May napansin naman ako sa coffee table. Kaagad naman akong lumapit at kinuha yun. Isang sketch pad. I quickly ran into the pages. Mga sketches at drawing. He has the talent and it's amazing. Napaupo ako sa sofa habang tag-iisang tinitignan ang mga gawa niya. Napatingin naman ako sa bandang pintuan nang magbukas ito. Pumasok si Elia. Natigilan naman siya nang makita ako. Kaagad nanlaki ang kanyang mga mata.
"K-kuya" si Elia. I just blinked at him for a couple of times.
"What?" ang tanong ko naman sabay tingin sa next page ng sketch pad nya.
"Kuya, wag mong tignan yan" ang paki-usap niya sabay tabi sa akin at hawak sa sketch pad. Napatingin naman ako sa kanya. Napataas ako ng kilay. "Sabi ko nga"
Binitiwan niya naman ang sketch pad.
"You're good at this" ang komento ko naman.
"Salamat, Kuya" ang tugon naman niya.
"Have you ever tried joining a contest?" ang tanong ko.
"Once lang" ang tugon naman niya sabay tayo at kuha ng latest manga.
"Bakit naman? I think you have the talent"
"Wala pa akong enough na confidence Kuya"
"I understand. Another question, you don't color them. Why?"
"Style ko lang Kuya" ang tugon naman niya.
"Ano bang pangarap mo in the future?" ang tanong ko sabay lapag ng sketch pad sa mesa. Napaisip naman siya sabay balik ng manga sa istante.
"Ano bang gusto mong maging ako, Kuya?" ang tanong naman niya pabalik. Napakunot naman ako ng noo.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako ang dapat magdesisyon" nakakaloko ang batang to.
"Kasi; ikaw ang magpapaaral sa akin" ang simple naman niyang paliwanag but it seems to me that wala pa siyang plano.
"Gusto mo bang ma-engage sa business? Maging susunod na CEO ng Goldwire Industries?" ang tanong ko. Bayolente naman siyang umiling. Natawa naman ako. I feel him. Hindi ko rin inimagine na magiging CEO ako ng kumpanya namin.
"Doktor?" ang tanong kong sunod na inilingan naman niya rin. "Just tell me Elia. We can't have the whole day playing the guessing game."
"Gusto ko sanang kumuha ng Fine Arts" ang nag-aalangan naman niyang tugon.
"Uhm, walang ganung course sa Montecillo" ang komento ko naman. "But meron sa Saint Anthony."
"Kahit anong university, okay lang sa akin Kuya"
"Saint Anthony is not really known as a rich school compared to Montecillo and Richmon but it's quite famous for smart students" ang sabi ko naman. Napatango naman siya.
"Gusto mo na bang kumain kuya?"
"Gutom na nga ako eh" ang tugon ko naman sabay punta namin sa kusina. Ipinaghain naman niya ako. Napatingin ako sa pagkain. "Ano to?"
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.