Pakiramdam ko... ang lahat ng pinilit kong ibaon ng mahigit dalawang taon ay nagsibalikan na parang mga zombie sa isang horror movies. Pero sa lahat ng nararamdaman ko ngayon ay tatlo ang pinakanangingibabaw; ang sakit, poot at galit.
"I'm happy to hear that" ang komento naman niya. I just smirked. Napatingin ako sa mga tumbler na nakadisplay.
"Can we talk?" ang tanong niya.
"No" ang mabilis ko namang tugon. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa."
"Galit ka pa rin gummy bear?" ang tanong niya kaagad namang napatingin sa kanya. Nantaas ang kilay ko.
"To the hell and back" ang tugon ko naman. Napabuntong-hininga naman siya. All of a sudden, his face softened.
"I know" ang mahina nyang sinabi na halos parang bulong na. Umiwas naman ako ng tingin, binalik ko ang tingin ko sa mga tumbler.
"The strory of you and I...matagal nang natapos yun" ang sunod kong sinabi nang may sumingit na boses.
"Daddy" ang sabi ng maliit na boses, Napatingin naman kami. Nakatingin ang bata kay Ethan. Kaagad naman niya akong kinarga.
"This is Clifton" ang pagpapakilala niya sa bata. "My son"
Nagulat ako sa aking nalaman. Sa aking hula ay more than one year old na ang bata.
"So, you're married" ang casual kong nasabi, pinilit kong itaga ang pagkagulat sa aking boses. Ngumiti naman siya. "Not until you marry me"
Napa-ikot naman ako ng mga mata. Hindi ko naman namalayan na tumabi na sa akin si Elia.
"Hindi ko alma kung anong gusto mo, Kuya" si Elia na inaabot ng kulay blue na inumin sa akin. He's a life saver. Kailangan na kailangan ko ng maiinom ngayon. Kinuha ko naman yun sa kanya sabay inom. Kaagad naman akong napangiwi.
"Tastes like pure sugar. Geez!" ang reaksyon ko.
"Sorry, Kuya. Palit na lang tayo Kuya" ang alok niya sabay pakita ng pink namang inumin na hula ko rin ay pareho rin naman ng lasa.
"Kuya???" ang nagtatakang tanong ni Ethan. "Hindi ko alamna may nakkabatang kapatid ka"
"So do I" ang tugon ko naman.
"Anyway, HI! I'm Ethan" ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. hayop ta;aga tong lalakeng to.
"Elia Krauszer" ang tugon naman ni Elia. "Half-brother po ni Kuya PeeJay. And you are?"
"He's my Ex" ang salo ko naman.
"MIght still be your next"
"That won't happen. Go f**k yourself!"
"That's more than two years ago"
"And I never forget"
"AAAAAH" ang biglang reaksyon naman ni Elia kaya natigilan kaming dalawa. "Ikaw yung naglokong jowa ni Kuya hanggang ngayon ay bitter pa rin siya. Sayang, gwapo ka pa naman sana"
Sabay naman kaming napatingin sa kanya; kapwa napangaga.
"Es tut mir lied" ang nasabi naman niya. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Mauna na ako sa kotse, Kuya"
Napatango naman ako.
"Nice meeting you, Kuya" ang sabi niya kay Ethan bago nagmadaling lumabas ng cake shop.
"He's like you" ang komento naman ni Ethan.
"How so?"
"You easily speak your minds" ang paliwnag naman niya.
"No, It's never been that easy" ang depensa ko. "I should go now"
Tinalikuran ko siya. Nakailang hakbang pa lamang ako nang tawagin niya ako. NGunit hindi na ako lumingon pa.
"I'm so glad to see you again" ang sabi naman niya.
"I wish I were too" ang tugon ko namanbago tuluyan nanag naglakad palayo. Lumabas ako ng cake shop. Dumeretso ako ng kotse kung saan naghihintay si Elia. Naabutan ko siyang naka-earphones na kaagad naman niyang tinnaggal nang sumakay ako.
Katahimikan...
Napapaisip ako. It was like yesterday. Bumalik ang mga ala-ala. Yung mga masasaya.. malulungkot... masasakit. BIglang may luhang tumulo sa aking mata na kaagad ko namang pinunasan. Matagal ko nang naipangangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na pa ako luluha pa nang dahil s akanya and I'm failing again. Papaandarin ko na sana ang kotse nang may kumatok sa bintana. Napatingin naman ako. Si Ethan. What the hell... Binaba ko naman ang kotse.
"What the hell do you want now?" ang tanong ko. Hindi namn siya nagsalita bagkus ay may pilit inaabot na kahon mula sa cake shop. Kinuha ko na lang yun para matapos na rin ang sitwasyon. Then, he left without muttering a word. Alam ko naman nag nasa loob nun. Inabot ko na lang kay Elia. "kainin mo"
"Bakit naman, Kuya? HIndi naman sa akin ibinigay?"
"Sa akin nga ibinigay but I"m giving it to you already" ang paliwanag ko naman. "May malapit na basurahan, itapon mo kung ayaw mong kainin."
"Sayang naman" ang reaksyon niya. Binuksan naman niya ang kahon. Mga berdeng donuts. Paborito ko ang green tea flavored na pagkain. Mukhang masarap pa rin hanggang ngayon TT. Iniwas ko na lang ang tingin ko at sinimulan ang pagdra-drive. Hindi ako makapagfocus dahil naaamoy ko ang donuts na yun.
The struggle is real.
Napabuntog-hininga naman ako kasi traffic pa.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko kaya napatingin kami n Elia sa isa't-isa. Natawa naman kaming dalawa.
"Wag na kasing mag-inarte Kuya" ang komento niya. "Talo ng gutom ang pride. Wala naman siya rito. kaya hindi niya malalaman"
"Sa bagay. And it doesn't even matter." ang pagsang-ayon ko. Kumuha naman ako ng donut
"Ah, Kuya" si Elia na may pinulot sa sahig. Tinignan naman niya yun. "Para sayo pala Kuya"
"Ano naman yan?" ang tanong ko. Hindi naman siya sumagot at inabot sa akin ang isang papel. Tinignan ko naman yun.
"Sorry. Ethan" ang nakasulat at ang phone number niya na hindi niya pa rin pinapalitan. -Napabuntong-hininga naman ako. Linukot ko naman yun at binuksana ng bintana. Tinapon ko naman yun sa labas. Nanood naman si Elia ng kung anong anime. Naririnig ko ang Japanese language. Mahilig talaga siya sa animation.
"Umiinom ka ba?" ang tanong ko.
"Ng alin kuya?"
"Alcohol. Barhopping. Ganun?"
"Hindi Kuya" ang tugon naman niya. Balak ko sanang isama siya sa Club Spaceman para dalawin si Derek. "Ayoko sa mga maiingay na lugar"
"May social ka ba?" ang nagtataka kong tanong.
"Asocial ako Kuya" ang tugon niya. "I hate being around people."
"But at least, you have a couple of friends, right?"
"If you can consider my comic books friends; then yes" ang wala sa mood niyang tugon sabay tingin sa labas. Napaka-distant naman ng batang to.
"But you know, you can't be like that forever" ang komento ko naman.
Author's note: Check photo attachment :D
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.