[Lunes]
On the way kaming papunta ng Saint Anthony, gamit ko ang sasakyan ni Eliah, regalo nila Mommy at Kuya sa kanya.
"Sa susunod dapat ikaw na ang magmaneho nito" ang komento ko naman.
"Sige. Kuya" ang simple naman niyang tugon. Mukhang malalim ang iniisip niya ngayon kaya naman napakunot ako ng noo. Hindi na lang naman ako umimik at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Saint Anthony. Sa parking area ay sinalubong ako ni Eric.
"Good morning" ang bati niya sa akin sabay abot ng isang bouquet ng rosas.
"Para saan to?" ang tanong ko.
"Happy first day" ang bati niya sabay akbay sa akin.
"Nag-abala ka pa" ang nakangiti ko namang tugon.
"Of course, it's special" ang tugon niya.
"tara na nga" ang sabi ko naman kaya nagtungo kami sa auditorium para ipagpatuloy ang pagtuturo kung paano tugtugin ang gitara. Nang sumapit ang pananghalian ay nagtungo kami ni Eric sa cafeteria tulad ng naka-ugalian naming gawin. Hinihintay namin si Eliah. Hindi naman nagtagal ay nagsimulang dagsain ang cafeteria. Pumasok naman si Eliah;nakasimangot. Lumapit naman siya sa amin at tahimik na naupo.
"Why the long face?" ang tanong ko naman.
"Nakakairita" ang simple naman niyang tugo. Napatingin kami ni Eric sa sa isa't-isa. "Nakakainis ang Chadwick na yun"
"Oh, he's here" ang reaksyon ko naman. "Is he still bullying you?"
"Hindi pero sunod ng sunod sa akin" ang reklamo niya.
"Kailangan mong alalahanin na ito ang hiningi nating kapalit" ang paliwanag ko naman.
"Hiningi MONG kapalit, Kuya" ang pagtatama naman niya.
"It's for your own good, Eliah" ang argyumento ko naman.
"Paano naman?" ang tanong naman niya.
"Don't get me started, Eliah" ang suway ko naman. Napasimangot na lang naman siya at tiniklop nag mga kamay. 'Isa pa, ayaw mo yun? May gwapo kang guardian?"
"HIndi ko kailangan, Kuya" ang tugon naman niya. Sakto namang dumating ang pinag-uusapan namin.
"O, andyan na pala siya" ang anunsyo ko. Napatingin naman siya. Lumapit naman siya sa amin.
"Chad" ang pagtawag ko sa kanya. "Manuti naman ay narito ko."
"Sinusunod ko lang yung terms na hiningi mo sa akin" ang pormal naman niyang tugon.
"I understand" ang tugon ko naman. "Why don't you two eat together so you can give us a "we" time?"
Napakunot naman ng noo si Eliah tinignan niya ako at si Eric. Tumango naman ako. Napakibit-balikat naman siya at nagsimulang pumila; sumunod naman sa kanya si Chad.
"Mukhang wala ata yung ex mo" ang komento ni Eric.
"huh?" ang reaksyon ko naman. Now that he mentioned it. Hindi ko naramdaman ang presensya ni Ethan simula kaninang umaga. Napatingin ako sa paligid; wala nga siya.
"PeeJay!" ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman ako. SI Clarissa at Aryan. Lumapit naman silang dalawa sa amin.
"Nakakadisturbo ba kami?" ang sarkastikong tanong ni Clarissa kay Eric,
"No. Not at all" ang tugon naman ni Eric ngunit medyo nag-iba ang mukha niya. So, they indeed joined us.
"Narito ka" ang komento ko kay Clarissa. "Hindi ka na ba busy?"
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.