Kabanata 6

117K 2.7K 92
                                    

Kabanata 6: Remember

Alexa’s Point Of View

“Kuya, diyan lang po sa gilid.” Sambit ko sa taxi driver at itinuro ang puting bahay na katamtaman lang ang laki na nasa gilid ng kalsada.

Inihinto na ng taxi driver ang kanyang taxi sa itinuro kong bahay. Nagbigay na ako ng bayad at bumaba na ng taxi at dumeretso sa nakasaradong gate. May dala naman akong duplicate ng susi ng bahay kaya ‘di ko na kailangang mangatok pa. Ini-lock ko muna ang gate bago maglakad papasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan kong patay na ang mga ilaw. Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil doon, alam ko kasing ‘pag patay na ang ilaw rito ay tulog na ang lahat ng taong naririto… Sana lang ay pati siya.

Inilapag ko muna ang bag ko sa isang tabi at naglakad patungo sa kitchen, nakaramdam kasi ako ng uhaw. Pero nasa pintuan pa lang ako ng kitchen ay tanaw na tanaw ko na kaagad ang isang bulto ng lalaki sa tabi ng table na naririto. Nakaupo ito sa upuan habang ang mukha ay nakasubsob sa table. Ang ilaw lang dito sa kitchen ang tanging bukas.

Nagkadikit ang kilay ko nang makilala ko ang lalaking ‘yon. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Mas nakaramdam ako ng pagtataka nang may mapansin akong isang bouquet ng bulaklak na nakalapag sa ibabaw ng lamesa, may mga plato rin dito na tinakpan upang siguro ay hindi malagyan ng dumi.

May naganap bang dinner date dito? O hindi ito sinipot ng girlfriend niya? Ni Glaiza?

Napabuga na lang ako ng hangin at mas lumapit pa, saka ko inangat ang kamay ko sa ere at ipinatong ‘yon sa balikat niya at marahan siyang niyugyog. “Clark, gising ka na. Lumipat ka na sa kwarto mo.” Sambit ko rito, habang patuloy sa pagyugyog sa kanya. Nakakangalay kasi ang puwesto niya at sigurado akong mananakit ang batok niya bukas.

“Clark, gising na.”

Dahan-dahan na itong gumalaw hanggang sa tuluyan na siyang nagising. Inangat niya ang kanyang ulo at napatingin sa akin, saka niya tiningnan ang wristwatch niya. “It’s already 10:45 P.M., bakit ngayon ka lang?” kaagad nitong tanong sa akin.

“Ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ka ba sinipot ni Glaiza?”

Inayos nito ang kanyang sarili. Inayos niya ang nagulo niyang buhok dahil sa pagkakatulog niya rito, pati ang mga mata niya ay bahagya niyang kinuskos. “At bakit naman napasok si Glaiza sa usapan?”

Umikot ang mga mata ko. “Eh, halata naman na hindi ka niya sinipot sa dinner date niyo, e.” May halong asar kong sambit.

Grabe siya kung mag-effort kay Glaiza.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinarap ako. “Stupid!” bulalas niya na bahagyang nagpaawang ng bibig ko.

“Ano? Ako? Aba--”

“That’s not for Glaiza, that’s for you.”

Bigla kong naisarado ang bibig ko dahil sa sinabi niyang ‘yon.

“At dinner date with Glaiza?” he asked. “I told you, she’s not my girlfriend!”

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang biglang may nagsaya sa kaloob-looban ko.

“Now, let’s get back to our topic,” bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. “Bakit ngayon ka lang umuwi?” parang bata akong tinatanong ng ama kung bakit na-late ng uwi. “I texted you kanina, sabi ko ay umuwi ka nang maaga, pero parang gusto mo yatang umaga na umuwi.”

Napaiwas ako ng tingin. Ano ba ang idadahilan ko sa lalaking ito?

“Marami kasi akong ginawa sa restaurant at biglang dumating si Lance. Napasarap ang kuwentuhan namin, at ‘yon na, hindi ko namalayan ang oras.”

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon