Bumalik ako ng auditorium nang makapagpunas ako ng mga mata. Naroon na ang mga participant ng camp at si Eric. He looked at me with his worried eyes. Nginitian ko na lang siya bago umupo at kinuha ang gitara at pinagpatuloy ang pagtuturo. Nang matapos ang araw na ito ay tinanong ako ni Eric kung okay lang daw ba ako. Tahimik lang naman akong tumango at muling ngumiti.
"Iwasan mo na siya. You know he's not good for you" ang bilin niya sa akin.
"Alam ko naman yun eh" ang tugon ko.
"Kung ganun, bakit mo hinahayaang lapitan ka niya?" ang tanong niya. "Hindi ko na siya hahayaang mapalapit sa'yo"
Tumango naman ako sa gusto niya.
"That jerk" si Eric. Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Si Ethan na nakatingin sa amin. Bigla namang bumilis ang lakad ni Eric. Kaagad kong napagtanto na susugurin niya si Ethan. Sinindan ko naman siya.
"Eric, what are you doing?" ang tanong ko ngunit hindi siya umimik. Mas lalong bumilis ang kanyang lakad. I was trying to keep up. Bigla naman niyang kwinelyuhan si Ethan.
"Wag na wag kang lalapit ulit kay PeeJay" ang galit na bilin ni Eric. Isang ngiti lang naman ang tinugon ni Ethan.
"And who are you to say that?" ang tanong naman ni Ethan. "I don't have time for you"
Hinawakan niya ang mga kamay ni Eric at malumanay na tinanggal. Inayos niya ang suot niyang damit bago naglakad ngunit bago palang siya makalayo ay hinatak ni Eric ang kanyang braso sabay salubong ng suntok sa mukha ni Ethan. Nagulat naman ako at si Eliah sa nakita. Mabuti na lang ay walang ibang tao sa paligid. Linapitan ni Eliah si Ethan upang tulungan but Ethan motioned him that it's fine. Pinunasan niya ang nagdurugong labi gamit ang likod ng kanyang kamay.
"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo kay PeeJay, may kapal ka pa ng mukhang magpakita pa sa kanya." Ang pagpapatuloy ni Eric.
"Wala kang kinalaman sa nakaraan namin ni PeeJay" ang sabi ni Ethan tapos ay tumayo at nagpagpag ng damit.
"I'm his future" ang bawi naman ni Eric. Ethan smirked again. Tumingin siya sa akin.
"I have to go. Take care of yourself" ang paalam niya sa akin. He patted Eliah's shoulder before leaving.
"What the hell is that?" ang tanong ko kay Eric.
"Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon" ang tugon naman niya.
"There's no need for violence, Eric" ang komento ko naman. "That was unnecessary"
"Sorry" ang paghiningi naman niya ng paumanhin. "Tara sa cafe?"
"Sige" ang pagpayag ko naman. Sumakay naman kami ng kotse ko. Naupo ako sa passenger's seat katabi si Eliah. Nakatingin lang ako sa labas habang bumyabyahe. Hindi maalis sa isip ko si Ethan. Bakit hindi siya lumaban pabalik? Why is he acting that way? Nadistract naman ako nang nagsimulang mag-ingay ang phone ni Eliah. Napatingin naman ako sa kanya at sa phone na hawak niya. Naglalaro siya ngayon ng isang AoS game. Nakinood naman ako. Magaling ang bata.
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa cafe na mina-manage ni Eric. Dumeretso siya sa counter samantalang naupo kami ni Eliah sa isang parte ng cafe. Kaagad naagaw ang atensyo niya dahil sa mga libro.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.