Chapter Five: Beach Party

1.8K 84 7
                                    

Tahimik na lang akong kumain. Hindi ko naman mapipilit kung ayaw niya sa mga kaibigan ko but I feel disappointed though.  Habang kumakain ay lumapit sa amin sila Aryan at Clarissa. 

"Sorry to interrupt" ang sarcastic na singit ni Clarissa. Napatingin naman kaming dalawa. "Pupunta kami sa outdoor beach party later. We're wondering  if you wanna hang out with us"

"Of course, we'll go" ang kaagad ko namang pagpayag without asking Eric's permission.

"See you, then" ang tugon ni Clarissa bago sila tuluyang umalis.

"What the hell is that?" ang tanong ni Eric. 

"What do you mean?" ang tanong ko naman pabalik.

"Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko o ayaw kong pumunta" ang pagmamaktol niya. "You just decided alone"

"Ano bang problema?" ang tanong ko naman. He's getting into my nerves but I'm trying my best not to be  bitch since he's my boyfriend. "Just give them a chance, can you?"

Napaikot lang naman siya ng mga mata. I know he's hating the idea but ano bang meron sa mga kaibigan ko na ayaw niya?

"Fine" ang tugon niya. Napangiti naman ako. "But I'm not doing this because of your friends. Ethan might be there and I don't want that snake lurking around you"

Napabuntong-hininga naman ako sa aking narinig. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Kaagad naman akong nagpaalam na dadaan muna ako ng kuwarto para makapagbihis. Tumayo din naman siya para samahan ako. Nadatnan ko si Eliah sa loob ng kuwarto, nakaupo siya sa kama habang nagbabasa ng Japanese comics. Napatingin ako sa paligid. Mag-isa niya lang. 

"Nasaan si Kyle?" ang tanong ko. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. 

"Uhm, hindi ko rin alam, Kuya" ang tugon naman niya. "Baka kasama niya ang mga kaibigan niya"

Napatango na lang ako. 

"Lalabas din ako to meet my friends" ang paalam ko. Tumango naman siya bago pinagpatuloy ang pagbabasa. "Okay ka lang bang mag-isa rito?"

"Oo naman, Kuya" ang tugon niya. Kinuha ko naman ang travel bag ko at kumuha ng damit bago nagbihis. 

"I'll go then" ang paalam ko bago tuluyang lumabas. Nasa labas si Eric, naghihintay. "Tara na"

Habang naglalakad ay nakita ko si Chad. May mga babaeng nakapaligid sa kanya. He looks uncomfortable tho. Kaagad akong lumapit sa kanila. 

"Chad" ang pagtawag ko. Napatingin silang lahat. "Are you busy?"

"Uhm, hindi naman" ang tugon naman niya. 

"Great" ang komento ko. "Eliah is alone in our room. Pwede bang samahan mo siya for a while?"

"Sure" ang tugon naman niya bago nagpaalam sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Binigay ko naman sa kanya ang room number. Bago siya tuluyang umalis. Pinagpatuloy namin ang paglalakad patungo sa outdoor beach party. I can hear the sand against my sandals as I step on it. Amoy ko ang dagat dala ng simoy ng hangin at ang mahinang pagtama ng mga alon sa dalampasigan. Sa di kalayuan ay naririnig ko na ang tugtugin. Linabas ko ang aking phone at tinext si Clarissa. Nagbigay naman siya ng landmark kung saan ko sila makikita. 

"It would not hurt to be friendly with them" ang malambing kong payo kay Eric.

"I"ll try my best to behave" ang tugon naman niya. Napangiti naman ako. I started searching for the landmark as we approach the place. Hindi exclusive sa resort ang beach party kaya naman maraming tao. Mataming food stalls na nagbebenta ng makakain at inumin. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang binigay na landmark ni Clarissa.  Sinalubong kami ni Aldren. He guided us to the table where they started drinking already. 

"Mabuti naman nakapunta kayo" ang sabi ni Aryan kay Eric. Ngumiti lang naman si Eric at napakibit-balikat. Inabutan nila kami ng alak pero kaagad namang kinuha ni Eric yun mula sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. 

"Don't drink" ang sabi naman niya. 

"Huh?" ang reaksyon ko naman. "Bakit naman?" 

"You just can't" ang tugon naman niya. 

"Minsan lang naman" ang singit ni Clarissa sabay abot ng inumin sa akin. "And minsan lang naman tayo makapaghang-out together, right?"

"Fine" ang pagpayag naman ni Eric. Nagsimula na akong uminom; si Eric din ay tahimik na umiinom. Sa una ay kinakausap siya ng barkada ko but it just died down. Dahil siguro sa maiikling tugon ni Eric sa mga katanungan nila. Hindi ko alam  kung napansin nila ito kaya nagkaganun. 

"PeeJay, what the heck?" ang singit ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Napatingin naman kami. Si Derek at Bryan.

"Derek? Bryan?" ang gulat kong reaksyon ng makita sila. "What are you doing here?"

"Uhm, Vacation" ang tugon naman ni Bryan. "I was contacting you though"

"Huh?"

"Messenger? LIne?" ang tugon niya. 

"I was too damn busy to check my SMS. Sorry" ang tugon ko naman.

"And you're busy about what?" ang tanong naman ni Derek. 

"Family Issues, Business" ang tugon ko naman. Tumikhim naman si Eric. Napatingin kaming tatlo sa kanya. "And of course, myboyfriend...Eric"

Nagkatinginan naman si Bryan at Derek. Nakipagkamay sila sa isa't-isa. 

"Do you want to join us?" ang tanong ni Clarissa sa kanila. 

"Why, of course" ang pagpayag naman nila Bryan. "Long time no see, Aryan"

"Oo nga eh" ang pagkumpirma naman ni Aryan. Nakisalo naman sila Bryan at Derek sa amin. They started to ask Eric some questions. Napilitan namang sumagot si Eric sa kanila. 

"Speaking of spinning" si Bryan nang maikwento ni Eric ang unang gabing nagkita kami.. sa Club Spaceman. "Ang tagal na naming hindi ka naririnig magspin. Let's go to the DJ booth"

"That's a good idea" ang pagpayag ni Derek. "We'll ask if you can spin"

Tumayo naman sila at nagtungo sa DJ booth.

"Don't go" ang biglang singit ni Eric. "Just stay here"

"Why?"

"I think It doesn't fit you" ang paliwanag niya pero hindi ko pa rin makuha.

"What do you mean?"

"Being a DJ; it doesn't fit you" ang tugon niya. "Isa pa, ayokong lahat ng mata ay nasa sa'yo. ANg gusto ko, ako lang ang titingin sa'yo"

"Asus" ang komento ko naman sabay ngiti. Saktong pagbalik nila Derek at Bryan.

"They said you can go" ang balita ni Derek. Napailing naman ako. 

"Sorry, bruhs" ang paghingi ko ng paumanhin. "I'm not in the mood."

Sabay namang kumunot ang mga noo nila at napatingin sa isa't-isa. 

"Oh, well" si Bryan abgo naupo sabay kuha ng inumin sa mesa/

TO BE CONTINUED...

OLSG 4: RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon