Kabanata 11: Clark Vs. Lance
Alexa’s Point Of View
“Stop it, Lance.” Awat ko kay Lance na kanina pang nangungulit sa akin dito sa kitchen. Nagulat na nga ako nang bigla siyang pumasok dito, tinanong ko kaagad siya kung paano siya nakapasok lalo na’t bawal ang ibang tao rito, pero ang tanging tugon niya lang sa akin ay, ‘cute raw kasi kasi ako’.
Mukhang dapat kong sisantihin kung sino man ang nagpapasok kay Lance. Hindi puwedeng madaan sila sa ka-cute-an o kagwapuhan. Paano na lang pala kung masasamang tao ang napapasok nila rito ng walang pahintulot ko?
“Masyado kang seryoso,” tatawa-tawa niyang sambit.
Inirapan ko ito at saka dumaan sa harapan niya at nagtungo sa lababo, maghuhugas na sana ako ng kamay nang mapatigil ako dahil biglang sumigaw si Lance.
“Ano ba naman ‘yan, Alexa!”
Napanganga ako. “Ha?”
“Dadaan ka na lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso ko!” sambit niya at ngayon ay may suot na siyang ngiti sa kanyang labi habang nakahawak pa sa dibdib niya.
Napabuga ako ng hangin at inalis na ang tingin sa kanya. Naghugas na lang ako ng kamay ko at inalis na ang apron na suot ko.
“Ano ba talaga ang pakay mo at nandito ka?” tanong ko sa kanya nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko.
“Actually, wala lang,” tumaas ang isa kong kilay sa tinugon niya. “Gusto lang kitang makasama, makita, at makulit.” Bakas ang hiya sa kanyang tinig, bahagya pa siyang napakamot sa batok niya.
Humakbang siya palapit sa akin at inayos ang ilang hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko. Nakaramdam ako ng ilang sa ginagawa niya.
“Masyado ba akong naging makulit?”
Ramdam ko ang palihim na pagsulyap sa amin ng ibang empleyado kong nagtatrabaho ngayon dito sa kitchen dahil sa ginawa ni Lance.
“Hindi naman, masama lang kasi ang pakiramdam ko,” mahinang tugon ko.
Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi pa rin ako pinapatahimik ng puso’t isipan ko. Pakiramdam ko tuloy ay stress na stress na ako.
“Umuwi ka muna kaya,” suhestiyon niya na tinanguan ko.
“Mas maganda pa nga siguro,”
Natigilan ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at bahagyang pagpisil niya roon. “Ihahatid na kita para ‘di ka na magtaxi pa.”
Bahagya akong umiling. “Hindi na, nakakahiya naman,” nahihiya na nga ako sa ginagawa mo ngayon. Baka iba ang isipin ng mga taong nakakakita sa atin.
“Huwag ka nang mahiya sa akin, bahala ka, basta’t ihahatid kita. Huwag ka nang tumanggi pa.”
Bahagya akong natawa. “Ang kulit mo talaga,” sabay iling.
“Oo, at mas makulit ako kaysa sayo.”
Pareho na lang kaming natawa at sabay na kaming lumabas ng kitchen nang matapos kong magbilin sa ibang empleyado ko. Kinuha ko muna sa opisina ko ang shoulder bag kong dala bago sumunod kay Lance sa labas. Nauna na kasi siya roon para maihanda na niya raw ang kotse niya.
At tulad nga ng sabi niya ay pagkalabas ko roon ay nakasakay na siya sa kotse niya na nakaparada rito sa harapan mismo ng restaurant ko.
“Tara na,” sabi niya at pinagbuksan pa ako ng pinto kahit na nakaupo na siya sa loob. Pumasok na lang ako.
Buong byahe ay tawa ako nang tawa. Panay kasi ang joke ni Lance, hindi naman nakakatawa ang joke niya pero mas natatawa ako sa reaksiyon niya.
“Knock! Knock!”
“Who’s there?” natatawa ko pa rin na tanong. Alam kong corny na naman ‘tong joke niya.
“Panget,” natatawa niyang tugon.
“Panget who?”
Nagkaisang linya ang kilay ko nang tumingin ito sa akin na parang gulat na gulat siya. “Nakalimutan mo na pangalan mo?”
Kaagad siyang nakatanggap sa akin ng maraming hampas sa braso dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang ay wala na kami sa kalsada kaya’t wala ng masyadong sasakyan, hindi kami mababangga sa pinaggagawa ko sa driver ngayon.
“Ewan sayo, Lance! Ang corny mo!” pang-aasar ko sa kanya na malakas niya lang tinawanan.
Lokong ‘to! Hindi naman ako panget, a?
Napailing na lang ako at napangiti. Biglang pumasok sa isipan ko ang dating kami ni Lance. Hindi ko inaakalang magiging ganito kami ka-close. Sabihin man na kailan lang kami nagkita muli, pero napakagaan na ng loob namin sa isa’t isa. Hindi naman kami madalas noon mag-usap, nagkakabatian lang kami noon at matapos non ay wala na, pero iba na ngayon. Ramdam ko na malaki ang pinagbago ng kung ano man ang namamagitan sa amin ni Lance.
Pero hindi ako umaasang humigit pa ‘yon doon. Oo, gusto ko siya noon. Pero noon ‘yon, hindi na ngayon. At saka, sino ba naman ang hindi magkakaroon ng gusto sa lalaking ito? Matangkad, maputi, chinito, may dimples, isama mo pa ang nakakabaliw niyang ngiti at perpekto niyang pagmumukha na hindi mo mahahanapan ng kapangitan. At isa pa, dati siyang varsity player ng basketball noon kaya dagdag ‘yon sa pogi points niya. In short; perfect.
“We’re here,”
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na huminto na pala kami dahil sa lalim ng iniisip ko.
“Thank you sa paghatid,” nakangiting pasasalamat ko.
“Anything for you, Alexa,” ngumiti siya kaya’t halos hindi na makita ang mga mata niya.
Ginantihan ko ang ngiti na ‘yon bago ibaling ang tingin ko sa pintuan ng kotse, akmang bubuksan ko ‘yon nang magsalita si Lance.
“Wait!”
Hindi na niya hinintay na makapagtanong ako, lumabas na siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
“Sige, labas ka na,” gosh. Bakit ba ganito ang lalaking ito? Napaka-gentleman niya.
Hindi ko na napigilan ang paglitaw ng ngiti sa labi ko at lumabas na ng kotse. “Thank you talaga, Lance.”
Bahagya akong napapikit nang guluhin niya ang buhok ko. “You’re welcome.”
Inayos ko muna ang buhok ko bago ko muling ituon sa kanya ang mga mata ko. “Sige na, masyado na kitang naiistorbo, umuwi ka na.”
“Sige, pumasok ka muna saka ako aalis.”
Nginitian ko na lang ulit siya saka tumalikod na. Maglalakad na sana ako papasok ng gate ngunit napatigil ako sa nakita ko. Naglaho ang ngiti sa labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata sa gulat.
Pilit kong binabalik ang utak ko sa sarili ko. Bakit ba ganito ako magreact? Eh, nakita ko lang naman si Clark. Si Clark na seryoso at magkakrus ang braso sa dibdib! Si Clark na magkadikit ang kilay! Si Clark na may talim ang tingin sa akin!
“Are you dating with Lance?”
Bahagyang umawang ang bibig ko sa tanong niya. Akmang sasagot ako nang may umakbay sa akin.
“Yeah, we’re dating.”
Dahan-dahan na bumaling ang tingin ko kay Lance na ngayon ay naka-akbay sa akin habang nakangiti ng malawak.
Ano daw? Bakit siya um-oo? We’re not dating! Gusto kong linawin kay Clark ang sinabi ni Lance pero hindi ko magawang makapagsalita. Tila umurong ang dila ko sa takot kay Clark.
“Alexandra, I’ll repeat my fucking question. Are you dating with Lance?”
Bumalik ang tingin ko kay Clark dahil doon. Bakas na sa boses niya ang iritasyon.
Napalunok ako nang humiwalay na sa akin si Lance at humakbang ng isang beses palapit kay Clark. Wala na rin ‘yong ngiti sa labi niya. “I already answer your question, Clark.”
Hindi naman nagpatalo si Clark. Tumuwid ito ng tayo at inilagay ang mga kamay niya sa bulsa niya at saka humakbang din ng isang beses palapit kay Lance.
“I. Am. Not. Talking. To. You. So. You. Better. Shut. Up. Your. Fucking. Mouth. Dude.” May diin sa bawat salitang sinasabi niya. Halatang nagbibigay ng babala. Parang anumang segundo ay tuluyang mapipikon na siya.
“Tinatakot mo ba ako, Clark?” may diin din na tanong ni Lance.
Umangat ang isang sulok ng labi ni Clark at muling humakbang ng isang beses palapit kay Lance. Halos dalawang hakbang na lang ang layo nila sa isa’t isa. Nagpupukulan na rin sila ng masasamang tingin.
Oh my god. Ano bang problema ng dalawang ‘to?
“Binabalaan lang kita, hindi ko na kasalanan kung matakot ka man.”
May namumuo ng malamig na pawis sa noo ko dahil sa nagiging sagutan nila. Baka mamaya ay saan mapunta ang usapan nila!
“Hindi ka pa rin nagbabago, Clark,” sarkastiskong tumawa si Lance. “Ano bang problema mo kung nagde-date kami ni Alexa?”
“She’s staying in our house. It means, she’s our responsibility. Hindi namin siya puwedeng hayaan na sumama sa kung kani-kanino lang na lalaki, lalo na’t kung walang permiso galing sa amin.”
“Nice alibi,” may panunuya sa boses ni Lance. Pero hindi naman non naapektuhan ang seryosong pagmumukha ni Clark. Nananatiling kalmado lang ‘yon, pero seryoso at alam mong delikado.
I think, he’s the perfect definiton of danger.
Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Clark na tila nang-aasar. Nakita naman kaagad ng dalawang mga mata ko ang pagsarado ng kamao ni Lance, tila nagpipigil ng galit.
Nagsimula na akong kabahan at nag-isip na ng paraan kung paano sila patitigilin sa pagtatalo nila ngayon. Ramdam na ramdam ko na ang namumuong tensiyon sa kanilang dalawa. Parang nagpapatayan na sila sa mga titig nila. At mas naa-alarma ako sa kanilang dalawa dahil doon.
Bakit ba naman kasi nandito kaagad si Clark? Ano bang araw ngayon at bakit ang aga niyang umuwi?
At bakit ba kasi ganito ang mga lalaki? Nababaliw na ba sila? Maliit na bagay lang ay pagtatalunan pa!
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...