Kabanata 22: I Love You
Alexa’s Point of View
“Clark, please. Let me explain...” Punong-puno ng pagmamakaawa kong sambit.
Ilang sandali akong naghintay ng sagot niya pero hindi siya nagsalita o ano pa man, nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako tinitingnan.
Nagbuga ako ng hangin at ilang beses na lumunok bago magsalita. “I-inaya lang ako doon ni Lance kasi nakita niyang wala akong kasama dahil nakikipag-usap nga kayo sa ibang guests.” Panimula ko. “Wala naman akong makausap doon kaya sumama ako, kaso hindi ko naman alam na m-may mangyayaring g-ganoon.”
Muli pa sana akong magsasalita nang mapatigil ako dahil tumayo si Clark at nakapamulsang humarap sa akin, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang makita kong walang kabuhay-buhay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“I don’t need your explaination,” sambit niya at saka naglakad papalayo sa akin.
Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay tumayo ako at tinawag siya, hindi puwedeng basta na lang niya ako iiwan dito. Kailangan pa namin mag-usap, kahit na alam ko naman na wala naman dapat kaming pag-usapan. Wala naman kasing ‘kami’.
“Clark!” tumigil naman siya sa paglalakad pero nananatili siyang nakatalikod sa akin. “Nag-usap kami doon at ‘di ko inaasahang sasabihin niyang may g-gusto siya s-sa akin...” nauutal kong pagpapatuloy sa sinasabi ko sa kanya kanina.
“Then, congrats.”
Ilang hakbang lang naman ang layo namin sa isa’t isa kaya’t nagkakarinigan pa naman kami.
“Bakit mo ‘ko kino-congrats?” nagtataka at naguguluhan kong tanong.
“Gusto mo siya, gusto ka niya. So congrats. Gusto nyo ang isa’t isa,” walang buhay pa rin ang boses niya.
Sumama ang tingin ko sa kanya. “I told you, I don’t like him anymore!” may bakas na inis kong sagot.
Ilan beses ko pa ba kailangan na sabihin sa kanya na wala na akong gusto kay Lance? Kailangan ko pa ba ulit-ulitin ‘yon sa kanya? Hindi niya pa ba naiintindihan? Wala na akong gusto kay Lance, dahil may gusto na akong iba. Kailangan ko pa ba isampal sa pagmumukha niya na gusto ko siya para malaman at maramdam niya iyon?
Hindi na niya ako sinagot pa at nagpatuloy na siya sa paglalakad niya, dahil doon ay nakaramdam ako ng inis.
“You know what, Clark, naguguluhan na ako sayo. Nagpaliwanag na ako, pero ganiyan ka pa rin. Ano ba talaga?” inis na inis ko nang sigaw sa kanya. Hindi ko na kaya. I can’t take this anymore.
Humarap siya sa akin at wala akong ganang tiningnan. “Walang nagsabi sayo na magpaliwanag ka.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Wala namang tayo, kaya okay lang naman kung kayo na ni Lance.” Dagdag pa niya na ikinatahimik ko.
Parang sinampal ako ng napakaraming tao dahil sa sinabi niya, parang biglang dinurog ang puso ko. Parang pati ang mundo ko ay gumuho.
Wala lang talaga ako para sa kanya?
“Walang tayo?” nagtubig ang gilid ng mga mata ko. “Walang tayo, pero bakit ganito tayo? Anong ibig sabihin ng paging sweet mo sa akin? ‘Yong pagiging possessive mo? ‘Yong paghalik-halik mo sa akin? Walang tayo pero bakit ganito tayo! Bakit?” nanggagalaiti kong sigaw na halos ikapatid na ng litid ng leeg ko kapagkuwan ay huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.
Ang sakit-sakit na marinig ‘yon sa taong gusto mo, daig mo pa ang nakipagbugbugan dahil sa sakit niyon. At mas gugustuhin ko pa na mabugbog na lang kaysa marinig ang mga salitang ‘yon galing mismo sa kanya.
“Walang tayo, pero bakit iba ang trato mo sa akin tuwing magkasama tayo?” muling tanong ko sa kanya. “Walang tayo, pero bakit ganito ang n-nararamdaman ko s-sayo?” hindi ko na napigilan ang pagkagaralgal ng boses ko, isa-isa na rin na tumutulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Nararamdaman ko na rin ang paninikip ng dibdib ko at pangangapos ko sa hininga, kakaiba talaga ang epekto sa akin ni Clark. Kaya niyang pakiligin ang buong sistema ko sa simpleng salita o galaw niya lang, pero kaya niya rin durugin ang puso ko sa simpleng salita o galaw niya lang. Siya lang ang tanging tao na nakagawa sa akin ng ganito.
Napayuko na lang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Sobrang sakit ng sinabi niya. Ilang salita lang ‘yon pero halos libo-libong karayom ang tumutusok ngayon sa puso ko, parang winasak-wasak ito. Hindi ko na alam kung paano ko pa ilalarawan ang salitang sakit sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bakit kasi naging ganito pa ang nararamdaman ko para sa kanya? Mula pagkabata ko ay galit na ako sa kanya dahil sa trato niya sa akin, pero bakit ngayon ay nag-iba na? Sana hindi na lang nangyari ito. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Nagulat ako nang may maramdaman akong yumakap sa akin at sa amoy pa lang ng pabango niya ay kilala ko na ito. Kumalabog ang dibdib ko dahil doon, muli ay nagwawala na naman ito dahil kay Clark.
“Please, stop crying...” pagpapatahan niya sa akin habang hinahagod ang likod ko, pero sa halip na tumahan ako ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Iyak lang ako nang iyak, hindi ko na kayang pigilan ang mga nararamdaman ko. Hindi man malinaw sa isip ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, malinaw naman sa puso ko. Dahil naiintindihan ko na, ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko.
“Oo, walang tayo,” panimula niya. “Pero kahit walang tayo, mahal kita, Alexandra.” Bulong niya sa aking tainga na labis na nagpagulat sa akin.
Napatigil ako sa pag-iyak at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya, ramdam na ramdam ko rin ang pagwawala ng puso ko at paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang mga salitang sa kanya mismo nanggaling.
Tama ba ‘yong pagkakarinig ko? Pakiramdam ko ay nabingi lang ako, o isa lang iyon imahinasyon?
“A-ano?” nauutal kong tanong. Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa aking baba at inangat ito, kaya ngayon ay nakatingin na kami sa isa’t isa.
“Hindi ko na uulitin,” bumuga siya ng hangin at mas naging seryoso. “Ikaw? Ano ba ang nararamdaman mo para sa akin?”
Napatitig ako sa kanya. May pagdadalawang isip sa mga mata ko, hindi malaman kung aamin na ba. “I don’t like you,” sambit ko at huminto muna. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. “But my heart wants you. So yeah, I love you, Clark.”
Nanlaki ang mga mata niya at parang gulat na gulat sa sinabi ko. Ilang saglit pa ay napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang labi niya sa mismong labi ko. Isinabit ko sa batok niya ang mga braso ko at katulad niya ay pumikit rin ako at hinalikan siya.
Sa daming beses na naglapat ang aming labi, masasabi kong ito ang pinakamatamis sa lahat. Dahil ngayon, alam na namin kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman namin para sa isa’t isa.
Hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya, mas higit pa doon at mas malalim.
Finally, naamin ko na rin sa sarili ko.
And yes, I’m inlove... with him.
NAGISING ang diwa ko nang may maramdaman akong humahalik sa akin sa labi, idinilat ko ang isa kong mata habang nananatili naman nakapikit ang kabila dahil inaantok pa ako.
Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Clark. “Good morning, sweetie,” bati niya at muling idinikit ang labi niya sa labi ko.
“Good morning din.”
Matapos nang naging pag-uusap namin ni Clark ay nagkaayos na kami. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming label, pero mas okay na ito. Dahil kahit wala man label ang namamagitan sa amin ay alam namin sa isa’t isa kung ano ang nararamdaman namin. Iyon naman ang importante, ‘di ba?
Nakangiting napapikit ako nang paulanan niya ako ng halik sa buong pagmumukha ko. “Baba na tayo.”
Kinusot ko muna ang mga mata ko at tumango sa kanya. Inalalayan niya akong tumayo. Pagkatayo ko ay kaagad na kaming naglakad palabas ng kwarto habang ang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko mula sa likuran. Halos ayaw na niya akong bitiwan mula pa kagabi.
Patuloy lang kami sa paglalakad ni Clark hanggang sa nakababa na kami sa unang palapag ng bahay, at nang mapadaan kami sa salas ay napatigil kami ni Clark sa paglalakad.
Gulat at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kina Mama, Papa, Ninang Ellaine at Niong Tony na pare-parehong nakaupo sa couch at mukhang nag-uusap saka bumaling ang mga mata ko kay Clark, walang mababakas na gulat o kaba sa kanyang pagmumukha. Parang hindi man lang siya kinakabahan na nakita kami ng mga magulang namin na ganito.
Akmang tatanggalin ko ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko nang mas higitin niya pa ako papalapit sa kanya, muli kong sinubukan na makatakas sa braso niya pero hindi niya ako hinayaan.
Napatingin na lang tuloy ako sa magulang namin at napalunok dahil sa kabang nararamdaman.
Anong gagawin namin? Paano namin maipapaliwanag ito sa kanila?
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...