Kabanata 17

71.3K 1.7K 64
                                    

Kabanata 17: Mine

Alexa’s Point of View

Bagot na bagot ako habang nakatingin sa television saka walang ganang tiningnan ang orasan. Kanina pa ganito ang gawain ko. Kanina pa palipat-lipat sa television at sa wall clock ang tingin ko.

“11:36 A.M. na pala,” napabuga ako ng hangin sa sobrang pagkabagot.

Napatingin naman ako sa phone ko nang magvibrate ito sa ibabaw ng center table at sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Clark.

“Bakit kaya napatawag ito?” tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at saka sinagot ‘yong tawag niya na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.

[“Where the hell are you?! Alam mo ba kung anong oras na? Nasaan ka? Susunduin kita riyan!”] sunod-sunod niyang sigaw at bakas sa boses niya na galit siya.

[“Alexandra? Fuck! Answer me!”] galit na namang sambit nang hindi ko siya tugunin.

Napabuntong hininga ako. “It’s none of your business, Clark.” Sambit ko at pinatay na ang tawag.

Ilalapag ko na sana ang phone ko sa center table nang muli na naman siyang tumawag. Pinatay ko ‘yon pero muli na naman siya tumawag kaya’t inis kong pinatay ang phone ko para ‘di na niya ako ma-contact pa.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa television na nasa harapan ko at nanood na lang dito, ito lang naman kasi ang magagawa ko dito sa unit ni Lance habang naghihintay sa pagbabalik niya.

Ang lokong Lance kasi, pagkagising ko sa kuwarto niya ay wala na siya. Umalis siya ng walang paalam sa akin. Ang tanging iniwan niya lang ay sticky notes at doon nakalagay ang mensahe niya para sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Napahilot ako sa sintido ko dahil sa pamomoblema ko. Bakit ba kasi ako naglasing kagabi? Kung ‘di ako nag-ayang uminom ay hindi mangyayari iyon sa amin ni Lance. Wala sanang ganoong nangyari sa pagitan namin.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Lance na maraming bitbit na paper bags.

“Ang tagal mo,” nakasimangot kong reklamo sa kanya. Nakakabaliw kaya ang mag-isa.

“Bumili kasi ako ng mga damit mo, para may magamit ka habang nandito ka.” Sagot niya habang isa-isang nilalapag sa harapan ko ang mga dala niyang paper bags.

Kinuha ko ‘yon at sinilip ang laman at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang laman nito. Lahat ay kumpleto. Mula sa short, sa shirt at pati na rin ang damit panloob ay kumpleto. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya at ilang.

“Tara, kain na tayo.” Aya ni Lance habang nilalapag naman sa pahabang center table ang mga styro’ng lalagyanan na may lamang mga pagkain.

Kinuha ko ang isa doon at sinimulan nang kumain dahil kanina pa talaga ako nakakaramdam ng gutom, kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Hindi naman ako makapagluto sa kusina niya dahil nahihiya ako. Pumuwesto na rin si Lance at sinabayan ako sa pagkain.

Tahimik lang kami kumakain ni Lance habang nanonood ng television, hindi kinikibo ang isa’t isa. Malamang ay nagkakailangan pa rin kami sa nangyari kagabi. Mukhang pareho kaming ayaw pag-usapan iyon.

Nabaling ang tingin ko sa kanya nang tumayo na siya, mukhang tapos na rin sa pagkain.

“Magbibihis lang ako.”

Tumango ako at muli na akong kumain at nang matapos ay iniligpit ko ang mga styro na nakakalat at mga pinagkainan namin. Pati na rin ang ibang gamit na nakakalat dito sa salas ay nilinis ko na.

Pagtapos kong gawin ang mga iyon ay muli akong naupo sa couch at nagpahinga. Nang lumabas naman si Lance mula sa kuwarto niya ay napatingin siya sa paligid.

“Ang sipag,” komento ni Lance habang naglalakad patungo sa akin at tinabihan ako dito sa couch niya. Nakapangbahay na lang din siya. “Sana hindi ka na naglinis. Nakakahiya naman. Bisita kita pero ikaw pa naglilinis ng bahay ko.” Dagdag pa niya.

Ngumiti lang ako at umiling saka nagsalita. “N-nasaan ‘yong banyo? Makikiligo sana ako,” nahihiya kong tanong.

Sa totoo lang ay dahilan ko lang ‘yon para hindi kami makapag-usap. Naiilang pa rin kasi ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa nangyari kagabi. Ang hirap umakto sa harapan niya na okay lang ako. At saka umiiwas na rin ako, baka kasi mamaya ay bigla naming mapag-usapan ‘yon. Hindi ko kakayanin.

Itinuro na niya sa akin ‘yong banyo kaya’t nagpaalam na ako sa kanya saka nagtungo na roon.

DALAWANG araw na ang nakakalipas simula nang dito muna ako mag-stay sa unit ni Lance. Nahihiya na nga rin ako sa kanya kasi sa salas siya natutulog at ako naman ay sa kwarto niya. Idamay mo pa ang nangyari sa amin noong nag-inuman kami, naiilang pa rin ako sa kanya tuwing naiisip ko ‘yon. Gusto ko nang kalimutan iyon.

“Ano na balak mo?” tanong sa akin ni Lance. Katulad ng lagi namin na ginagawa ay nanonood na naman kami sa television, marami na nga kaming movies na napapanood. Nagtataka na nga rin ako kung bakit hindi siya pumapasok sa trabaho niya, palagi lang siya nandito sa unit niya at sinasamahan ako.

“Wala.”

“Bakit kasi ayaw mong umuwi? Nag-away ba kayo ni Clark?” nag-aalala nitong tanong sa akin na kaagad akong inilingan.

Simula kasi nang mag-stay ako dito ay hindi niya tinanong sa akin ‘yan, mukhang naramdaman niya kasi na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yon. Wala siyang sinabi na kahit ano, basta’t pumayag siyang tumuloy ako rito nang magpaalam ako sa kanya.

Bakit nga ba ayaw kong umuwi? Ayan din ang taong ko sa sarili ko na hindi ko mahanapan ng sagot, siguro ay kailangan ko pa ng panahon para mag-isip-isip sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Gumugulo pa rin iyon sa isipan ko, lalo na ang sinabi ni Glaiza. Masyado akong apektado sa mga salita niya.

Hindi na muling nagtanong pa si Lance. Tumahimik na rin ako at napa-isip. Malamang ay nagtataka na si Clark kung bakit hindi ako umuuwi sa bahay. Siguro nga ay galit na ‘yon. Kaya’t naisipan kong buksan ang phone ko dahil dalawang araw ko na rin ito hindi binubuksan simula noong tinawagan ako ni Clark.

Pagbukas ko non ay sunod-sunod na tumunog ‘yon na nakaagaw sa pansin ni Lance na kaninang busy’ng busy sa panonood sa television. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kadami ang nag-missed call at messages sa akin.

“553 missed callss. 315 messages.” Wala sa sarili kong sambit habang nakatingin sa screen ng phone ko. At lahat ng ‘yon ay galing sa iisang tao—kay Clark. Binuksan ko ang ibang message na galing kay Clark habang kinakabahan.

“Alexandra! Where are you?!”

“Goddamn it! Answer my call!”

“Please, Alexandra. Nasaan ka ba? Sobra mo na akong pinag-aalala.”

“Plaese, sweetie... umuwi ka na.”

Kusa na lang akong napayuko at hindi ko na binasa ang iba pang message sa akin ni Clark. Bigla ay nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag kung ano. And at the same time I feel guilty.

“Hey...” nag-aalalang tawag sa akin ni Lance. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti para ipakitang okay lang ako.

Ilang sandali kami nagkatitigan hanggang sa narinig namin na nag-ring ang phone ko kaya’t pareho kaming napatingin doon. Muli ay nakita ko na naman ang pangalan ni Clark sa screen ng phone ko, tumatawag na naman siya ngayon. Tumingin muna ako kay Lance bago ko sinagot ang tawag ni Clark.

“H-hello?” bakas sa boses ko ang kaba.

[“Finally, you answered my call.”] Sarcasm is visible in his voice.

Huminga ako ng malalim upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Ngayon ay kumpirmadong galit siya sa akin.

[“Where are you?”]

“B-basta... h-huwag mo na akong hanapin, o-okay lang ako d-dito.” Sinubukan kong huwag mautal pero nabigo lang ako.

[“Alexandra...] may halong pagbabanta ang boses niya.

“Sorry, Clark. Basta hayaan mo muna ako. I need space. May kailangan lang akong alamin sa sarili ko.”

Ilang saglit nanahimik ang kabilang linya bago siya muling magsalita.

[Gotcha!”] biglang sambit niya at saka namatay na ang tawag. Kumunot ang noo ko dahil doon.

“Nag-away kayo, ‘no?”

Bumaling ang tingin ko kay Lance dahil sa tinanong niya. Nahihiyang umiling ako.

“Eh, bakit ka nagkakaganyan? Bakit mo siya iniiwasan?” naguguluhan niyang tanong.

Napahilot ako sa sintido ko. “I don’t know... Siguro kasi may gusto lang akong alamin sa sarili ko?” umayos na ako at ibinaling na lang muli ang tingin sa television.

Nasa sampung minuto na ang lumilipas nang tumunog ang doorbell dito sa unit ni Lance. Kaya tumayo si Lance para pagbuksan ang taong ‘yon.

Nawala ang tingin ko sa pinapanood ko nang makarinig ako ng kalabog sa may pintuan. Napatakbo ako patungo sa pinto at nagulat sa nakita. Nakaupo si Lance sa sahig habang dumudugo ang gilid ng labi, halatang sinapak. At ang taong may gawa ng bagay na iyon ay walang iba kundi si Clark. Oo! Nandito siya ngayon mismo.

Nag-aalalang lumapit ako kay Lance at lumuhod sa harapan niya para magkapantay kami. “Lance! Are you okay?”

He smiled. “Okay lang ako, wala ‘to.” Tugon niya at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

Bumaling naman ang tingin ko kay Clark at pinukol siya ng masamang tingin. “Anong problema mo? Bakit mo ginawa sa kanya ‘to?”

Sa halip na sagutin ako nito ay hinawakan niya ako sa braso at hinila pataas dahilan para mapatayo ako. “Let’s go home, Alexandra,” saka niya ako hinatak. Lalabas na sana kami ng unit ni Lance nang mapatigil kami dahil hinawakan naman ni Lance ang kabila kong braso at pilit na hinahatak ako pabalik sa unit niya.

“Hindi mo ba maintindihan? Ayaw niyang umuwi sa bahay nyo.” Sambit ni Lance at pilit na hinahatak ako. Hindi naman nagpatalo si Clark at pilit din akong hinahatak palabas naman ng unit ni Lance. Parehong ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa.

“TAMA NA!” malakas kong sigaw na nagpatigil sa kanila. Paano ba naman kasi, parang nagta-tug of war lang sila at ako ang lubid.

Nang mapansin nila kung bakit ako sumigaw ay kaagad nilang binitiwan ang magkabilaang kong braso. Hinimas-himas ko ang mga braso ko dahil sa sakit.

Inis akong napailing nang mapansin kong ang sasama na naman ng tingin nila sa isa’t isa na ngayon ay magkaharap na, akala mo ay magpapatayan na. Bakit ba palagi silang ganito? Parang ang laki ng galit nila sa isa’t isa.

“Alexandra, let’s go. Umuwi na tayo.” May diin na aya sa akin ni Clark habang na kay Lance ang tingin, tila pa nga ay nagpipigil ng galit.

Tumingin ako kay Lance at tumango sa kanya, sign na huwag na siyang makipagtalo pa kay Clark. Tama na ang isang beses na nasapak siya ni Clark. Ayaw ko nang masaktan pa siya ni Clark. Alam ko kung paano magalit si Clark, at baka hindi ‘yon kayanin ni Lance. May trauma na ako kay Clark kapag galit siya dahil sa ginawa niya noon.

Ibinalik na ni Clark sa akin ang paningin niya at hinatak na ako palabas ng unit ni Lance, pero limang hakbang pa lang ang layo namin sa unit ni Lance nang marinig namin na nagsalita si Lance.

“Huwag kang umasta na akala mo ay girlfriend mo siya, Clark. Tandaan mo, hindi ka niya boyfriend kaya’t wala kang karapatan sa kanya.”

Tumigil si Clark sa paghila sa akin at seryosong binalikan ng tingin si Lance na nasa pinto ng unit niya.

“Yes, she isn’t my girlfriend. But, she’s still mine, my property...” Walang ganang sagot niya kay Lance at tuluyan na akong hinatak palayo dito.

Habang hila-hila niya ako ay doon ko lang napagtanto kung paano ako nahanap ni Clark at kung para saan ang ‘gotcha’ niya kanina. He tracked me! What a smart ass!

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon