I need to get out of here. Napabuntong-hininga naman ako at tumayo.
"I need to go" ang anunsyo ko. Napatingin naman ang mga kasama ko sa akin.
"Agad-agad?" ang tanong naman ni Aryan. "Okay ka lang ba?"
Tumango naman ako.
"Red's tonight?" ang yaya naman ni Clarissa. Napatingin naman ako.
"Sure" ang tugon ko. "Pupuntahan ko na muna sila Kuya at Eliah."
"Walang problema. Kailangan mo ring makipag-bonding sa mga kapatid mo" ang tugon ni Clarissa. Kinuha ko naman ang folding umbrella sa mesa at ang wallet ko bago lumabas ng cafeteria. Medyo maulan na kaya naman binuksan ko ang payong ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ngunit may tumawag sa pangalan ko, natigilan ako ngunit hindi na lumingon dahil alam kong si Ethan yun.
"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" ang tanong niya.
"Hindi kita iniiwasan" ang tugon ko naman. "There's nothing to talk about. Now stop bothering me"
"There are many things that I want to say"
And there are many questions in my head. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nabitawan ko ang payong ko at napatingin sa kanya nang hablutin niya ang kamay ko.
"Let me go" ang kalmado kong utos sa kanya.
"I can't. I made that mistake once. I won't do it again"
"And as if I will let you do that to me again." ang komento ko naman. "I'm not the same person three years ago. I won't fall with the same tricks again."
"Give me a chance to prove myself"
"I have given you a lot of chances before. Nakakapagod din."
"And I tell you hindi rin ako yung Ethan na nanggago sayo three years ago"
"Tama na, Ethan. Hayaan mo na lang ako. Why can't you just let this remain as it is?"
"How can I move on when I'm still in love with you?" ang tanong niya. "Let me at least exoplain myself"
"Hindi na kailangan. It doesn't matter anymore" ang giit ko naman. HInila ko ang kamay ko mula sa kanya at nagsimulang tumakbo palayo. Kaagad akong sumakay sa kotse nang makarating ako kung saan ito nakapark. Gusto kong lumuha ngunit pinilit kong hindi lumuha. Pinaandar ko na lang ang kotse ko upang magtungo sa apartment ni Eliah. Dumaan ako sa isang coffee shop para bumili ng maiinom para mahimasmasan ako sa naging mga pagkikita namin ni Ethan.
Sana ganun na lang kadali para sa akin ang lahat. Parang lindol lang ang lahat; I can still feel the aftershocks. Nagmaneho na ulit ako papunta kila Eliah nang makabili ng maiinom. Nandoon na ang truck na rinentahan ko.
"Kuya PeeJay" si Eliah nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Sabi ni Kuya JayPee, hindi ka raw makakarating"
"Well, I just decided to join you" ang tugon ko naman sabay pasok. "And sa tingin ko rin naman, we need to bond... the three of us"
Naabutan ko si Kuya sa sala.
"Oh, you're here" ang walang kaemo-emosyon niyang sinabi habang pinagpapatuloy ang paglalagay niya ng mga gamit sa isang kahon. Hindi ko na lang siya pinansin at naupo sa sofa. Kinuha naman niya ang isang inumin sa plastic bag. Hinubad ko ang jacket ko at nagsimulang tumulong. Dumeretso ako sa manga collection ni Eliah at maingat na sinilid sa kahon na kinuha ko mula sa malapit. Bumuklata ko ng isa at napakunot ako ng noo dahil walang English translation.
"Eliah, bakit walang English translation?" ang tanong ko. "Can you speak Japanese?"
"Uhm, oo Kuya. Yun yung kinuha ko para sa Foreign Language Selective class namin" ang tugon naman niya.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Fiksi RemajaGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.