Kinabukasan ay nagising ako sa kinaugalian kong oras ng paggising. Bumangon ako ngayon at naghanda. Kinuha ko yung shirt na binigay ni Eric at sinuot yun. Lumabas ako ng kuwarto at kinatok si Eliah. Kaagad naman niyang binuksan ang pinto at lumabas. May dala siyang sports bag samanatalang bitbit ko ang gitara ko. Sabay kaming bumaba patungo ng kusina. Naroon si Kuya. Nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. He looked like our father. Kulang na lang ay ang glasses. Napatingin siya sa amin. Linapag niya ang hawak-hawak niya.
"Breakfast is ready"ang sabi niya. "Eat something before you go"
Napatango naman kami at naupo. There are pancakes. Jams and butter. Nagsimula kaming kumain.
"Kuya" si Eliah. "Gusto mo tong strawberry jam?"
Napangiwi naman ako at iling.
"Hindi ako kumakain ng strawberry" ang paliwanag ko. "Ayoko yung texture. Parang may buhangin"
"Ah, siguro yung mga buto sa balat" ang komento naman niya habang tumatango. "Blueberry jam?"
"Better" ang tugon ko naman. Kinuha niya ang bote ng strawberry jam at inabot sa akin.
"That's the strawberry jam, Eliah" ang sabi ko sabay tawa. Natawa rin naman sila. Inabot niya ang katabing bote. "Kuya, when will you go to US?"
"Probably after two weeks" ang tugon naman ni Kuya na kasalukuyang nagbabasa ulit.
"Then, can you bring Eliah with you?" ang tanong ko.
"Of course, that's our plan right?" ang tanong niya pabalik. Napangiti naman ako.
"Tapos ka na?" ang tanong ko kay Eliah. Napatango naman siya. "Let's go then"
Tumayo naman kaming dalawa at nagpaalam kay Kuya bago lumabas ng back door patungo sa garahe. Sumakay kami ng sasakyan ko at nagsimulang bumyahe patungo ng Saint Anthony. Eric is probably there. May tumatawag. Sinuot ko ang bluetooth earphone ko at tinanggap ang tawag.
"Hey, it's Eric" ang sabi ng boses sa kabilang linya.
"Nasa sa Saint Anthony ka na?" ang tanong ko.
"Oo, kararating ko lang din. I'll be waiting for you"
"See you later" ang paalam sa kanya.
"Kuya" si Eliah.
"Yes?" ang tugon ko.
"Gusto mo na ba yung Eric na yun?" ang tanong niya.
"Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko ng pagkakataon ang sa amin" ang hindi ko direktang sagot sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?"
"Wala lang, Kuya" ang tugon naman niya.
"What do you think of him?" ang tanong ko.
"Uhm, mabait naman siya Kuya" ang simple niyang tugon. Napatango naman ako. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Saint Anthony. Dumeretso ako sa auditorium samantalang humiwalay si Eliah para magtungo sa Dance Camp. Natigilan naman ako nang makita si Eric; pareho kami ng suot. Kaya pala.. Napangiti naman ako. Nakangiti naman niya akong sinalubong.
"Iba rin yang diskarte mo" ang komento ko. Napakibit-balikat naman siya.
"I'm satisfied you are not reacting negatively about this" ang komento naman niya pabalik.
BINABASA MO ANG
OLSG 4: Restart
Teen FictionGaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apat na libro ng katauhan ni Prince Jasper Gomez.