong nasa mesa at pinunan ito ng alak. Dinampot ko naman yun at dahan-dahang pinaikot ang laman habang nakatingin kay Bryan. I smiled.

"The old Montecillo's Big Dragon is back" ang komento niya. "So, kelan pa?"

"Just two days ago" ang tugon ko naman. Pagkatapos naman ng ilang sandal ay nakisalo sa amin si Derek. Nagkwento ako tungkol sa mga nangyari sa Ireland at ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas.

"Ngayong nahanap mo na ang kapatid mo, babalik ka na ba ulit ng Ireland? ang tanong ni Bryan. "Nasanay na rin naman ako sa Ireland. So, wala naming problema sa akin just in case maisipan kong bumalik dun"

"But will you stay here?" ang tanong naman ni Derek.

"Hindi ako sigurado"

"That does mean... hindi ka pa nakakamove-on?"

"Why does it always have to be my broken relationship?" ang reaksyon ko naman.

"Then, what's making you keep your distance?" ang muling tanong ni Derek.

"You know what? You're getting me wrong." ang tugon ko naman.

"Then illuminate our minds" ang singit naman ni Bryan.

"Hindi naman siguro masama na magstay ako dun."

"For what reason nga?" si Derek.

"For no reason' ang tugon ko naman.

"Una sa lahat... ang buhay mo narito sa Pilipinas at wala dun sa Ireland. Wala yung family and friends mo dun" ang pagpapaliwanag ni Derek.

"Oh, I get it. He badly needs to go there kasi wala dun yung ex-boyfriend niya" si Derek. Improving ang Tagalog niya. Napaikot naman ako ng mga mata at uminom.

"Nabobore ako rito"

"Hindi ko alam pero mas boring ata ang magpastol ng mga hayop" ang komento ni Bryan.

"Okay, fine. I'll stay" ang tugon ko na lang. Linapag ko ang baso sa mesa at naglakad patungo sa pinto.

"Saan ka pupunta?" ang tanong ni Bryan.

"Just outside" ang tugon ko naman sabay bukas ng pinto. Kaagad naming napunan ng malakas na tugtugin ang pandinig ko. Nakakaramdam na rin naman ako ng init mula sa alak na ininom ko kani-kanina lang. Bumaba ako at nagtungo sa bar. Umorder agad ako ng iba pang alak.

"Hey" ang sabi ng isang boses. Napatingin naman ko. Tinuro ko naman ang sarili ko.

"Yeah, you" ang pagkumpirma naman niya. "Can I join you?"

Ngumiti naman ako at tumango.

"First time kitang nakita rito" ang pagsisimula niya ng usapan.

"Two years akong nawala. So, It's my first time to be here after a long period of time" ang tugon ko naman. "Palagi ka ba rito?"

"Actually, I just moved here around nine months ago" ang tugon naman niya. "Anyway, Eric nga pala"

"Eric... Yung prince sa "The Little Mermaid" na pinagpalit siya that's why she committed suicide" ang wala sa lugar kong komento.

"Since when pa naging tragic yun?" ang tanong niya.

"Since 1837 nung original na sinulat ni Hans Christian Andersen" ang tugon ko habang nakatingin sa kanya.

"Wow. That's depressing" ang tugon niya. "Thanks for destroying my childhood"

"You're welcome" ang tugon ko naman. Natawa naman siya.

"Well, do I look like a prince?" ang tanong niya.

"You might look like one but I'm already a Prince" ang tugon ko.

"What?"

"Prince Jasper. Yun ang pangalan ko" ang paliwanag ko.

"Oh. I see" ang reaksyon niya sabay tawa ulit.

OLSG 4: RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon