Kabanata 26: Break up
Alexa's Point of View
I don’t know what to do anymore. Naging magulo ang mga lumipas kong araw. Biglang nagbago ang takbo ng buhay ko.
Pansamantala ko muna isinarado ang restaurant ko dahil sa kalagayan ko. Ayaw ko man, wala akong magagawa. Naaawa nga ako sa mga empleyado ko na biglang nawalan ng trabaho dahil sa ginawa ko. Kailangan ko kasing ipahinga muna ang sarili ko at ilayo ang sarili sa maaaring makakapag-stress sa akin.
Malalim akong bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang phone ko na nakalapag sa ibabaw ng kama ko. Kanina ko pa ito tinitingnan at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba. Simula kasi ng malaman ko ang kalagayan ko, pinatay ko ang phone ko para hindi ako ma-contact ni Clark.
Hindi ko alam kung paano ko sa kanya ipapaliwanag ang mga nangyayari sa akin. Nahihirapan ako.
Nawala ang tingin ko sa phone at nabaling iyon sa pintuan ng kwarto ko nang may marinig akong katok saka iyon nagbukas. Binungaran kaagad ako ni mama ng isang ngiti saka pumasok at naupo sa gilid ng kama ko habang ako ay nananatiling nakatingin lang sa kanya.
“How are you? Are you feeling well?” panimula niya ng usapan.
Umiling ako. “Paano po ako magiging okay kung ganito ang kalagayan ko?” nabakasan ng pait ang boses ko.
Kita ko ang awa na dumaan sa mukha ni mama. Awa para sa akin.
“Magiging okay ka rin—”
“No, hindi na po ako magiging okay!”
Kita kong natigilan siya sa inakto ko, lalo na’t nagtaas ako ng boses.
“Akala nga natin noon ay okay ako, ‘di ba? But look at me now, mukha ba akong okay? Hindi!” naiiyak ko nang sambit. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. “Pinaasa nila ako! Akala ko, tapos na ang paghihirap ako. Alam mo ang mga pinagdaanan ko, mama! Simula pagkabata ko, nagdudusa na ako sa sakit kong ‘to. And I was so happy noong gumaling ako. I thought hindi na siya babalik. I thought mabubuhay na ako ng normal gaya ng iba. Pero peste ‘tong congenital heart disease na ‘to! Bumalik na naman siya para pahirapan ako!”
Naiyak na lang si mama sa mga pinagsasabi ko. Kahit ako ay naiiyak na rin.
Yes, I have congenital heart disease or congenital heart defects. Bata pa lang ako ay dumaan na ako sa maraming proseso ng paggamot sa sakit kong iyon. Bata pa lang ako ay pinapahirapan na ako ng sakit kong ito.
Itinago iyon nila mama sa lahat, at ang tanging nakakaalam lang ay ang matalik nilang kaibigan na sila ninang Ellaine at ninong Tony. Ayon kasi ang gusto ko, ang walang makaalam sa kalagayan ko. Ayaw kong kaawaan nila ako. Ayaw kong maging mahina ang tingin nila sa akin. Kaya kahit si Clark na kababata ko ay hindi alam ang sakit ko.
And when I was fifteen years old, bahagyang gumaling ang sakit ko nang maging healthy ako. Tumatag ang resistensiya ko. Kaya sinabi ng doctor na magiging maayos na raw ang kalagayan ko. Kaya simula noon, namuhay akong normal. Nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Nakakayanan ko nang mag-isa ako. Nagagawa ko nang pagurin ang sarili. Since then, hindi na ako nagpunta sa mga cardiology appointments ko.
Akala ko ay okay na talaga ako. Akala ko ay katulad na ako ng normal na tao. But I was wrong. It came back to destroy my life again.
Tinanong namin ang doctor kung bakit ganoon. And the doctor said, when a child grows up with congenital heart disease that doesn’t mean congenital heart disease goes away. It’s still there and will always be there even if their defect/s were repaired. And in the majority of people, the cause of congenital heart disease is unknown. However, there are some factors that associated with an increased chance of getting congenital heart disease.
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...