Caibidil 14: Alumni Project

2.6K 99 5
                                    

Pagkatapos ko kumanta ay bumalik ako sa aking upuan.

"Nice one" ang puri nila sabay tapik sa balikat at likod ko. "Wala ka pa ring kupas"

"Salamat" ang tugon ko naman.

"So, everyone" ang pagsisimula nung speaker. "Hindi lang tayo nagtipon-tipon dito para makita ang isa kundi pag-usapan ang isa sa mga magiging proyekto natin bilng alumni ng Saint Anthony. Matatapos na ang school year kaya naman may suhestyon na mag-organize tayo ng isang Summer Camp Activity. Kaya naman kakailanganin namin ang tulong niyo para sa activity na ito."

"Pero baka may conflict yan sa schedule namin" ang komento naman ng isa. 'Lalo na at karamihan sa atin ay nagtratrabaho na."

"Isa yan sa mga issue na napag-usapan namin kaya naman napagdesisyuna namin na may Group A at Group B. Ang Group A ay ang mga taong pwedeng magcoach sa weekdays at Group B naman sa weekends. Maaring ilista ang inyong pangalan sa registration paper para sa mga gustong mag volunteer.

"I wanna join" ang bulong ko sa kanila.

"Ako rin. Group B ako magreregister" si Blaze.

"Ako rin" ang pagsang-ayon nila Aldren at Emily.

"Group A ako" ang sabay na sinabi nila Aryan at Clarissa.

"Eh, ikaw?" ang tanong nila sa akin.

"A and B" ang natatawa ko namang tugon.

"Naks iba talaga oh" ang reaksyon ni aldren.

"Marami lang talaga akong oras" ang bawi ko naman.

"Kaya wagas makapanamit ngayong araw" ang reaksyon naman ni Clarissa. Tumawa naman ako.

"Sira" ang reaksyon ko naman. Matapos ng ilan pang agenda ay may handaan sa cafeteria kaya naman dun ang deretso namin. Habang kumakain...

"Miss Aryan" ang pagtawag ng isang lalake kay Aryan.

"Yes?" Ang tanong naman ni Aryan.

"Gusto lang sana namin kayong imbitahan na maging judge sa isang dance contest" ang paliwanag naman niya.

"Ha? Ako?" ang reaksyon naman ni Aryan.

"Opo" angn tugon naman nung lalake.

"Bakit naman ako?" ang nagtataka naman niyang taong.

"Naging Captain po kasi kayo ng Cheer Dance Team ng University"

"Which was three years ago"

"Kilala po kasi kayo na magaling na mananayaw. So, it would be a priviledge to have you as one of our judges."

"She's in" ang singit ko naman. Napatingin naman sa akin. "I'm her manager"

"Ayy, thank you po!" ang masayang tugon nung lalake. "Pwede pong makuha yung contact number niyo?"

Kinuha ko naman ang pitaka ko at binigyan siya ng calling card bago siya tuluyang nagpaalam at umalis. Pinalo-palo naman niya ang aking balikat.

"Sira ka talaga, PeeJay!" ang reaksyon niya.

"Kaya mo yun" ang tugon ko naman. Napangiti na lang siya at sumuko.

"Anyway, anong nangyari sa inyo ni Ethan kanina?" ang bulong naman ni Clarissa na katabi ko rin sa kabilang upuan. Napasimangot naman ako at binaling ang atensyon ko sa kanya.

"Hindi ko alam" ang tugon ko naman. "Akala ko okay na ako but everytime na nakikita ko siya; it reminds me of the past. It reminds me like it was just yesterday. Clarissa, mali atang bumalik pa ako ng Pilipinas"

"Hindi naman" ang tugon niya. "Isa pa. Hinahayaan mo kasi ang sarili mo na maapektuhan sa kanya. Bakit ka nga pa affected?"

"Mahirap makalimot" ang tugon ko naman.

"Kasi mahal mo pa siya"

"I-uh" bigla akong nautal. "I hate him"

"Well, the more you hate, the more you love" ang komento naman niya.

"I'm not sure of that" ang sabi ko naman. "Once is enough. Twice is too much and I had given him a lot of chances"

"Wala naman kasi talagang limited chances sa love eh"

"And what does that supossed to mean?" ang rhetorical question ko. "Wait, are you still rooting for Ethan and me"


Napakibit-balikat naman siya.

"That won't happen, We will never ever going back together" ang depensa ko naman.

"Yeah, right. Mister Taylor Swift" ang komento naman niya. Napabuntong-hininga naman ako. Anong nakain nitong si Clarissa?

"Pupunta muna ako ng restroom" ang paalam ko naman bago tumayo at nagtungo ng banyo. Pagkatapos ko gumamit at kaagad naman akong lumabas. May nakita akong pamilyar na mukha na nagmamadaling papalapit sa kinlalagyan ko. Napakunot naman ako ng noo nang mukhang hindi niya ako nakikita at paderetso lang. Bago pa lang siya makalagpas ay hinawakan ko ang bag niya kaya naman natigilan siya.

"Ay, hopia" ang reaksyon naman niya. Napatingin naman siya sa akin.

"Hey" ang bati ko naman.

"Sorry, magkakilala ba tayo?" ang tanong naman niya. Napatupi naman ang mga kamay ko.

"Hindi mo ako naaalala?" ang tanong ko. Umiling naman siya.

"PeeJay, Senior mo? Red Hair before?" ang mga tanong ko naman.

"AAAAAH! Kuya PeeJay!" ang reaksyon naman niya nang maalala ako.

"Kamusta ka na at nung fiance mo?" ang tanong ko.

"Okay naman kami Kuya." ang tugon naman niya.

"Hindi pa rin kayo kasal?" ang sunod kong tanong. Umiling naman siya. "So, kelan?"

"After graduation po" ang tugon naman niya. Napatango naman ako. Siya yung lower batch namin sa same college who's proposed to the son of Saint Anthony's owner. They are such a cute couple.

"I see" ang tugon ko naman. "Nga pala. I sent you a message in messenger"

"HALA!" ang reaksyon naman niya. "Hindi pa ako nakakapag-open ng Messenger, busy kasi sa exams"

"Of course, I understand" ang masayahin ko namang tugon. "Anyway, Nagmamadali ka ata. So, I'll let you go"

"Medyo Kuya" ang tugon naman niya.

"Keep in touch if you have the time" ang bilin ko naman.

"Opo. Pakamusta na lang kay Kuya Gwapo" ang tugon niya bago nagpaalam at pinagpatuloy ang paglalakad ng mabilis. Kuya Gwapo? Si Ethan...

Bumalik ako sa loob ng cafeteria. Naka-serve na pala ang mga pagkain. Naupo naman ako. 

"Ang tagal mo naman ata?" ang pag-uusisa ni Aryan. 

"Nakasalubong ko yung isang junior natin" ang tugon ko naman. "Si Xean"

"Sino yun?" si Blaze. 

"Yung na-engage dun sa anak ng may-ari ng Saint Anthony" ang paliwanag ko. "You know, that handsome half-Korean guy"

Kaagad naman nilang naalala. 

"They're still together?" ang tanong naman ni Clarissa napatango naman ako. 

"I think they are such a cute couple" ang komento ko. Sumang-ayon naman sila. Tumunog naman ang smart phone  ko. Si Kuya. 

"I'm gonna pick up Elia, Can you still come?" ang tanong naman niya. 

'I'm not sure" ang reply ko naman. "I'm gonna send someone to pick up his things though"

"Yeah. Sure" ang reply naman ni Kuya. Tumawag naman ako sa isang kumpanya na nagpaparenta ng truck at binigay ang address ni Elia. 

"Bakit kailangan mo ng truck?" ang tanong ni Clarissa. 

"Para dun sa kapatid ko. He's gonna move to our house today" ang tugon ko naman. Natigilan naman ako nang mapatingin sa isang banda. Nakatingin sa akin si Ethan. Nagkatinginan kaming dalawa. Binawi ko agad ang tingin ko. Why can't we just move on with our lives? 

OLSG 4: RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon