Kabanata 24

60.1K 1.4K 162
                                    

Kabanata 24: Busy

Alexa's Point of View

DAHIL alam kong may kakaiba kina mama, nang makauwi ay kaagad ko silang kinausap. Hindi ako mapapakali kung ganito sila, lalo na’t ramdam kong tungkol iyon sa amin ni Clark.

“Ma...” panimula ko at huminga ng malalim. “May problema po ba kayo sa amin ni Clark? Kasi kanina po, I noticed na parang... parang hindi po kayo masaya sa ibinalita namin sa inyo.”

Kaagad namang umiling si Mama at hinawakan ang kamay ko. “It’s not like that, anak. We’re happy for the both of you. Clark is a good man. Alam kong aalagaan ka niya.”

Napababa ang tingin ko, parang hindi pa kontento sa sinasabi niya. “But I can feel it po, mama. May gusto kang sabihin pero ayaw mo lang sabihin. And I know it has something to do with me and Clark.”

Napaangat ang tingin ko nang may maramdaman akong naupo sa gilid ko, and there I saw my papa.

He smiled. “We’re just worried.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “But why?”

Kay mama naman nabaling ang tingin ko nang maramdaman kong hinaplos-haplos niya ang buhok ko. “Anak, love is not easy. It’s unpredictable. Maybe masaya ka ngayon, pero dadating at dadating pa rin ang panahon na masasaktan ka dahil sa pag-ibig na ‘yon. At ayon ang ikinababahala namin. Your heart can’t take that.”

Natigilan ako sa sinabi nila at nakuha ang pinupunto nila.

“At ito ang una mong pag-ibig. Kaya natatakot kami ng papa mo sa mga mangyayari kapag nagtagal na ang relasyon nyo ni Clark. Hindi mo naman kami masisisi kung ganito kami mag-alala para sayo. Nag-iisa ka naming anak.”

“At alam mo naman siguro ang kalagayan mo, hindi ba? Alam mong dapat mong ingatan ang sarili mo, lalo na ang puso mo.” Si Papa naman.

I nodded my head at them. “Yes po. I promise, iingatan ko po ang sarili ko. At saka po...” nagbaba ako ng tingin sa hiya. “May tiwala naman po ako kay Clark. I know he won’t hurt me. Hindi siya gagawa ng mga bagay na puwede kong ikasakit.”

Marahang natawa sina mama at papa sa sinabi ko.

“I also trust Clark. Actually, I’m happy dahil si Clark ang boyfriend mo. Kilala ko ang batang iyon. You’ll have a better future with him.” Si papa na mukhang botong-boto kay Clark.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Papa.

Nag-usap-usap pa kami at nagpakuwento ako sa mga nangyari sa kanila sa businesstrip nila. Nalaman ko rin na marami pala silang dalang pasalubong para sa akin at nakatago lang sa mga maleta nila.

WEEKS had passed. At sa mga lumipas na linggong iyon, maraming nagbago.

Naninibago ako dahil hindi ko na nakikita si Clark tuwing paggising ko o bago matulog. Hindi na rin kami madalas magkita dahil naging busy siya sa trabaho niya. Sinisimulan na kasi nila ang proseso sa pagpapatayo ng airlines sa iba’t ibang bahagi ng Asia gaya nga ng sinabi sa event ng gabing iyon. Gaya ni Clark ay naging busy rin ako. Pumapatok na kasi ang restaurant ko. Marami na ang mga customer ang nagpupunta rito at talagang dinadayo na.

Pagod kong inupo ang sarili sa upuan. Kalalabas ko pa lang galing sa kusina dahil tumulong pa ako roon at nag-check ng mga stocks. Nang humupa na roon, saka pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong umalis doon at makapagpahinga na.

Napanguso ako habang nakatingin sa glass wall. Nami-miss ko na ang Clark ko. Madalas ay sa gabi na lang kami nagkakausap, minsan nga ay nakakatulugan ko na siya. Sa umaga naman ay may message siya sa akin at kapag nag-reply ako, sa gabi na ulit ako makakatanggap ng reply niya dahil busy siya sa trabaho niya buong araw.
Hindi na nagkakapang-abot ang oras namin. And I hate it! I want to see him right now!

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon