Kaagad ko namang tinawagan si Eliah. Tapos na rin daw siyang makapamili kaya naman nakapagkita kami sa kanya sa food court. Naroon naman siya ng dumating kami. Kaagad naman siyang napanganga nang makita ako.
"What do you think?" ang tanong ko sa kanya. Sinuri niya ang buhok ko bago tumingin sa akin.
"Uhm, clean" ang katangi-tangi niyang komento. Napakunot naman ako ng noo.
"I'll take that as a compliment" ang sabi ko na lang. Napangiti naman siya bago binalik sa akin ang credit card ko. "Anong binili mo?"
"Dalawang shorts at sapatos Kuya" ang tugon naman niya. "Pangsayaw"
Napatango naman ako. Napatingin naman ako kay Eric. "Uuwi na kami"
Ngumiti naman siya at tumango.
"Kita-kits na lang bukas" ang sabi niya.
"Thank you for today" ang pasasalamat ko.
"Ihatid ko na kayo" ang suhestyon niya.
"Ikaw bahala" ang tugon ko naman. Nagsimula naman kaming maglakad palabas ngunit natigilan si Eric nang may makita sa isa sa mga shop.
"Sandali lang" ang paalam niya bago tumakbo patungo sa shop na yun at may binili. Kaagad naman siyang bumalik sa amin. "This is for you"
Inabot niya sa akin ang isang paper bag na galing sa shop.
"Thank you" ang sabi ko naman. "Let's go"
"I'll see you tomorrow" ang sabi ko bago sumakay sa kotse ko.
"Can't wait" ang sabi naman niya. Naglakad siya palayo. Nang wala na siya ay binuksan ko ang paper bag to check. Na-cucurious ako sa laman nito. Iniabas ko ang laman. Isang T-shirt. Binuklat ko yun. May print na nakasulat ay "Apple of my eye" tapos may cute na emoji ng isang pulang mansanas. Napangiti naman ako. Tinago naman yun. Nakareceive naman ako ng text mula kay Eric. Suotin ko raw yung regalo niya bukas. Pumayag naman ako. Nagsimula naman akong magdrive patungo sa amin.
"Bakit ngayon lang kayo?" ang tanong ni Mommy nang makarating kami sa bahay.
"Mommy, nagpagupit ako. Hindi mo ba napapansin?" ang tanong ko.
"Sa sobrang parati mong pagpapagupit at pagpapalit ng kulay ng buhok... hindi na yan bago sa akin." Ang komento naman ni Mommy.
"Kamusta ang summer camp?" ang tanong ni Mommy kay Eliah.
"Masaya po" ang tugon naman ni Eliah.
"He's crushing on Ethan" ang singit ko naman.
"Grabe ka, Kuya!" ang reaksyon naman ni Eliah.
"Hindi ba totoo?" ang tanong ko naman.
"Look who's jealous" ang komento naman ni Mommy.
"Wala akong gusto sa kanya" si Eliah. "Kasi pagmamay-ari siya ni Kuya PeeJay"
Tumawa naman si Mommy.
"Kain na tayo. Linuto naming yung gusto mo"
"Talaga po? German food po ba?" ang tanong ni Eliah. Napatingin kami ni Mommy sa isa't-isa.
"Akala ko ba Curry ang gusto mo?" ang tanong ko sa kanya.
"C-curry?" ang tanong niya pabalik biglang namula ang mga pisngi niya. "Susunod po ako"
Bigla na lang siyang tumakbo paakyat patungo sa kanyang kuwarto.
"Anong nangyari dun?" ang tanong ni Mommy. Napakibit-balikat naman ako.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.