Kabanata 20

77.3K 1.5K 124
                                    

Kabanata 20: Special Event

Alexa’s Point of View

Halos isang oras din ang itinagal ng byahe namin. At nagulat ako nang pagbaba ko sa sinasakyan namin ni Clark ay sumalubong sa amin ang nakakasilaw na flash ng camera. Kaliwa’t kanan ang pagflash ng camera, wala rin itong tigil kaya’t talagang nakakasilaw.

Nakita ko sa harapan namin ang isang magarbong red carpet na nakalatag sa aming dadaanan at sa gilid niyon ay may mga taong nagpipicture sa amin, mukhang media.

Isinabit ko na ang braso ko sa braso ni Clark nang inilahad niya ito sa harapan ko at bahagya kaming naglapit.

“Bakit hindi mo sinabing dito pala tayo pupunta?” mahinang bulong ko kay Clark habang naglalakad na kami sa magarbong red carpet na ito.

“Para surpresa.”

Lihim na napairap na lang ako sa naging sagot niya.

Pagpasok namin sa loob ng venue ay namangha ako dahil sa ganda nito. Red ang theme ng party’ng ito, may mga malalaki rin na chandelier ang nakasabit sa kisame. May dim light din na dahan-dahan na nag-iiba ang mga kulay, puro mga naka-long dress or gown ang mga babaeng bisita, habang ang mga lalaki naman ay nakasuit or tuxedo.

Dinala na ako ni Clark sa isang malaking round table at naupo kami. Nakaramdam ako ng kakaunting inis nang makita ko si Glaiza na nakaupo rin dito at katulad ko ay naka-red long dress ito. Pero sa kanya ay nakalabas ang isang buong hita niya, habang sa pang-itaas naman ay may puting tela na kita na ang balat niya at may kulay pulang tela naman ay tinatakpan ang hinaharap niya. Katamtaman lang ang kanyang make-up pero kaagaw-agaw ng pansin ang labi niyang ka’y pula, akala mo ay nasubsob ang labi niya kung saan kaya’t parang namamaga dahil sa sobrang pagkapula nito.

Palagi na lang ba kaming magkapareho?

Nakangiting tumayo siya at naglakad patungo kay Clark at walang sabi-sabi na hinalikan niya ito sa pisngi at ang mga paningin naman niya ay nasa sa akin at tila nang-aasar, talagang nananadya siya. Talagang ipinapakita niya sa akin na kaya niyang halik-halikan si Clark.

“Hello, Clark,” maarteng pagbati nito kay Clark. “Thank you for coming tonight. And thank you rin, Alexa.” Sambit niya at pekeng ngumiti sa akin.

Kahit na labag sa kalooban ko ay pilit na gumanti ako ng ngiti kay Glaiza dahil nakakahiya naman sa mga guest nakatingin sa amin ngayon, may iba kasi kaming kasama dito sa table. Puro mga katrabaho nila.

Matapos niyon ay naupo na kami sa malaking round table, kung saan ay kasya ang sampung katao. Napatingin ako sa iilang guest dito, ang iba ay namumukhaan ko pero hindi ko matandaan kung sino o saan ko ba sila nakita. Ang alam ko lang ay isa sila sa mga sikat na businessmen and businesswomen, ‘yong iba ay alam kong kakilala nila Mama at Papa dahil minsan ko na itong nakita na kasama nila.

Napatingin ako sa lalaking naglakad patungo kay Clark at nakipag-fistbomb sa kanya.

“Long time no see, Bro. How’s your life?”

Hula ko ay isa ito sa mga naging kaibigan ni Clark noong college pa siya na ngayon ay isa na rin na businessman, hindi ko kasi matandaan ang mukha niya at sigurado akong ngayon ko lang siya nakita.

“She’s fine.” Seryosong sagot ni Clark. Nagtaka ako nang tumingin ito sa akin at kung bakit ‘she’s fine’ ang isinagot niya sa lalaking kausap niya. Anong gusto niyang iparating?

“Lover boy!” natatawang asar sa kanya ng lalaking kausap niya. “By the way, who’s that girl? What’s her name?” tanong nito, ang tinutukoy niya ay ako.

Naging masama ang tingin sa kanya ni Clark. “She’s my date, bro. So back off.” Walang ganang sagot ni Clark, dahil doon ay muling natawa ang lalaking kausap niya ngayon.

“Bahala ka na nga diyan, see ‘yah around.” Sambit niya at umalis na sa harapan namin.

Nang mawala ang lalaki ay bumaling na ang paningin sa akin ni Clark. “What do you want? Food, juice?” tanong sa akin ni Clark na inilingan ko lang.

Magsasalita pa sana siya nang magsalita na ang emcee na nasa taas na ngayon ng stage, kaya’t lahat kaming nandito ay doon napunta ang atensiyon.

“Good evening, ladies and gentlemen. We want to thank all of you for coming in this event.” Energetic na pagkakasabi ng baklang Emcee. “This special event is for our future CEO, Mr. Clark Alcantara and for our company. Mr. Alcantara, can you join us here?”

“I’ll be back.” Mahinang bulong sa akin ni Clark bago tumayo at naglakad patungo sa stage. Habang naglalakad siya patungo sa stage ay kitang-kita mo sa mukha at galaw niya ang pagkaotoridad niya. Ang sarap niyang pagmasdan.

Pagka-akyat niya sa stage ay nagsimula na siya magbigay ng speech, mahaba-haba rin ang sinabi niya kaya’t ang iba doon ay hindi ko na lang pinakinggan. Basta ang huli ko lang na narinig ay dahil sa kanya ay magkakaroon na sila ng new branch sa buong Asia at siya ang magma-manage niyon, kaya’t nagpaparty sila ngayon.

Matapos ng mahabang speech ni Clark at ng iba pa na kasali sa board members ay nagsimula na ang kasiyahan. May mga kumakain na, umiinom ng wine at ang iba ay nagsasayaw na sa gitna kung nasaan ang dance floor.

Nawala rin si Glaiza sa tabi namin ngayon ni Clark kaya kahit papaano ay nawala na ang inis na nararamdaman ko, pero sana pala ay hindi ko na lang binanggit ang pangalan niya dahil bigla siyang lumitaw sa harapan namin ni Clark.

“Hey, Alexa. Can I borrow him?” tanong niya sa akin habang hindi nawawala ang peke niyang ngiti sa labi niya.

Kaagad akong napatingin kay Clark at nakita ko lang ito na naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin.

“S-sure.”

“Thanks!” pagpapasalamat ni Glaiza sa akin at kaagad na hinatak si Clark patayo, pero mukhang ‘di yata sang-ayon si Clark sa naging desisyon ko, hindi pa rin mawala-wala ang tingin niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya at pilit na ngumiti upang ipakita na okay lang ako, na okay lang na maiwan ako dito na mag-isa, na okay lang na hiramin siya ng iba dahil ‘di ko naman siya pagmamay-ari.

Nang tuluyan na silang makalayo sa akin ay doon ko lang nilabas ang malalim na buntong hininga ko, nawala na rin ang pekeng ngiti sa aking labi.

Ilang minuto na ang lumilipas ay mag-isa pa rin ako dito sa table namin, wala na rin kasi ang iba namin na kasama dito kanina dahil nakikipag-usap ang lahat sa mga guests. Ako lang yata ang out of place.

Napatingin ako sa katabi kong upuan nang maramdaman kong may naupo doon at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ‘yon. Kaagad itong ngumiti sa akin na halos ikawala na ng singkit niyang mga mata, pero mas naagaw ng sugat niya sa gilid ng labi niya ang atensyon ko.

“Bakit mag-isa ka lang? Nasaan na ‘yong date mo?”

“Nakikipag-usap sa iba.” Walang ganang sagot ko at hindi pa rin nawawala ang mga mata ko sa labi niyang may sugat.

Kasalanan ko ‘yon.

“Bakit ka nakati—”

“Sorry.” Paghingi ko ng tawad habang nakatingin pa rin sa labi niyang may sugat. Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko.

“Okay lang, ‘no!”

Matapos niyon ay ilang sandaling katahimikan ang namuo sa aming dalawa bago siya muling magsalita.

“Tara, labas tayo. May ipapakita ako sayo.” Nakangiting aya niya sa akin. Bago pa ako makasagot ay hinatak na niya ako patayo at hinila kung saan, kaya’t wala na akong magawa kundi ang sumama sa kanya.

Ilang minuto niya pa ako hinatak hanggang sa makarating kami sa garden ng venue. Tahimik at madilim na dito pero kitang-kita ko pa rin ang mga halaman at iba’t ibang klase ng bulaklak na nakatanim dito.

Tumigil na kami sa paglalakad kaya’t tumingin na lang ako sa madilim at malawak na kalangitan na punong-puno ng mga butuin at ng isang maliwanag na buwan. Ang ganda nilang pagmasdan.

“Kailan kaya ako magugustuhan ng taong gusto ko?” wala sa sariling tanong ko sa sarili ko at malalim na bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon.

“Kapag ako na ang gusto mo.”

Nabaling ang tingin ko kay Lance dahil doon. Nakatingin lang din siya sa kalangitan.

Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?

Bumigat ang paghinga ko nang humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay at itinuon sa akin ang mga mata niya. “Highschool pa lang tayo, Alexa, may gusto na ako sayo. Balak pa nga sana kitang ligawan noon, kaso natakot ako. Nagpadala ako sa takot na kapag niligawan kita, hindi ako makakapaglaro sa championship.” Pagkukuwento nito sa akin na labis kong ikinagulat at ikinapagtaka.

“Kinausap ako ni Clark, sinabi niya sa akin na layuan kita at kapag hindi ko ‘yon ginawa ay aalisin niya ako sa team at hindi na makakapaglaro sa darating na championship. Pero ang gago ko! Mas pinili ko ‘yong championship na ‘yon at nilayuan kita. Pangarap ko kasi ‘yon, pero hindi ko alam na dahil sa pangarap na ‘yon ay mawawala sa akin ang nag-iisang babaeng pinapangarap ko rin. Hanggang sa magka-graduate na ikaw, balak ko na sana ituloy ang balak kong panliligaw sayo pero huli na. Nalaman kong aalis ka na patungo sa ibang bansa para doon na mag-aral.”

Halos hindi ako makapagsalita, parang ayaw pumasok sa isip ko ang mga sinasabi niya dahil hindi ako makapaniwala.

Kung sana noon niya pa ito sinabi, malamang ay sasabihin ko rin sa kanya na gusto ko siya. Pero iba na ngayon, nagbago na ang gusto ng puso ko.

Napatitig ako sa kanya nang hawakan ng dalawa niyang kamay ang mukha ko at dahan-dahan na inilapit sa akin ang pagmumukha niya. “Alexa, kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sayo kung gaano kita kagusto, kung gaano kita kamahal... Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko.”

Hindi ko na malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o malulungkot dahil alam kong maaari ko siyang masaktan at ayaw ko siyang paasahin sa wala.

“Please, Alexa. Give me a chance to show you how much I love you...”

Parang pinako ako sa kinatatayuan ko nang dahan-dahan niya pang ilapit ang mukha niya sa akin at ngayon ay magkadikit na ang ilong namin, ilalapat na sana niya ang labi niya sa labi ko at handa na sana akong itulak siya palayo sa akin pero pareho kaming nagulat at natigilan nang may narinig kaming nagsalita sa gilid namin.

“I told you, Clark. May relasyon sila.”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo doon si Glaiza na may suot na mapang-asar na ngiti sa labi at katabi niya si Clark na seryoso lang ang tingin sa amin ni Lance habang nakasarado ang isa niyang kamao. Ramdam na ramdam ko sa mga titig niya na galit siya—galit na galit siya.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon