Caibidil a hAon Déag: Getting to Know Him

2.6K 110 8
                                    

"Change for the better" ang tugon naman niya. Napangiti naman ako.

"So what do you do?" ang tanong ko sa kanya.

"Well" ang pagsisimula niya. "I'm a businessman and part time  music teacher"

"Anong klase?" ang follow-up question ko.

"Business o yung music?" ang tanong niya pabalik.

"Both" ang tugon ko.

"Trade and all kinds of instruments except wind" ang tugon naman niya.

"Bakit naman?"

"I don't blow" ang tugon naman niya sabay tawa. Kaagad ko namang nakuha ang joke niya. Tumawa naman ako sarcastically.

"Gustong-gusto ko ang gitara" ang sabi naman niya. "Nakita kita kagabi sa DJ Booth"

"Well?"

"You did great" ang tugon naman niya. " Is it a  a job or what?"

"It's just a hobby" ang pagtatama ko naman. "Mabuti nga, nagagawa ko pa rin yun even when I were in Ireland."

"Ireland? Dun ka ba nagstay after mo ma-heart broken?" ang pag-uusisa niya. Napaka-tsimoso ng lalakeng to.

"Oo" ang tugon ko naman. "Eh, ikaw? Saan ba naging safe haven mo?"

"Wala" ang tugon niya. "It's useless. Even if I run away; the pain still haunts me. "So, nagpaka-busy na lang ako. But there were times that I just need to stop to cry. Habang tumatagal kasi ng tumatagal  mas lalo akong pinapatay ng sakit na kinikimkim ko. For me, it was hell anywhere"

"I see. I understand" ang tugon ko naman. Sa bagay may punto siya. Nagpakalayo-layo ako pero pakiramdam ko mas kailangan ko pa ring lumayo. Natahimik kaming dalawa. ""So, how to stop moving on?"

"Wala namang ganun eh"

"Ang ano?"

"Move on" ang tugon niya. "Kaya nga tinawag na move on because it's a never ending process. Dapat may pinapatunguhan ka. May ginagawa. Magtaka ka na lang kung isang araw nahinto ka at wala nang magawa.

"Lalim naman nun" ang tugon ko naman. Napangiti naman siya. "So, can I take a shower?"

"Of course" ang tugon naman niya. "Want me to join you?"

"In your dreams. Mister" ang tugon ko naman tapos inubos ang kape ko. Tumayo naman ako.

"Papaheraman ulit kita ng damit" ang sabi niya.

"No thanks" ang pagtanggi ko naman.

"I insist"

"Okay, fine" ang tugon ko naman. "So, where's the bathroom?

"Straight left" ang tugon naman niya. Sinundan ko naman ang direksyon niya hanggang sa makita ko ang puting pinto. Binuksan ko naman yun at yun nga ang banyo. Nagsimula naman akong maghubad nang mailock ko ang pinto at naligo.

"PeeJay" ang pagtawag naman niya sa kabila ng pinto habang kumakatok. "PeeJay"

"What now?" ang naiinis kong tanong sa aking sarili habang nagsha-shampoo.

"May tumatawag sa phone mo. Kanina pa" ang sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Shall I answer?"

"No. Hayaan mo na lang" ang tugon ko naman.

"As you say so" ang tugon naman niya. "Hello"

0_o

"Sorry, he can't answer his phone as of the moment." ang naririnig kong sinabi niya. Madalian naman akong nagbanlaw. Baka kung sino pa ang maka-usap niya. Kaagad naman aking lumabas nang matapos. Naka-upo siya sa sofa at hawak-hawak pa rin ang  phone ko. "Uhm, ako si Eric. His friend"

Napatikhim naman ako. napatingin naman siya. 

"oh, he's here" ang komento namn niya sa kanyang kausap. "I'll hand the phone to him"

Inabot naman niya sa akin ang phone ko na siya ko rin namang kinuha. 

"Hello" ang pagbati ko. 

"Beks" ang sabi naman ng boses sa kabilang linya. Si Clarissa.

"Napatawag ka?" ang tanong ko naman.

"Sino yung Eric?' ang tanong namn niya. Napatingin naman ako kay Eric na nakamasid sa akin. 

"Kaibigan ko" ang tugon ko naman. 

"Wala kang naikwekwento tungkol sa kanya" ang tugon naman niya.

"Hindi ko naman siguro kailangang ikwento ang tungkol sa lahat ng mga nagiging kaibigan ko di ba?" ang tanong ko naman pabalik.

"Gwapo ba yan?" ang tanong niya. Napatingin naman ako. 

"Oo" ang tugon ko naman. 

"Yummy?" ang sunod niyang tanong. Hay naku. 

"Opo." ang tugon ko muli.  "Bakit ka nga ba ulit napatawag?"

"ang aga-aga, ang sungit mo ha?"

"Masakit ang katawan ko"

"OMG Pee Jay"

"hang-over"

"Yeah, right" ang sarcastic naman niyang tugon.  "anyway, may alumni meeting tayo today just in case you still don't know. Hamak na rin namang andito ka. Pumunta ka na rin. Today. 2pm sa college function hall natin."

"okay. I'll be there" ang tugon ko naman.  

"Yun lang naman. Ayoko nang makadisturbo sa inyo ng kaibigan mo" ang sarcastic niya pa ring sinabi. Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi ng bruha. Naupo ako sa sofa chair katapat ng coffee table niya. 

"Sino siya?" ang tanong naman ni Eric. 

"Si Clarissa. One of my bestfriends since college" ang tugon ko naman. "Asan ang pamilya mo?"

"I don't know. "

"Huh? Bakit naman?" ang follow-up question ko. 

"I cut my ties already" ang tugon naman niya. "Sanay naman na akong mag-isa. I'm that incompetent son, the lesser brother, the stupid student, the man with a lot of faults. The second choice. The not enough. "

"Paano mo naman naisip yan?" ang tanong ko. He just smirked. 

"Bago namatay ang ina ko, ang payo niya sa akin, maging mabait ako sa ibang tao. Nasobrahan kaya ayun, i'm now rebelling. Alam mo yung pakiramdam na napaka-generous mo sa oras sa iba para tumulong and when you need help, walang taong tutulong sayo. Nakakapagod yung ganung sitwasyon. It just wore me down to the extent na ayun. I just find it hard to open to others anymore,"

Ang lalim-lalim naman ng pinaghuhugutan ng lalakeng ito. Pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagod sa sitwasyong pinagdaanan niya. Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 

"You don't need to say anything" ang  out of the blue naman niyang komento na tila ba nabasa ang nasa isipan ko. napatingin ako sa wall clock. Mag-aalas-dyes na. 

"kailangan ko nang umalis" ang tugon niya. 

"Hatid kita sa inyo?" ang tanong namn niya.

"No thanks" ang tugon ko. "Magtataxi ako pabalik ng Club Spaceman to pick up my car."

"Can I at least have your phone number?" 

 "NO" ang sunod ko namang tugon. "I'll go ahead then."

Nakakailang hakbang pa lamang ako nag tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa screen. Unknown number. Sinagot ko naman yun. "Hello?"

"Hey, PeeJay" ang bati ng tao sa kabila. "It's Eric"

Kaagad naman akong lumingon. 

OLSG 4: RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon