Kabanata 9

105K 2.3K 247
                                    

Kabanata 9: Under the Water

Alexa’s Point Of View

Halata na sa kanilang pagmumukha ang pagtataka dahil sa inaakto ko, pero ako rin mismo ay nagtataka sa ginagawa ko.

“Alexa, are you okay?” Glaiza asked, confused.

Pilit kong iniwas ang tingin sa kanila at humugot ng malalim na hininga. “Y-yeah.”

“You sure?” paninigurado pa ni Glaiza.

Tanging tango lang ang itinugon ko. Muli akong humugot ng malalim na hininga. Kailangan kong labanan ang nararamdaman kong ‘to para hindi rin nila mahalata.

Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko patungo sa ref at kumuha ng tubig.

“Mahilig ka pala mag-jogging.”

Inilagay ko sa lababo ang basong ininuman at saka ibinaling kay Glaiza ang tingin. “Yeah,” hindi pa ba halata? ‘Yan sana ang gusto kong isagot sa kanya, pero huwag na.

Palihim na tumaas ang isang sulok ng kilay ko nang mapansin ko ang suot na dress ni Glaiza. Katulad ng dati, sexy na naman ito at bahagya na naman nakalabas ang kanyang dibdib.

Glaiza is like an angel. Sa sobrang amo ng pagmumukha niya ay aakalain mong anghel siya na bumaba sa lupa. ‘Yong pagda-damit niya lang talaga ang nakakaagaw pansin sa kanya, masyado kasing revealing. Pero wala akong karapatang husgahan siya. She can do and wear whatever she wants. It’s her life.

“May gagawin ka ba ngayon, Alexa?”

Umiling ako. “Wala naman, bakit?”

May ngiti ang lumabas sa kanyang labi. “Aayain sana kitang magbonding, tutal ay matagal na rin naman nang huli tayong magkasama.”

Naiilang akong tumawa. “Oo nga, huli nating kita noon ay noong nasa high school pa lang kayo nila Clark.”

Sabay-sabay kasi silang grumaduate nila Clark at Lance, mas matanda kasi sila sa akin ng dalawang taon. Magkaklase rin silang tatlo. Kaya naging madalang na lang ang pagkikita namin. Minsan ay nagkakabatian lang kaming dalawa kapag nakikita ko silang dalawa ni Clark na magkasama. Oo, mula pa noon ay magkasama na sila. Mula highschool at college.

“So game?”

May pagdadalawang isip pa rin sa akin, pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. Maayos akong inaaya ng tao. May pinagsamahan din naman kami.

I sighed. “Sige, payag na ako.”

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya at nagulat pa ako nang bigla siyang sumabit sa braso ko. “Ano kaya ang magandang gawin natin ngayong araw?” nag-akto itong parang nag-iisip. “Alam ko na!”

Bahagya pa akong nagulat dahil sa pagbiglaan niyang sigaw gamit ang energetic na tinig.

“Clark, puwede bang gamitin namin ni Alexa ‘yong pool nyo? Please? Mags-swimming lang kami,” hindi pa ito nakontento at lumapit kay Clark saka kumapit sa braso nito. “Please, Clark? Please. Please?”

“Fine, fine, fine. Sige na, bitiwan mo na ako.”

Aba, mabuti naman at sinabi niya ‘yan! Dumidikit na kaya ang hinaharap ni Glaiza sa braso niya at alam kong ramdam niya ‘yon.

Binitiwan na siya ni Glaiza at nagulat na lang ako nang bigla niyang halikan si Clark sa pisngi nito. Pati si Clark ay nagulat dahil sa ginawa ni Glaiza.

“Thank you!” bumaling ang tingin nito sa akin. “Wait lang, Alexa, kukuhanin ko lang ang swimsuit ko sa kotse ko. Mabuti na lang at palagi akong handa!”

Nakaalis na ito sa harapan namin pero nananatili pa rin sa mukha ko ang pagkagulat.

“Alexandra...”

Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Clark. Napipilitang ngumiti ako sa kanya. “Akyat na ako.”

