Kabanata 28: Sorry
Alexa's Point of View
HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ko at nangingibabaw doon ang pagsisisi at kalungkutan. Nagsisisi ako sa lahat ng maling ginawa ko. Pero ang iniisip ko na lang ay nagtagumpay ako sa gusto kong mangyari.
Wala na si Clark sa buhay ko at kakalimutan na niya ako. Mapapanatag na ang kalooban ko. Dahil ngayon, alam ko na kung sakaling mamamatay man ako ay hindi na siya malulungkot pa sa pagkawala ko. Dahil sa panahong iyon, tuluyan na niya akong nakalimutan at nakamove-on na siya. Mamumuhay siyang masaya at hindi miserable. Ayon naman ang emportante para sa akin kahit na mahirapan pa ako o masaktan. Okay lang, basta nasa maayos siyang kalagayan.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagpasalamat sa doctor saka umalis na ng hospital. Nagpunta kasi kami nila mama at papa sa hospital para sa pagpapagamot sa akin. At gaya nga ng gustong mangyari ni mama, magpapa-heart surgery ako. Pero mukhang hindi kaagad mangyayari iyon dahil lumalala na ang kalagayan ko. At isa pa ay kailangan namin ng heart donor.
Kaya hindi na ako umaasang gagaling pa ako. Alam kong mahirap makahanap ng heart donor at siguradong malaking pera ang gagastusin namin kung sakaling makahanap man kami. Kahit na may kaya kami, kukulangin pa rin kami sa pera. Hindi kasi doon matatapos ang pagpapagamot sa akin at may mga kailangan pa akong bilhin na gamot.Hindi rin siguradong magiging okay ako after ng heart surgery. May chance rin na habang ginagawa ang heart sugrery ay bawian ako ng buhay kung hindi kakayanin ng katawan ko.
Kaya itinatago ko na lang kina mama at papa na pinanghihinaan na ako ng loob. Ayaw ko ng dagdagan pa ang bigat na nararamdaman nila. Gaya ng sinabi ni mama noon ay dapat kong isipin ang mga taong nakapalibot sa akin na pilit na lumalaban at pinapatatag ang loob para sa akin. Kailangan ko rin maging matatag para sa kanila.
“Hindi ko na kayo masasabayan sa pag-uwi, kailangan ko nang bumalik sa office.” Si papa nang makalabas kami ng hospital. Nagpaalam lang kasi siya sa trabaho niya para samahan kami ni mama dito sa hospital.
“Siguro ay magta-taxi na lang kami ni Alexa,” suhestiyon ni mama.
Napatango-tango si papa. “Isasakay ko na lang kayo ng taxi. Pasensiya na talaga. Gusto ko man kayong ihatid pero kailangan ko na talagang bumalik ng office dahil may naghihintay sa akin doon.”
Gaya ng sabi ni papa, isinakay niya kami ni mama ng taxi. Pero habang bumabyahe kami ni mama ay may naisip ako.
“Ma, puwede po ba tayong sa mall na lang dumeretso?”
Bumaling ang tingin ni mama sa akin na katabi ko lang. “Bakit? May gusto ka bang bilhin?”
Umiling ako. “Masyado na po akong nasasakal sa bahay, gusto ko po munang aliwin ang sarili ko. Ayaw ko po ng ganito, mama. Mas nararamdaman ko lang ang sakit ko.”
Hinaplos niya ang buhok ko at tumango. “Okay, I understand.” Sambit niya at saka sinabi sa driver na sa mall na lang dumeretso.
Bumaling na muli ang tingin ko sa labas ng bintana ng taxi at pinagmasdan ang dinadaanan namin.
Nitong mga nakaraang linggo, palagi na lang akong nasa bahay at hindi na lumalabas pa. Ni kahit ang paggawa ng isang bagay ay hindi ko na magawa.
Masyado na namang nagiging mahigpit sa akin sila mama at papa. Sinisisi rin nila ang sarili nila sa nangyayari sa akin. Kung sana noong gumaling daw ako ay pinaghigpitan pa rin nila ako at hindi hinayaang mag-aral sa ibang bansa at magtrabaho, baka daw hindi ito nangyayari sa akin ngayon.
Sinabi ko sa kanila na hindi dapat nila sisihin ang sarili nila, dahil kung may dapat na sisihin ay ako ‘yon. Masyado kong sinagad ang katawan ko at kinalimutan ang sakit ko dahilan para magkaganito ako. Hindi ko iningatan ang kalusugan ko at palaging pinapagod ang sarili. Marami rin akong ginawang alam kong bawal sa akin.
Nang makarating ng mall ay naglakad-lakad kami sa paligid nito at nagwindow shopping na rin. Nang makaramdam naman ng gutom ay dumeretso kami sa isang fastfood chain. After naming kumain ay sa sinehan naman ang sunod namin pinuntahan at nanood ng sine.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa naging bonding namin ni mama ngayon. Matagal na nang huling mangyari ito sa amin, halos hindi ko na nga maalala kung kailan pa ‘yong huli naming pagba-bonding na mag-ina.
“Alexa, maupo ka muna riyan. Bibili lang ako ng tubig mo. Dito ka na lang para hindi ka na mapagod pa.”
Tango at ngiti na lang ang itinugon ko kay mama at sinunod ang sinabi niya. Naupo ako sa bench at pinagmasdan ang mga taong naglalakad.
Habang mag-isa ay biglang pumasok sa isipan ko si Clark. Malungkot na lang akong napapangiti tuwing maaalala ko siya.
Simula nang malaman kong nagpunta si Clark ng ibang bansa, wala na akong narinig na kahit anong balita sa kanya. Hindi na rin siya nagpaparamdam sa akin. Bigla na lang siya naglaho ng parang isang bula.
“Kumusta na kaya siya?” ayon ang palagi kong tanong sa sarili. Gusto kong malaman ang lagay niya. Maayos na ba siya? Nakalimutan na ba niya ako? Nakamove-on na ba siya sa akin? Hanggang tanong na lang ako sa sarili ko.
At ang tanging malinaw lang sa akin ay sumuko na siya. Sinukuan na niya ako.
“Alexa?”
Bumaling ang tingin ko sa taong tumawag sa akin dahil sa pag-aakala kong si mama, pero nagulat ako nang makita ko ay si Glaiza. Pati siya ay mukhang gulat na makita ako.
“Alexa... Is that you?” hindi niya makapaniwalang tanong.
I smiled. “Yes.”
Nasapo niya ang bibig habang nanlalaki ang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi na ako nagulat o nagtaka pa sa inaakto niya dahil alam ko na kung ano ang napapansin niya sa akin.
“Oh god... May sakit ka ba? Look, sobrang payat mo na. I mean, sexy ka naman noon pero ngayon payat na talaga. And your skin, maputi ka naman pero ngayon ay parang namumutla na, especially your lips.” Sunod-sunod niyang sabi habang naguguluhang nakatingin sa akin.
Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko na kaagad naman niyang ginawa. Napansin ko rin na ibang-iba na siya ngayon. Hindi na malalaswang damit ang suot niya. Nakasuot na lang siya ng simpleng dress.
“Stress lang ako these past few months kaya siguro ako ganito,” pagsisinungaling ko. Hindi na niya kailangan malaman pa ang totoo. “How are you?”
She shrugged. “I’m fine. Nakamove-on na,” and then, she laughed.
Natawa na lang din ako at bahagyang natuwa sa sinabi niya. At least ngayon, hindi na siya masasaktan. Pero parang nalungkot din. Ang gusto ko kasi sanang mangyari ay sila magkatuluyan ni Clark. Because I know how much she loves him. Sa kanya ko gustong ipagkatiwala si Clark. Alam ko kasing iingatan niya ang lalaking mahal ko.
Bigla siyang natigilan sa pagtawa nang parang may na-realize. “Oh... I heard what happened between you and Clark, and I’m shocked. I mean... Paano nangyari iyon? Mahal na mahal nyo ang isa’t isa.”
I smiled bitterly. “Yes, I love him so much that’s why I’m doing this.”
Nagkaroon ng gatla ang noo niya. “Wait... I don’t get it.”
Ngingiti-ngiting napailing na lang ako. “Nevermind.”
Matapos ay bigla kaming natahimik. May kung anong mabigat ang namagitan sa amin. Naputol lang ‘yon nang bigla siyang magsalita ulit.
“Alexa, I know it’s too late na but...” huminga siya ng malalim. “I’m sorry for everything. Sorry sa lahat ng maling ginawa ko noon. Alam kong masyado nang late, but still, I want to say sorry. I realized na maling-mali ako, lalo na noong binalak kitang lunurin. Muntik na kitang mapatay noon. Muntik na akong maging mamamatay tao.
“But you can’t blame me. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Clark. Wala na akong paki sa tama at mali. Basta ginagawa ko na lang ang gusto ko. Pero that night, ‘yong nangyari sa event, doon ako nagising sa katotohanan. I realized na masyado na akong kinakain ng pagmamahal ko kay Clark at hindi namamalayan na nagiging halimaw na. I think, nakatulong ang pagsampal mo sa akin ng gabing iyon para magising ako sa katotohanan.”
Pareho kaming natawa sa huli niyang sinabi.
Nang tumigil sa pagtawa, seryoso akong tumingin sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.“Kalimutan mo na ‘yon. Wala na sa akin ‘yon. At sorry din kung may nasabi o nagawa man akong masama sayo. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ang mga ‘yon.”
Alam ko na kasi ang pakiramdam ng mabulag sa pag-ibig. Kahit na alam mong mali ay gagawin mo para lang sa ikabubuti ng taong mahal mo. Magkaiba man ang sitwasyon namin, pareho lang namin nagawa ang mga bagay na iyon dahil sa sobra naming pagmamahal.
“So I guess, we’re friends now?” medyo nahihiya niyang tanong.
“Of course. We’re friends now.”
Napangiti siya. “Nagbago na ako, but my bad attitude ay minsan lumalabas pa rin. Okay lang ba sayo?” pagbibiro niya.
I laughed. “Hindi ka si Glaiza kung wala ‘yang bad attitude mo.”
Natigil kami sa pag-uusap nang dumating na si mama. Napangiti siya nang makita niya si Glaiza.
“Hi, I know you. Si Glaiza ka, ‘di ba?” bungad ni mama kay Glaiza.
Tumayo si Glaiza at hinarap si mama. “Opo, how did you know po?”
“Palagi kasi kitang nakikita sa company nila Tony at Ellaine tuwing pumupunta kami roon dati.”
Nagkakuwentuhan pa sila tungkol sa company. Nang matapos, saka lang kami nagpaalam ni Glaiza sa isa’t isa. Dumeretso na rin kami ng uwi ni mama sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/124190493-288-k681803.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Roman d'amourUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...