Kabanata 25: Bad News
Alexa's Point of View
This morning, Lance texted me saying if we can meet. He said he wants to talk to me. And of course, I said yes.
So here we are now, looking at each other. I can feel the awkward atmosphere between us.
Ngumiti siya na nauwi sa ngiwi. "Hi, Alexa... Long time no see. It's been two months... How are you?"
I smiled. "I'm fine... How 'bout you?"
Nagbaba siya ng tingin at napahawak sa batok niya. "These past few months, was hell for me."
Natigilan ako sa sinabi niya at nakaramdam ng awa para sa kanya. I know, it was because of me.
"After what happened that night, I distanced myself from you. I tried to forget you, but I failed. Hindi madaling kalimutan ang taong mahal mo ng ganoon-ganoon lang. So instead of forgetting you, sinusubukan ko na lang na tanggapin ang mga nangyari. At umaasang balang araw, makakalimutan din kita.
"Nandito rin ako para humingi ng tawad sayo. Ang ginawa ko sayo ng gabing 'yon ay mali. Maling-mali. Hindi ko dapat ginawa 'yon sayo. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi ako nagpakita ng dalawang buwan sayo. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong mukhang maihaharap sayo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob harapin ka. Again, I'm sorry for everything, Alexa."
Hindi kaagad ako nakapagsalita.
Lance is my good friend. Emportante siya para sa akin. Kaya nahihirapan akong makita siyang nasasaktan ng ganito, lalo na't ako ang dahilan niyon. Mas pinapabigat niyon ang dibdib ko.
"Lance, I also want to say sorry. Hindi dapat kita iniwan ng basta-basta lang ng gabing iyon, dapat ay ipinaliwanag ko muna sayo ang lahat. Sarili ko lang inintindi ko, hindi ko man lang inisip ang mararamdaman mo," nagbaba ako ng tingin. "I'm sorry, Lance. Nang dahil sa akin kaya ka nasasaktan. But I can't do anything about it. Hindi ko naman matuturuan ang puso kong mahalin ka, kung may mahal na itong iba."
"Stop saying sorry, wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako kayang mahalin. I understand." Pero kahit ganoon ang sinabi niya, bakas pa rin sa boses niya ang sakit.
Nag-angat na ako ng tingin at mas nalungkot nang makita ang mga mata ni Lance. Puno iyon ng kalungkutan. "Sana makahanap ka ng babaeng masusuklian ang pagmamahal mo. Sana dumating na ang babae sa buhay mo na mas better sa akin."
Mapakla siyang natawa. "But you're the best."
I bit my lower lip. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.
"Just kidding," he added.
Pilit kong matawa para matakpan ang ilang ko sa sinabi niya. Alam ko naman na seryoso siya sa sinabi niyang iyon.
"We can still be friends, right?" he suddenly asked.
I nodded my head. "Of course." I said without a second thought.
Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan namin ni Lance dahil lang sa ganitong pangyayari. He's a good friend that I don't want to lose.
"And lastly, gusto ko rin humingi ng tawad sayo ng gabing iyon, 'yong nangyari sa unit ko. Muntik na kitang halikan, mabuti na lang ay naitulak mo ako palayo. Gusto kong sabihin sana na lasing lang ako noon, pero I think that's not enough reason. So I'm sorry."
I smiled. "Let's just forget that."
Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay at nagkumustahan. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya kaya muli na akong tumulong sa restaurant.
![](https://img.wattpad.com/cover/124190493-288-k681803.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...