Kabanata 2

139K 3.5K 203
                                    

Kabanata 2: Sorry

Alexa’s Point Of View

Pagkagising na pagkagising ko pa lang ng umaga ay ramdam na ramdam ko na ang bigat sa aking dibdib. I’m still affected because of what happened last night.

“Alexa?”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig kong tinig. Kaagad kong hinanap ang pinagmulan non at sumalubong naman sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ninang Ellaine at Ninong Tony.

“P-po?” tanging nasabi ko, lito sa nangyayari.

Parehong kumunot ang noo nila sa sinabi ko. Tila naguguluhan sila kung bakit ako nagkakaganito.

“May sakit ka ba, Alexa? Bakit hindi ka pa kumakain at nakatulala ka lang?” may bakas ng pag-aalalang tanong ni Ninong Tony.

Bahagya akong napahawak sa aking noo. Nawala sa isip ko na sabay-sabay pala kaming kumakain nila Ninang Ellaine at Ninong Tony ng breakfast. Si Clark naman ay wala na, umalis na ito kanina pang madaling araw at mas nauna pa siyang umalis kaysa kay Ninong Tony.

“O-okay lang po a-ako,” tumayo na ako mula sa pagkakaupo saka sila tinapunan ng tingin. “Aalis po muna ako. Dadaan lang po ako sa restaurant para po mag-asikaso roon.”

“Hindi ka na ba kakain?”

“Doon na lang po.”

“Sige, mag-iingat ka.” Bilin nila.

Bahagya pa akong yumuko sa kanilang dalawa at naglakad na palabas dito sa dining room at nagtungo na sa labas.

Ilang minuto pa akong naghintay ng taxi bago may dumating na taxi na kaagad ko namang pinara. Sinabi ko rito ang destinasiyon kong lugar saka ko ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Simula nang dumating ako kina Ninang Ellaine, pakiramdam ko ay may nagbago sa akin. Hindi ko nga lang matukoy kung ano ‘yon. At bakit ba tila apektadong-apektado ako sa nangyari sa amin ni Clark kagabi? Alam ko naman na wala akong kasalanan, wala namang masama sa mga sinabi ko. Pero bakit pakiramdam ko ay may kasalanan pa rin ako?

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may nakita akong mga lalaking naka-business attire na kalalabas lang ng isang coffee shop sa gilid ng kalsada. Bigla ay pumasok sa isipan ko si Clark.

May itinutulog pa ba siya? Gabing-gabi na siya nakauwi kagabi, sobrang aga niya pang umalis ng bahay. Paano niya nakakaya ‘yon?

Nang tuluyan nang malampasan ‘yon ng sinasakyan kong taxi ay inalis ko na ang tingin ko roon saka kinuha ang phone ko sa bulsa ko at doon na lang itinuon ang aking atensiyon.

Halos nasa kalahating oras pa ang lumipas bago ako tuluyang makarating sa destinasiyon ko.

“Good morning, Ma’am Alexa.”

Napatingin ako sa mga empleyado kong nandito saka sila binigyan ng matipid na ngiti. “Good morning din po sa inyo,” pabalik kong bati sa kanilang lahat.

Tumango pa ako sa kanila at sumenyas na aalis na ako at dumeretso na sa opisina ko. Pagod kong inupo ang sarili ko sa swivel chair at isinandal ang likod ko sa sandalan nito.

NAGING mabilis lang ang takbo ng oras ko ngayong araw. Inalis ko muna kasi sa utak ko ang lahat ng iniisip ko at nag-focus muna sa resturant. Hindi puwedeng lutang ako.

Nang makauwi ay bumungad sa akin si Ninang Ellaine na naghahanda ng pagkain dito sa dito sa kusina.

“Alexa, bakit ginabi ka na?”

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon