Simula
Alexa’s Point Of View
“Ma, bakit kailangan ko pa pong pumunta kina Ninang Ellaine?” may bakas ng pagtataka kong tanong kay Mama.
Aalis kasi sila patungong ibang bansa dahil may businesstrip sila ni Papa. Gusto nga nila ako sana isama kaso hindi naman ako puwede, marami pa kasi akong bagay na dapat asikasuhin dito.
Ipinasok muna nito ang ibang damit sa maletang nakalapag sa ibabaw ng kama nila ni Papa saka niya ibinaling ang tingin sa akin. “Ano ka ba, Alexa? Siyempre, matagal kaming mawawala ng Papa mo kaya hindi kami mapapalagay na maiwan kang mag-isa rito. Baka mapa’no ka pa. Mag-aalala lang kami habang naroroon kami.”
Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa paanan ng kama at nilapitan siya. “Ma, kaya ko naman ang sarili ko. Naalagaan ko nga ang sarili ko ng ilang taon sa ibang bansa, e. At saka pa, hindi na ako bata.” Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Ilang taon din kasi akong nawalay sa kanila noon. Simula kasi nang maka-graduate ako ng highschool ay kaagad na akong nagtungo sa America upang doon na mag-aral.
Bumagsak ang balikat ko nang ilingan ako ni Mama. “May kasama ka noon, ‘yong mga pinsan mo. Pero dito, kapag naiwan ka rito ay wala kang kasama kahit na sino.”
Napabusangot ang aking mukha. “Ma, dito na lang kas—”
“Hindi, Alexa.” Napatingin ako sa pinaggalingan ng tinig na ‘yon at nakita ko si Papa na kapapasok lang dito sa kwarto nila. “Doon ka mags-stay sa Ninang Ellaine mo habang wala pa kami. And that’s final.”
Napababa ang tingin ko at malalim na bumuntong hininga, tanda ng pagsuko. Wala na akong magagawa dahil si Papa na ang nagsalita.
“Mag-impake ka na at mayamaya ay aalis na tayo,” maotoridad na utos ni Papa.
Again, I sighed. “Opo, Pa.” May choice pa ba ako? Wala.
Naglakad na ako palabas ng kwarto nila at nagtungo na kaagad sa katabing kwarto—sa kwarto ko. Pagkarating ko rito ay kaagad ko nang kinuha ang maleta ko na nakalagay sa ilalim ng kama at nagsimula nang mag-impake ng mga dadalhin kong gamit.
Ayaw ko man mag-stay doon, wala na akong magagawa. Ayaw naman nila akong payagang maiwan dito sa bahay na mag-isa.
Lagpas kalahating oras din bago ako matapos sa pag-iimpake ng mga dadalhin kong gamit. Madali lang ako natapos dahil kaunti lang naman ang dadalhin kong mga gamit.
“Alexa, tara na!”
“Opo! Palabas na!”
Hinatak ko na ang maleta ko palabas ng bahay, si Mama naman ang naglock ng bahay. Matapos niyang i-lock ang bahay ay sabay na kaming lumabas ng gate. Muli ay ini-lock niya muna ang gate bago pumasok sa kotse ni Papa, ganoon na rin ang ginawa ko.
“Wala na bang nakalimutan?” paninigurado ni Papa na pareho naming tinanguan ni Mama.
“Wala na. Puwede na tayong umalis.”
Tumango na lang si Papa sa sinabi ni Mama at binuhay na ang makina ng kotse saka ito pinaandar. Ako naman ay ibinaling na lang ang tingin sa labas ng bintana ng kotse ni Papa at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...