Clarissa's POV:
Nang makapagtanong ng direksyon mula sa guard ay nagtungo kami sa Principal's Office. Sinalubong kami ng in-charge sa opisina.
"Ano pong kailangan nila?"ang tanong niya.
"We're looking for Elia Krauszer" ang tugon ni PeeJay.
"Ah, kanina pa po kayo hinihintay" ang sabi niya. Napatingin naman kami sa isa't-isa. Paano nila alam na pupunta kami rito para makita ang kapatid ni PeeJay? Hindi naman na kami tumanggi nang papasukin niya kami.
Sa loob ay ang principal na nakaupo sa kanyang office chair. Sa tapat niya ay naka-upo ang isang gwapong estudyante, salungat pa ng isang estudyante katabi ng isang babaeng mukhang mayaman. Sa likod nila ay dalawang lalakeng naka-itim na uniporme na hula ko ay mga body guard.
"So, I believe your the guardians of Elia?" ang tanong ng principal. Napatingin silang lahat sa amin.
"Yes, I'm his brother" ang tugon naman ni PeeJay. Napakunot naman ng noo si Elia. "And what seems to be the problem?"
"The problem is..." ang singit naman ng babae. "Asal-kanto ang kapatid mo. Walang breeding. By looking at you, hindi na ako magtataka."
"I'm not talking to you, old lady" si PeeJay. Nagulat kami sa sinabi niya.
"Your brother punched his classmate" ang siyang tugon na lang ng principal. "Mind you, we don't tolerate these kinds of actions."
"I'm fully aware of that" si PeeJay. "However, did you even bother to ask my brother the reason behind his action?"
"Regardless of-"
"There is no such thing as regardless, Sir Principal" ang sagot kaagad ni PeeJay. Ibang-ibang tao siya ngayon. "We have a due process. Or are you being too biased?"
Nag-iba naman ang mukha ng principal. Natetense ako sa stwasyon.
"Okay, then" ang sabi ng Principal tapos ay nagbuntong-hininga. "So, Elia"
"Sir?" ang gulat na tanong ng bata.
"Bakit mo sinuntok si William?"
" Binubully niya po ako"
"What??? ang reaksyon naman ng babae. "Sinungaling!!!!!"
"Then, let's ask your son" ang tugon naman ni PeeJay.
"Is it true?"
"Sorry" ang tugon ng isa pang bata.
"But the point is sinaktan niya ang anak ko!!!" ang biglang singit ng babae. "I want him out of this school. Let me remind you all what I did for this school!"
"Wag naman po" ang paki-usap ni Elia.
"I'm afraid that it's the only thing we can do" ang pagpayag ng principal. Bigla naman akong naawa kay Elia.
"Is that so?" ang casual na tanong ni PeeJay.
"That would be good" ang nasabi lang naman ni PeeJay.
"Kuya-" si Elia.
"So, my brother can't mingle with-uhm" sabay tingin niya sa babae. "With peasants"
"What did you just call us?" ang galit na tanong ng babae sabay tayo.
"I'm wasting my time"
"How dare you insult us!" Bigla namang sumugod sa kanya ang babae at kaagad siyang sinampal.
"Why you, old witch!!!!" si PeeJay na susugurin din ang babae. Napasigaw ang babae ngunit mas mabilis ang pagharang ng mga body guard sa kanya. Tumawa naman ang babae.
"Hindi mo ako kilala" ang tumatawang sabi nung babae. "Ako si Serafina de la Torre, ang Presidente ng High Towers. We're untouchable"
Bigla namang natigilan si PeeJay.
"Kaya ganyan pala ang ugali ng kapatid mo. You're not being a good example" ang komento ng Principal. Nag-ayos naman ng damit si PeeJay. He looked dangerous.
"So, that's how you show power?" ang tanong ni PeeJay. "I'll show you what real power is"
"At ano namang magagawa mo?" ang tumatawa pa ring pang-iinsulto ni Serafina. "I dare you"
Hinugot naman ni PeeJay ang kanyang telepono at tumawag
"Hello, yeah, I need you to look inside my drawers. Look for the files for High Towers Company... I want you to cancel the deal and withdraw 100% of our shares... What?... Bankrupt?... So be it... Reason? Tell the president... This is what real power is"
Nang binaba ni PeeJay ang kanyang telepono ay siya namang sunod-sunod na pagtunog ng phobe ni Serafina. Kaagad niya itong kinuha mula sa mamahalin niyang bag at tinignan.
"Anong nangyayari?" ang nagpapanic na tanong niya. Napatingin siya kay PeeJay. "Sino ka bang talaga?"
May kinuha naman si PeeJay mula sa leather Christian Louboutin wallet niya at may kinuhang business card.
"I'm Prince Jasper Gomez, CEO and President of Goldwire Industries" ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay patong ng business card sa mesa. Kapwa rumehistro ang gulat sa kanilang mga mukha. "No one messes with any of the Gomez'. I'll withdraw my brother from this place. He will be transferred to Montecillo High."
"M-montecillo?" ang gulat na tanong ng principal. Naupo naman si PeeJay sa tabi ni Elia. "What happened here? It will be published on the newspaper tomorrow."
"Please, sir. There's no need for that" ang paki-usap ng principal. Napaikot naman si PeeJay ng mga mata.
"i'm done here" si PeeJay. Kinuha niya ang kamay ni Elia sabay hila patayo. "Halika na"
Hindi naman nakatanggi si Elia at sumama sa amin. Dumeretso kami sa student lounge.
"Sino po ba kayo?" ang kaagad na tanong ni Elia.
"Kapatid mo ako" ang tugon ni PeeJay. "We have the same Dad."
"Talaga po?" ang biglang enthusiastic na tanong niya.
"Oo" ang pagkumpirma naman ni PeeJay.
"Kelan ko ulit makikita si Dad?" ang tanong niya.
"Ulit?" ang gulat na tanong ni PeeJay. "Nagkita na kayo ni Dad before?"
"Uhm, oo,kuya"
"When?"
"Uhm, matagal na po yung huli" ang tugon ni Elia. "Naikwento niya nga po kayo eh"
"So, that explains why you're not even shock with all of these." ang naging obserbasyon naman ni PeeJay. "Elia, may kailangan kang malaman. Patay na si Dad. Matagal na."
Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Elia.
"Totoo nga ang nakita ko sa diyaryo." si Elia. Bigla naman kaming natahimik tatlo.
"Gusto mo ba siyang bisitahin?" ang pagbasag ni PeeJay sa katahimikan. Malungkot namang tumango ang kanyang kapatid. "Kunin mo na muna ang bag mo"
"Sige, Kuya"
"Sasamahan ka na namin" ang alok naman ni PeeJay. Tumango lang naman si Elia. Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa isang gusali. Sinundan lang naman namin siya.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.