Akmang magsasalita pa sana muli siya nang talikuran ko na siya at kaagad na tinahak ang daan papalayo roon. Dumeretso ako sa kwarto ko.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod ko, napasandal na lang din ako sa likod ng nakasaradong pintuan ng kwarto. Ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko, ang pagbigat ng aking dibdib, pati na rin ang pagbabago ng mood ko ngayon. Wala naman akong dalaw ngayon, pero napapadalas ang pagbabago ng mood ko.

Higit limang minuto pa akong nagtagal sa ganoong posisiyon bago ko mapagpasyahang magbihis na. Kaagad kong dinampot ang unang swimsuit na nakita ko sa cabinet.

“Bakit kasi isa lang ang dala kong ganito?”

Nakakainis! Wala akong mapagpiliang swimsuit, iisa lang kasi ang dala ko. Mabuti pa nga ay may dala pa akong isang swimsuit.

Dumeretso na ako ng banyo at nagpalit. Inilugay ko rin ang mahaba at buhaghag kong buhok. Bahagya ko pa itong ginulo-gulo gamit ang mga kamay ko para mas gumanda ang dating nito.

“Puwede na siguro ‘to,” bulong ko sa sarili ko at lumabas na ng banyo. Dumeretso ako sa ibaba, sa likod ng bahay nila Clark kung nasaan ang pool.

Dali-daling napukaw ng tingin ko si Clark na nakaupo sa gilid ng pool at nakababad ang mga paa niya sa tubig. Napansin ko rin ang suot niyang kulay puting sando, pati na rin ang pang-bahay niyang short. Kahit simple lang ang suot ay malakas pa rin ang dating. Sino ba naman ang hindi kaagad mapapatingin sa lalaking ito? Kumikinang ang kagwapuhan niya. Idamay mo na rin ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Teka—ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Pinagpapantasyahan ko ba si Clark?

Pilit kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa kanya, kahit na pakiramdam ko ay matutunaw na ako. Nakatingin kasi ito sa akin, o mas dapat kong sabihin ay nakatitig? At sa paraan ng pagtitig niya, nakakatunaw.

Bago pa ako tuluyang makarating kay Clark ay kaagad na akong napatigil dahil sa isang boses.

“Clark! Alexa!”

Bumaling ang tingin namin ni Clark kay Glaiza na kararating lang dito sa pool. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at pagkahulog ng panga ko nang makita ko ang suot niyang swimsuit.

Halos magkatulad kami ng suot na swimsuit. Parehong may kulay puti at kulay itim ang suot namin at parehong one piece. Ang pinagkaiba lang namin ay sa kanya ay labas na labas ang kanyang dibdib hanggang sa puson, habang sa akin naman ay sa magkabilaang tagiliran.

“Wow! Pareho pala tayo ng taste, Alexa,” komento niya nang makita ang suot ko.

Naiilang na tawa lang ang naitugon ko sa kanya. Hindi ‘to nakakatuwa.

“Oh my god, Clark. Bakit ang gwapo mo sa suot mong ‘yan? Parang gusto na tuloy kitang i-uwi sa bahay,” pagbibiro naman niya kay Clark.

Bumaling ang tingin ko kay Clark. Tanging isang iling lang ang itinugon niya kay Glaiza sa sinabi nito sa kanya.

Ganoin na pala, ‘no? Kapag nag-gwapuhan ay i-uuwi na kaagad sa bahay? Wow.

“Tara na, Alexa, magswimming na tayo!”

Napapikit ako nang may tumalsik na tubig sa katawan ko. Malapit lang kasi ako sa pool at dahil biglang tumalon doon si Glaiza ay natalsikan ako ng tubig.

“Hey, Alexa? What are you waiting for? Let’s go!” sigaw ni Glaiza na ngayon ay iniikot na ang buong pool.

Napabuga na lang ako ng hangin at tulad niya ay lumundag na rin ako sa tubig. Kaagad akong nakaramdam ng panlalamig nang mababad na ako sa tubig. Mabuti na lang ay kahit papaano ay nakapagpahinga ako kanina sa parke, kaya’t maaari na akong magbasa o maligo.

“Ikaw, Clark? Anong balak mong gawin diyan?”

Ibinaling ko ang tingin kay Clark at tulad ni Glaiza ay naghihintay ako ng sagot niya. Napansin ko rin pala na mukhang wala siyang balak na pumasok sa trabaho. Bakit? Porket ba naririto si Glaiza?

“Ikukuha ko na lang kayo ng foods,” alok niya sa amin.

“Oh, sure, Clark. Thanks!”

Tumango na lang ito sa itinugon sa kanya ni Glaiza at umalis na sa gilid ng pool, saka naglakad na papalayo rito.

“Alexa.”

Bumalik ang atensiyon ko kay Glaiza. “Bakit?”

“Magkarera tayo?”

Sa kaloob-looban ko ay napangiwi ako sa sinabi niya. Parang pang-bata. “Sure,” pagsang-ayon ko na lang sa gusto niya.

Pareho kaming umalis mula sa pagkakababad sa pool at pumuwesto sa dulo, naghanda na rin kami para sa pagsulong sa tubig.

“Pagkabilang ko ng tatlo, sabay tayong susulong sa tubig.”

Tumango ako.

“One!”

Humugot ako ng maraming hangin.

“Two!”

Katulad ko ay naghahanda na rin si Glaiza para sa pagsulong sa tubig.

“Three!”

Matapos ang pagbilang niyang ‘yon ay sabay kaming lumusong sa tubig. May kalakihan ang pool nila Clark, kaya’t maaari kaming magkarerahan dito. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay kaagad ko nang naunahan si Glaiza, nasa paanan ko na siya ngayon.

Mas pinagbutihan ko ang paglangoy at kaagad na umikot nang makarating na ako sa dulo, ganoon din ang ginawa ni Glaiza nang makarating na siya roon. At ngayon ay halos sabay na lang kami ulit. Nasa gitna na kami ng pool nang muli ko siyang maunahan, nasa bandang paanan ko muli siya.

Pero napatigil ako mula sa paglangoy nang maramdaman kong hindi ko maigalaw ang mga paa ko, hindi ako makalangoy. Dali-dali kong binalingan ng tingin kung bakit ako nagkaganoon at ganoon na lang ang pagbalatay ng gulat sa aking pagmumukha nang makita ko si Glaiza, hawak-hawak ang isa kong binti at hinahatak ako pailalim.

Sinubukan kong sumipa, kahit na matamaan ko pa siya. Pero walang epekto ‘yon sa kanya, nananatiling hawak niya ang binti ko at tuluyang nang nahihila pailalim.

Nakaramdam ako ng takot nang maramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko, nauubusan na ako ng hangin. Sinubukan kong maghanap ng makakapitan, pero bigo ako. Naririto kami sa mismong gitna ng pool kaya’t wala akong maaaring makapitan.

Naramdaman kong binitiwan na ni Glaiza ang binti ko, pero nanghihina na ako. Hindi ko na magawang igalaw ang katawan ko. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ang tuluyang pagkaubos ng hangin sa katawan ko.

Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong… kay Clark. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Pilit kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong parang may gumalaw sa paligid ko, parang gumagalaw ang tubig na nakapaligid sa akin. Lumukso ang puso ko nang may humigit sa bewang ko at doon ko lang nakita ang taong nasa harapan ko at may kagagawan non. Ang taong unang pumasok sa aking isipan na hingan ng tulong.

Napatitig ako sa kanyang mga mata, kitang-kita ko roon ang pag-aalala niya para sa akin.

Gumalaw ang isa nitong braso, akala ko ay lalangoy na siya paitaas kasama ako ngunit sa halip na gawin niya ‘yon ay hinawakan niya ang batok ko at kaagad na sinakop ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Parang bigla kong nakalimutan na naririto kami sa ilalim ng tubig. Biglang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina. Biglang nawala sa isip ko na muntik na akong mamatay ngayon-ngayon lang.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan siya sa nais niyang gawin sa labi ko, dahil habang nasa labi ko ang labi niya ay may kakaunting hangin akong nararamdaman sa loob ng bibig ko. Sapat na upang magkaroon muli ako ng hangin sa katawan.

And yes, we kissed under the water.



I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon