Kabanata 16

80.4K 1.7K 151
                                    

Kabanata 16: Paglalayas

Alexa’s Point of View

Tahimik kaming nag-aalmusal ni Clark sa dining room at mula kanina ko pa siya hindi pinapansin kahit na kinakausap niya pa ako. Hanggang ngayon kasi ay bwiset pa rin ako sa kanya, naiinis ako sa kanya sa ‘di ko malaman na dahilan.

Napatigil kami sa pagkain nang marinig namin na tumunog ang doorbell.

“Ako na,” tipid na sambit ni Clark at tumayo na saka naglakad patungo sa gate.

Ibinaling ko na lang sa pagkain ko ang atensiyon ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Ilang sandali lang ay muli akong napatigil dahil sa naririnig kong ingay papalapit dito.

“Why, Clark? Did you miss me?”

“Tss.”

“Ang aga-aga, nagsusungit ka na naman. Gusto mo kiss kita para ‘di ka na mainis?”

Rinig kong landian nila Clark at Glaiza. Oo! Si Glaiza. Boses niya pa lang, kilalang-kilala ko na. Ano na naman kaya ang kailangan niya? May balak na naman ba siyang lunurin ako?

Sa totoo lang ay matapos ang insidenteng ‘yon ay sobra na akong naiinis sa kanya. Pakitang tao siya. Plastic siya. Kapag kaharap namin si Clark o may ibang tao ay grabe siya kung magbait-baitan, pero kapag kaming dalawa na lang ay kusa na lang lalabas ang tinatago niyang sungay. Ano ba ang problema niya sa akin?

Ilang saglit pa ay dumating na sila dito sa dining room. “Maupo ka muna diyan, kukunin ko lang sa office ko.” Saka naglakad na siya palabas dito sa dining room.

Naiwan kaming dalawa ni Glaiza, pero hindi na ako nag-abalang lingunin man lang siya o batiin. Napatingin lang ako sa kanya nang magsalita siya.

“Hi, Alexa. How are you?” nakangiting tanong niya sa akin, parang walang ginawang kasamaan.

“After kong malunod nang dahil sa ginawa mo, okay lang ako. Okay na okay, buhay pa nga ako, eh.” Sarcastic kong sagot.

Kung makaasta siya, akala niya ay wala siyang ginawang masama sa akin! Nagbabait-baitan na naman siya. Nakakainis ang pagiging plastic niya, ang ayaw ko pa naman sa tao ay ang plastic. Mas okay na ang prangka kung magsalita kaysa naman sa mga plastic na akala mo ay anghel kung magbait-baitan.

“You’re so funny, Alexa,” natatawang sagot nito sa akin.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa inaakto niya, talagang ayaw niya pa tigilan ang pakikipagplastikan sa akin.

“You know what, Glaiza? Tigilan mo na ang kaplastikan mo,” seryosong sabi ko habang nakatingin mismo sa kanya. Napangisi ito sa sinabi ko at ‘yong dating maamo niyang mukha ay biglang naglaho. “Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin at nagawa mo ‘yon. Mabait naman ako sayo, ha?”

Tumalim ang tingin niya sa akin. “Bumalik ka lang, nagkagulo na ang lahat. Nabalewala na naman ako. Ano ba ang nakita sayo ni Clark para paglaruan ka niya?”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“Hindi ka naman maganda, mas maganda pa nga ako sayo, eh.” Dagdag pa niya, halata ang inis sa boses.

Alam kong pinaglalaruan lang ako ni Clark, hindi niya kailangang ipamukha ‘yon sa akin. Pero bakit tila nasasaktan ako sa sinabi niya? Kasi alam kong totoo ‘yon?

“At least ako, kahit laro ay ginusto niya ako. Eh, ikaw? Hanggang kailan ka maghahabol sa kanya? Wala ka na bang makitang ibang lalaki kaya ka nagkakaganyan kay Clark?” mahinahon kong tanong sa kanya pero may mapang-asar na tono.

Nagkasalubong ang kilay niya at pinukol ako ng masamang tingin, pero hindi ako nagpaapekto doon.

“Bad attitude kills pretty face. How much more if you’re not pretty? Double kill?” muling mapang-asar kong sambit at bahagyang tumawa na siguradong ikakainis niya.

Hindi ako magpapatalo sa kanya. Kung maldita siya, pwes, mas maldita ako sa kanya. Pinalagpas ko ang ginawa niya sa akin, pero hindi ibig sabihin non ay hahayaan ko lang siya sa mga maling ginagawa niya.

Kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya, pero katulad kanina ay hindi ko iyon binigyan ng pansin. Wala akong paki sa kanya!

Kasalanan niya ito, siya ang nagsimula ng away na ‘to kahit wala naman akong ginawang masama sa kanya. Ginalit niya ako, at ngayon ay hindi ko na kayang pigilan ang galit ko ay wala na akong magagawa kundi ang ilabas ito.

“Maganda ka nga, pangit naman ugali mo. Balewala rin.”

“Are you insulting me?” nanggigigil na niyang tanong, pikon na pikon na sa akin.

Napatitig ako sa kanya at pinakitaan siya ng isang matamis na ngiti na siguradong mas lalo siyang manggagalaiti sa galit. “I’m not insulting you. I’m just describing you, bitch.”

Hindi ako anghel na magbabait-baitan sa harapan niya, lalo na’t alam ko na ang tunay niyang ugali. Tama na ang pagpigil ko noon sa galit ko, kung tutuusin pa nga ay puwede ko siyang idemanda dahil sa pagtangka niyang lunurin ako noon sa pool.

“Sa likod ng maamong mukha, may sungay palang nakatago.” Sambit ko at tumayo na. Naglakad ako patungo sa kanya at huminto mismo sa harapan niya.

“Yes, I admit I’m not pretty. But I have my own originality that can build your insecurities.” Kita ko ang mas pag-igting pa ng panga niya, mas sumama ang tingin niya sa akin na akala mo ay pinapatay na niya ako sa mga titig niya.

“Insecurities? Bakit naman ako mai-insecure sayo? For your information, mas maganda ako kaysa sayo.” Sagot nito at tumayo na rin saka hinarap ako.

“But I’m better than you.” Sagot ko at mas lumapit pa sa kanya, nanghahamon.

“I hate you!” Inis niyang sigaw.

Palihim akong napangiti. “Don’t hate me because I’m better than you. Hate yourself because you’re not as good as me.” Huling salitang binitiwan ko bago umalis sa harapan niya, pero bago ako makaalis dito nang tuluyan ay nagsalita pa muna siya na ikinatigil ko.

“Yes, maybe you’re better than me. But, remember? You’re just his toy.”

Napatigil ako at nakaramdam ng matinding sakit at matinding galit sa sinabi niya. Parang sinampal ako ng maraming tao sa pagmumukha ko sa sinabi niya.

Mas pinili ko na lang na hindi siya sagutin at nagpatuloy na lang sa paglalakad paalis. Gusto kong makalayo dito. Gusto kong makapag-isip-isip muna sa malayo, malayo sa kanila... at kay Clark.

Habang naglalakad ako patungo sa hagdan paakyat sa second floor ay nakasalubong ko pa si Clark pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad paakyat ng hagdan. Dahil sa ginawa ko ay nakita ko ang pagtataka sa kanyang pagmumukha pero ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad niya pababa ng hagdan habang may mga dalang papeles.

Pagkarating ko sa loob ng kwarto ko ay kaagad kong kinuha ang phone ko na nakalapag sa ibabaw ng side table ko at may tinawagan. Sa tingin ko kasi ay kailangan ko ng kaibigan na maaari kong pagsabihan ng mga problema at hinanakit sa puso ko.

Ilang ring pa lang ay sinagot na niya kaagad ang tawag ko. [“Hello, Alexa,”] bungad niya.

“Lance, puwede mo ba akong samahan?” nahihiyang tanong ko.

[“Sure.”]

“Maghahanda lang ako, itetext na lang kita.” Saka ko pinatay na ang tawag at naglakad na patungo ng banyo.

Halos kalahating oras ang lumipas ay nagmamadali na akong bumaba ng hagdan nang marinig ko na ang busina ni Lance, sabi niya kasi ay susunduin niya ako at magbubusina na lang siya kapag nandito na siya.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad nang mapatigil ako nang harangin ako ni Clark na nakasandal sa gilid ng pinto.

“Aalis ka? Kasama si Lance?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin habang magkadikit ang kilay. Parang tatay na gustong pagbawalan ang anak sa gagawing paggala.

“Isn’t obvious?” pagtataray ko.

“You’ll stay here.” Pag-aawat niya sa akin.

Nagkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. “No, aalis ako.” Inis kong sambit at naglakad na palabas. Naririnig ko pa na tinatawag niya ako pero hindi ko na lang siya pinansin.

Hindi na dapat ako sumunod sa kanya. Hindi na dapat ako magpatalo pa sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kotse ni Lance, kaagad akong sumakay at siya naman ay pinaandar na ang kotse niya.

NILAGOK ko ang alak na nakalagay sa baso ko hanggang sa maubos ito. Napapapikit na lang ako sa pakla ng lasa ng alak pero hindi ko na ito inaanlintana pa. Gusto kong makalimot ngayon. Gusto kong makalimutan ang mga iniisip ko kahit sa maikling panahon lang.

“Tama na ‘yan, nakakarami ka na.” Pag-awat sa akin ni Lance na inilingan ko lang.

“Hindi pa nga ako tinatamaan, eh!” pasigaw kong sagot sa kanya.

Pagkasundo kasi sa akin ni Lance ay dumeretso kami dito sa unit niya, sabi ko kasi ay gusto ko ng tahimik na lugar at walang tao kaya’t dinala niya ako rito. At bigla ko naman naisipan na mag-inom kaya’t heto kaming dalawa, nag-iinom ng alak sa loob ng unit niya.

“Anong hindi? Lasing na tayo!”

Malakas na napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya, anong sinasabi niyang lasing na kami? Siya lang kaya.

Pilit nitong tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa at pagewang-gewang naglakad patungo sa akin. “Halika na, ihahatid kita sa kwarto ko. Saka ka na lang umuwi kapag hindi ka na lasing.”

Napairap na lang ako at tumayo na, pero nagulat ako nang makaramdam ako ng hilo. Nawalan ako ng balanse sa katawan, muntik na akong bumagsak sa sahig pero mabuti na lang ay nahawakan kaagad ako ni Lance.

Ngunit parang pinako naman ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong sobrang lapit ng mukha namin ni Lance sa isa’t isa. Napatitig ako sa chinito niyang mga mata na halos hindi na makita dahil namumungay na. Napansin ko rin na unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin.

Napalunok ako.

“I love you, Alexa,” puno ng sinseridad niyang sambit habang nakatingin mismo sa mga mata ko.

Napapikit na lang ako nang magpatuloy ang paglapit ng mukha niya sa akin hanggang sa nagtama na ang ilong namin. Pero sa pagpikit kong ‘yon, may imahe akong nakita sa isipan ko.

Clark...



I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon