Hindi ko naman na kinulit si Kuya sa kung anong gusto niyang sabihin sa sinabi niya. Nakakapagod ang araw na to kaya naman yinaya ko na rin naman siyang umuwi. Habang nasa daan kami ay nakatanggap ako ng isang text message mula sa Alumni Association ng Saint Anthony University. Napunta ako sa Music camp at ako ang ina-point nila bilang leader, sa makalawa na magsisimula ang camp. Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung anong gagawin dun. Napakibit balikat na lang ako at nagtext pabalik kung paano ko gagawin ang pagiging leader sa music camp. Kaagad din naman akong nakatanggap ng text sa pabalik. Kailangan kong magturo ng kung anong kahit anong patungkol sa musika o pagkanta.
"What's with the long face?"ang tanong ni Mommy nang pagdating namin sa bahay. Nasa living room siya; nagbabasa. Napakibit-balikat lang naman ako.
"Ginawa akng leader sa isang Summer Camp project ng Alumni Association ng Saint Anthony." ang pagsisimula ko. "And then, I got appointed to be the head of the Music camp and I have no idea what can I do or should do"
"Asus, Inclined ka naman sa music so I think you can figure it out" ang komento ni Mommy. Napasimangot ako lalo.
"That was helpful" ang sarkastiko ko namang tugon.
"I heard last day of school nila Eliah, why don't you let him join para hindi siya ma-bore/" ang suhestyon naman niya.
"Sounds good." ang pagpayag ko naman. "Where is he anyway?"
"In his room" ang tugon naman ni Mommy,
"At saan yun?" ang tanong ko naman.
"Sa tabi lang ng kwrato mo; to the right"
"Thanks!"
Kaagad naman akong umakyat. Pumasok ako ng kuwarto ko at kaagad linapag ang bag ko sa kama. Napatingin ako sa paligid. Narito ang mga gamit ko mula sa dati naming bahay. Nakita ko ang turn table sa isang gild. Napatango naman ako. Alam ko na ang ituturo kong gawin. Dadalhin ko na rin ang gitara ko. Natigilan ako at napatingin sa pader nang makarinig ako ng ilang ingay mula sa kuwarto ni Eliah. Lumabas naman ako ng kuwarto ko at kumatok sa kuwarto niya habang tinatawag ang kanyang pangalan. Hindi naman nagtagala ay bumukas ang pinto.
"Kuya" ang pagbati niya. Napataas naman ako ng kilay because there's a black stain on his nose.
"Anong gonagawa mo?" ang tanong ko. "Can I come in?"
"Medyo magulo pa ang kuwarto Kuya" ang tugon naman niya. Napatupi naman ako ng mga kamay.
"I'll help you tidy your room," ang sabi ko. Tumango naman siya at pinapasok ako. MEDyo magulo nga ang kwarto. Ilan sa mga drawer ay nasa gitna ng kuwarto. Napatingin naman ako sa isang parte ng kuwarto; sa dingding. Napanganga naman ako sa aking nakita, Nagpipinta siya. Ngunit tulad ng mga nasa sketch book niya ay lineart ang ginagawa niya.
"I wish I had this talent" ang nasabi ko dahil sa pagkamangha.
"Anong talent mo Kuya?" ang tanong naman niya.
"Maging tanga" ang hugot ko naman. Natawa naman siya sa sinabi ko. "But seriously, hindi ko rin alam. Anyway, naring ko start na rin ng summer vacation niyo."
"Oo, Kuya" ang pagkumpirma naman niya. "Kinuha ko lang kanina yung report card ko?"
"Kamusta naman ang grades mo?"
"Halos lahat A- at A+ maliban na lang dun sa Math subject. Weakness ko yun, Kuya"
"Ako rin. Si Kuya lang ang magaling sa Math" ang tugon ko naman. "May summer camp na gaganapin sa Saint Anthony. Gusto mo bang sumali? I'm sure may lessons for arts."
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.