"Himala, hindi mo kasama yung overly possesive boyfriend mo" si Aryan.
"Speaking of the devil" si Clarissa. Napatingin naman kami. Si Eric, papalapit sa amin. 'I guess it's time for us to exit. Enjoy your time together"
Rinig ko ang sarcasm sa boses niya. Nagsimula silang maglakad papalayo.
"Hi, Eric" ang maligalig nilang bati sa kanya bago nila lagpasan ang isa't-isa.
"Andito ka lang pala" ang entrada niya. "Kanina pa kita tinetext at tinatawagan"
"Sorry, nakalimutan ko ang phone ko sa kuwarto" ang paghingi ko ng paumanhin. "Naglakad-lakad ako kanina sa dalampasigan"
"Bakit hindi mo ako sinabihan?" ang tanong niya.
"I assumed you're still sleeping" ang palusot ko naman. I'm really glad I was not able to to contact him. Gulo na naman kung magkikita sila ni Ethan.
"Anyway, let's eat breakfast" ang yaya niya. Tumango naman ako and then we headed to the restaurant. I looked around while waiting in line. Narito na ang barkada. They're all in one table. Sakto namang kapapasok ng restaurant ni Eliah. Kasunod si Kyle at Chad. Kumuha ako ng plato pero kinuha naman yun ni Eric. "I'll get your food"
"I want prawns" ang sabi ko naman kay Eric.
"Don't eat any of then" ang tugon naman niya.
"Huh? Bakit naman?" ang reaksyon.
"You might get an allergic reaction" ang argyumento naman niya.
"But I'm not allergic to seafood, Eric" ang paglilinaw ko naman.
"You might develop one if you'll insist"
"I'm pretty sure my body doesn't go that way" ang depensa ko naman.
"Just trust me, okay?" ang pilit naman niya. Napabuntong-hininga naman ako bilang tanda ng pagsuko at napatango na lamang. Sinundan kon siya patungo sa isang mesa para sa dalawang tao. Medyo mlayo ito mula sa mga kaibigan ko. Nagsimula siyang magkwento. Nakikinig lang naman ako sa kanya habang kumakain ng almusal na pinili niya para sa akin. I'm not liking some of it though. Free time naming mga camp teachers sa umaga samantalang ang participants ay may activity na gagawin. Sa hapon naman ay may activity kaming gagawin at after dinner ay muli kaming magtuturo.
"Anong gagawin natin ngayon?" ang out of the blue kong tanong kaya natigilan siya sa pagkwekwento. "Do you want to others?"
"The others?" Ang ibig mong sabihin, ang mga kaibigan mo, tama?"
"Oo?" ang hindi ko siguradong pagkumpirma; regreting I asked.
"You know how I feel about that" ang tugon naman niya. Tahimik ko na lang pinagpatuloy ang almusal ko.
"Kuya" ang pagtawag ng isang boses. Napatingin naman ako. Si Eliah. "Naiwan mo ang phone mo"
Inabot niya naman naman ang phone ko. Kaagad din naman siyang nagpaalam para maghanda sa activities nila ngayong umaga. Natigilan naman ako nang nagvibrate ang phone ko. Kaagad ko naman yung kinuha at tinignan. Si Clarissa.
"Do you want to hang-out with us?" ang text niya.
"Gustong-gusto ko" ang umpisa ng reply ko. "Pero ayaw ni Eric."
"Seriously?" That is not so you. Hinahayaan mo ang sarili mong makontrol ng boyfriend niya. "Ang reply niya. "But it's your choice, PeeJay"
HIndi naman na ako tumugon pa. Nakakastress but I think I'm okay. Eric is not possesive. He just wants to hang out with me more; that's all.
"Let's just stay beside the pool. Read a boook and stuff" ang suhestyon naman niya.
"Sounds good" ang pagsang-ayon ko naman.
"I'll get the books then. Hintayin mo ako sa pool area"
"Dalhin mo rin yung sunblock" ang paki-usap ko naman. Tumango naman siya at tumayo. He went off.
"Loner much?" ang singit ng isang boses kaya napatingin ako. Si Ethan na naman. Hindi na lang ako kumibo at tumayo.
"Look who's talking" ang komento ko naman. He just smiled. Napaikot naman ako ng mga mata.
"Barbecue.. wanna join?" ang yaya niya.
"I have plans" ang malamig ko namang pagtanggi bago nagsimulang maglakad palayo.
"Bahala ka... Ikaw din, you'll miss al the fun"a ng tukso naman niya. Hindi ko siya ulit pinansin. The best thing I should do is just to ignore his presence. Nagtungo ako sa pool area at umorder ng inuman sa minibar. Hininaty ko run si Eric. Hindi rin naman nagtagal ay dumating siya dala ang dalawang libro na pinadala ko at ang bote ng sunblock. Kinuha ko ang sunblock at naglagay sa mukha at ilang parte ng aking katawan. Pagkatapos ay kapawa kami nahiga sa mga pool chaise lounge. I started to read.
"I need to go to the restroom" ang paalam ni Eric. Tumango naman ako at hindi na tumingin sa kanya. Natigilan naman ako nang mapagtantong naubos na ang inumin ko. Bumaba naman ako mula sa lounge chair at muling nagtungo sa minibar para bumili ng maiinom. Nang umikot ako ay laking gulat ko nang may mabangga ako. Mabuti na lang ay yung libro ang nabitawan ko at hindi ang babasaging baso.
"Sorry" ang paghingi ko ng paumanhin.
"It's fine" ang tugon naman ng tao sabay pulot ng libro. Nabigyan ako nang pagkakataong masuri ang kanyang mukha. He look familiar. I must have seem him somewhere. Inabot niya sa akin ang libro.
"John Green" ang komento niya. "Gusto mo siya?"
"Uhm, so far so good" ang tugon ko naman.
"A Fault in the Stars; my favorite. Enjoy reading" ang sabi niya.
"Thanks" ang tugon ko naman bago bumalik sa lounge chair. Why do I have this feeling that I really know that guy. Bumalik naman si Eric. Pinagpatuloy namin ang pagbabasa.
Sumapit naman ang hapon at kailangan na naming makisala sa activities na hinanda ng organization. We were divided into groups first. Kateam mate ko si Clarissa at Eliah samantalang nasa magkakaibang team sila Eric at iba pang barkada. I'm surprised Ethan joined us. Magkateam sila ni Emily. Binigyan naman kami ng designated team name na sinunod sa mga kulay. Blue Team kami at ako ang naging team leader. ANg una naming ginawa ay pinakuha kami ng mga butil ng mais mula sa isang bag. Kumuha naman ako ng marami dahil kahit ilan naman ay pwedeng kunin. Simple lang ang unang laro. Kailangan naming magpakilala. Kung gaano karaming butil ang aming kinuha ay ganun din karaing detalye ang kailangan kong ibigay tungkol sa akin. Binilang ko ang mga butil. Labing-lima... Napasimangot naman ako.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.