Kabanata 18

75.7K 1.7K 74
                                    

Kabanata 18: Falling

Alexa’s Point of View

Nakakailang.

Nakakabinging katahimikan.

Nakakasikip sa dibdib.

Ilan lang ‘yan sa mga nararamdaman ko ngayon. Naririto na ako sa loob ng kotse ni Clark at kasalukuyan na kaming buma-byahe pauwi sa bahay.

Ni isa sa amin ay walang kibo, tila pati ang paghinga ko ay pinipigilan ko. Hindi ko kasi malaman kung galit pa ba siya o hindi, pero sa itsura niya pa lang ay mukha ngang galit pa rin siya. Seryosong lang siyang nakatingin sa daan habang nagda-drive at hindi niya pa rin ako pinapansin simula nang hatakin niya ako palayo sa unit ni Lance. He’s really mad at me. I can tell that.

A thought came into my mind. Ano na kaya ang nangyari kay Lance? Is he okay?

Nakokonsensiya tuloy ako. Dahil sa akin ay nasapak pa ni Clark si Lance. Kahit na wala naman na ginawang masama ‘yong tao, tinulungan pa nga niya ako. Nasaktan pa tuloy siya nang dahil sa akin, dahil sa kalokohan ko. Kung tutuusin, ako dapat talaga ang sisihin sa lahat ng nangyari.

Dahil naglalakbay ang isip ko ay hindi ko namalayan na naririto na pala kami sa tapat ng bahay, nakahinto lang ang kotse ni Clark sa tapat ng bahay nila at nananatili pa rin kaming dalawa rito sa loob.

Yumuko ako at pinakiramdaman lang si Clark pati na rin ang paligid, pero katulad ko ay tahimik lang din siya at hindi mawala-wala sa kanyang mukha ang pagkaseryoso. Walang ibang mababakas na emosiyon sa mukha niya.

“B-bababa na a-ako,” nauutal kong pagpapaalam sa kanya, hindi na matagalan ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang mapatigil ako dahil hinawakan niya ako sa braso ko at muling ibinalik sa kinauupuan ko ngayon.

“Stay. We need to talk.”

Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo na lang dito sa tabi niya. Hinintay ko siyang magsalita pero tahimik lang siya habang nakatingin sa harapan. Hindi ko malaman kung ano ba ang iniisip niya, hindi ko mabasa sa reaksiyon sa pagmumukha niya.

“Clark, b-bababa na ako. Wala ka naman yatang s-sasabihin,” nakayuko kong sambit at muling binuksan ang pinto pero muli akong napatigil nang hawakan niya muli ang braso ko, kaya’t hinarap ko siya habang nakakunot ang aking noo.

Naguguluhan ako sa inaakto niya. Gusto niyang manatili ako rito sa loob ng kotse niya dahil may pag-uusapan daw kami pero hindi naman siya nagsasalita.

Kitang-kita ko ang paglunok niya ng ilang beses habang nakatingin sa akin at hawak ang braso ko, bubuka ang bibig niya na tila may gustong sabihin pero kaagad din niya ‘yon na isinasara at makikita ko na lang ang pagtaas at pagbaba ng adam’s apple niya.

May problema ba siya?

“S-sige na, pumasok k-ka na.” Nagtaka ako nang marinig ko ang boses niya na tila nauutal. Binitawan na niya ang braso ko kaya’t tuluyan na akong lumabas ng kotse at pumasok na ng bahay at dumeretso sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama ko, sa totoo lang ay namiss ko ‘tong kwarto ko na ‘to.

Habang nakahiga ako at tulalang nakatingin sa kisame ng kwarto ko ay muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Clark kay Lance kanina, may kung ano akong naramdaman sa puso ko. Pakiramdam ko ay natutuwa ako pero may kasamang lungkot.

Palagi na lang bang may kadugtong na my property? Hindi ba puwedeng wala na lang ganoon? Nasasaktan kasi ako tuwing naririnig ko ang mga salitang ‘yon mula kay Clark, parang ipinapamukha niya sa akin na talagang bagay lang ang tingin niya sa akin na puwede niyang angkinin at paglaruan. Pero anong magagawa ko? Wala naman akong magagawa kung ganoon na talaga ang tingin niya sa akin.

Sa dalawang araw na paglalayas’kuno ko ay may natuklasan akong isang bagay sa sarili ko na kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko na mararamdaman ko ito, lalo na kay Clark pa. Bakit ba kasi humantong sa ganito? Ang alam ko ay galit ako kay Clark, ayaw ko sa kanya, pero bakit tila nag-iba na ngayon?

Ang dating galit na nararamdaman ko sa kanya noon ay biglang napalitan na.

Ang dating kaaway na tingin ko sa kanya noon ay biglang nagbago na.

Hindi maaari. Pero ayaw ko mang aminin, ayaw man tanggapin ng utak ko, tinanggap naman ito ng puso ko.

“I think, I’m falling for him.” Bulong ko sa kawalan at marahas na napabuga ng hangin. Dumapa ako sa kama saka isinubsob ang mukha sa unan.

Heto na nga ang kinatatakutan ko, ang mahulog ako sa kanya. Dahil sigurado akong masasaktan lang ako, lalo na’t kay Clark ko pa ito naramdaman. Hindi ‘yon kayayanin ng puso ko.

DAHIL sa lalim na pag-iisip ko kanina ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nang magising ay gabi na.

Dahil nakaramdam ako ng gutom ay nagtungo ako sa kitchen at kumuha rito ng makakain, patay na rin ang ilaw dito at sigurado akong tulog na ang lahat. Malalim na rin kasi ang gabi. Binuksan ko muna ang ang ilaw dito sa kitchen at dito na kumain.

Napaisip ako. Siya kaya? Tulog na rin kaya siya?

Halos kinseng minutos din ang nagtagal bago ako matapos kumain. Inilagay ko na sa lababo ang mga platong pinagkainan ko at hinugasan ‘yon at inilagay ‘yon sa tamang lalagyanan, matapos non ay naglakad na ako palabas ng kitchen.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang makarinig ako ng ingay, parang may taong naggi-gitara at dahan-dahan na kinakalabit ang mga strings nito.

Dahil sa kuyursidad na nararamdaman ko kung sino ba ang nagpapatunog non ay sinundan ko ang ingay na naririnig hanggang sa makarating ako sa garden, tanaw ko dito sa may pinto ang lalaking nakaupo sa lupa at mga berdeng damo habang may hawak na gitara at dahan-dahan ‘yon na kinakalabit. At hindi ko na kailangan isipin kung sino ‘yon, dahil nakilala ko na kaagad siya.

Aalis na sana ako habang hindi niya pa ako nakikita pero napatigil ako nang marinig ko itong kumanta kasabay ng pagstring niya sa gitara niya.

[Sa ‘Yo By: Silent Sanctuary]

“Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo.”

Halos nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ko ang mala-anghel niyang boses, mas magaling pa siyang kumanta kaysa sa akin.  Ang sarap pakinggan ng boses niya, tila may umaawit na anghel.

“Tumingin sa’king mata
Magtapat ng nadarama
‘Di gusto ika’y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa’yo lang ang puso ko.”

Sumandal ako sa pader na katabi ko lang at pinakingggan mabuti ang bawat liriko ng kanta niya at dinama ito. Ipinikit ko rin ang mga mata ko.

“Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa’rin
May gulo ba sa’yong isipan
‘Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo.”

Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang pagpintig ng puso ko, nagiging abnormal na naman ang takbo nito.

Paano kung sabihin ko sa kanya ang nasa isipan ko at kung ano ang nararamdaman ko? What will happen?

“Tumingin sa’king mata
Magtapat ng nadarama
‘Di gusto ika’y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo.”

Pareho kaya kami ng nararamdaman o ako lang? Ako lang ‘yong umaasa? Alam ko naman na balewala lang ako sa kanya, laruan niya lang ako. Pero talagang mapaglaro ang puso, ang tanga-tanga niya kasi. Titibok na nga lang, sa taong wala pang paki sa akin. Sa taong malabong mahalin din ako.

Nahulog pa siya sa taong malabong maging akin.

“Kailangan ba kitang iwasan?
Sa t’wing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin ‘pag tayo, iba rin ‘pag tayo lang.”

Try ko kaya siyang iwasan? Ang tanga ko talaga. Nasa iisang bubong kami, hindi ko pa nga alam kung kailan makakauwi ang mga magulang ko, kaya’t paano ko siya iiwasan kung nasa iisang bubong lang kami at magkasama? Sinubukan ko ngang sa iba makituloy pero anong nangyari? Nahanap niya ako at napahamak lang tuloy si Lance. Wala naman akong ibang kaibigan na mapupuntahan.

“Tumingin sa’king mata
Magtapat ng nadarama
‘Di gusto ika’y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
Sa’yo na ang puso ko.”

Sana, totoo na lang ‘yong lyrics ng kanta. Sana, akin na lang talaga ang puso niya. Pero alam kong malabo iyon mangyari, sino ba naman ako para sa kanya? Parang napakalabo ng hinihiling ko. Napakaimposible.

Matapos na kumanta ni Clark ay kaagad ako umalis sa garden at bumalik sa kwarto ko upang hindi na niya ako makita pa. Pagkarating ko sa kwarto ay muli kong inihiga ang sarili ko sa aking kama na tila pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa buong araw.

Muli akong napaisip at hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko, o ‘di kaya’y ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko kaya’t naguguluhan ako? But I think, it’s already confirmed. I’m already falling... for him.


I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon