Kabanata 10: Afraid
Alexa’s Point Of View
Puting kisame at tahimik na kwarto. Ayan ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko, pero hindi ko magawa. Doon ko lang napagtantong may mga brasong nakapulupot sa akin.
Nilingon ko ang nagmamay-ari ng mga brasong ‘yon, hindi na ako nagulat pa nang makita ko si Clark na mahimbing na natutulog dito sa tabi ko.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang pagmumukha. Napakaamo niyang tingnan sa tuwing natutulog siya, pero kapag gising naman ay parang ang sarap nang ihagis.
Ilang segundo ang lumipas, natagpuan ko na lang ang sarili kong maingat at pilit na inaabot ang phone ko na nakapatong sa bed side table. Napangiti na lang ako sa tuwa nang tuluyan ko nang maabot ‘yon. Kaagad kong binuksan ang phone ko at inilagay ito sa camera, tinanggalan ko muna ito ng flash.
Abot-abot ang ngiti ko sa aking tainga nang makuhanan ko na siya ng litrato. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang gumalaw, senyales na magigising na siya. Nagmamadali kong itinago sa kung saan ang phone ko at bumalik mula sa pagkakapikit.
Pigil ko ang hininga ko nang maramdaman ko na ang titig niya sa akin. Kumalabog naman ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko nang may maramdaman akong malambot na bagay na dumikit sa noo ko. Matapos non ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama at narinig ko na lang ang mga yabag niya papalayo at ang tunog ng pagsara ng pinto.
Dumilat na ang mga mata ko at nasapo ko ang dibdib. Pati ang mga mata ko ay nanlalaki at pati ang paghinga ko ay wala sa tama.
“No, this can’t be…”
Naging sunod-sunod ang paghugot ko ng malalim na hininga dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko.
Hindi puwede. Hindi ko puwedeng maramdaman ‘yon… kay Clark.
AFTER an hour, napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto ko. Dumeretso ako sa unang palapag ng bahay. Kaagad kong napansin na tila walang taong naririto. Napakatahimik kasi rito.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon at naglakad patungo sa kitchen, nakakaramdam na kasi ako ng gutom. Nasa alas-tres na rin kasi ng tanghali.
Bukod sa gutom na nararamdaman, wala na akong ibang nararamdaman pa. Mabuti naman at okay lang ako, kahit na muntik na akong malunod kaninang umaga.
Nasa pintuan pa lang ako ng kusina ay nakakarinig na ako ng ingay mula sa loob non, at pagpasok ko sa pintuan ay nadatnan ko ang taong may kagagawan ng ingay na ‘yon.
Kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang iritasyon habang nagluluto siya. Sa tuwing tumatalsik ang mantika galing sa kawali ay napapaatras siya at kapag natatamaan non ang kanyang balat ay napapamura siya.
Sumandal ako sa pader na nasa likuran ko at ipinagkrus sa aking dibdib ang dalawa kong braso. Nasisiyahan ako sa nakikita kong pangyayari ngayon. Mas nagiging cute sa paningin ko si Clark.
Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang umuusok na ang kawali, nagmamadali niyang inalis ‘yon sa stove at dinala sa lababo. Halos hindi na maipinta ang pagmumukha niya nang makita niya ang kinalabasan non.
“Damn!”
Mahina akong natawa, na ikinalingon niya sa gawi ko. Kaagad na bumakas sa pagmumukha niya ang gulat.
“K-kanina ka pa r-riyan?”
Tumango ako bilang pagtugon. Mas sumama naman ang pagmumukha niya.
Napaupo siya sa high stool. “Aish! Fuck!”
“Ako na lang ang magluluto,” alok ko. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at naglakad na ako patungo sa lababo at tiningnan ang kawaling ginamit niya. “Hindi ka puwedeng mag-asawa na hindi marunong sa pagluluto, siguradong magugutom kayo.” Komento ko nang makita ko ang laman ng kawali.
Sunog na sunog ang manok at mukhang nakadikit na rin ito sa kawali. Kawawa naman ang manok. Patay na nga ay mas lalo pang pinatay ni Clark.
“Siguradong hindi ako magugutom,” tinapunan ko siya ng tingin. “Chef naman kasi ang babaeng mapapangaasawa ko. And I’ll make it happen.”
Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Bakit ganito? Alam kong hindi naman ako ang tinutukoy niya, hindi lang naman ako ang babaeng chef, pero bakit nagreact ang puso ko sa sinabi niya? Bakit bumibilis na naman ang tibok nito?
Hindi ko na lang pinansin ang puso kong kumakalabog na naman dito sa dibdb ko.
Sinimulan ko na lang na hugasan ang kawali at tanggalin doon ang sunog na manok, nang matapos ako roon ay nagtungo ako sa ref at binuksan ito.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko habang tinitingnan isa-isa ang laman ng ref.
“Fried chicken.”
Napatango na lang ako at kumuha ng manok at ng iba ko pang kakailanganing sangkap para sa fried chicken.
Ilang minuto ang lumipas, nagsimula na akong makaramdaman ng ilang. May nararamdaman kasi akong titig at alam kong kay Clark galing ‘yon. Kaming dalawa lang naman ang naririto sa kusina.
Pilit kong hindi na lang ‘yon bigyan ng pansin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. At hanggang sa matapos ako sa pagluluto, nararamdaman ko pa rin ang titig sa akin ni Clark.
“May rice na ba?” tanong ko nang mailagay ko na ang pinirito kong manok sa isang plato.
“Yeah.”
Tumango ako at dinala na sa counter ang manok. Nakita ko namang nakahanda na rito. May bowl na ng kanin, plato, baso, at mga kubiyertos.
“Kumain ka na, aakyat muna ako,” bago pa ako makalakad papalayo ay nahawakan na niya ang pulsuhan ko.
“Sasabay ka sa akin. Kakain tayong dalawa.”
Umiling ako. “Hindi pa naman ako gutom, mauna ka na lang kumain.” Liar! Kaya nga ako bumaba dahil nagugutom ako.
“Palagi na lang akong kumakaing mag-isa, at alam mo bang malungkot kapag ganoon?” napaiwas ako ng tingin. “So eat with me… Baby...”
Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya, sumalubong sa akin ang pagmumukha niyang may ngiti sa labi.
Napairap ako. “Oo na, kakain na.” Naupo na ako sa katabi niyang high stool. “May pa-baby-baby pa. Babytayin kita riyan, e.” Bulong ko pa.
Akmang kukuha na ako ng pagkain ko nang siya na mismo ang gumawa non para sa akin. Nang matapos niya akong lagyan ng pagkain sa plato ko ay saka pa lang siya naglagay ng pagkain sa plato niya.
“How are you? Are you feeling well now?” tanong niya nang matapos na siya sa paglalagay ng pagkain sa plato niya. “Ang sabi sa akin ni Glaiza ay hindi niya alam kung anong nangyari sayo. At huli na nang mapansin niyang nagkakaganoon ka na, nakaahon na siya sa pool. Baka raw namintig ang binti mo dahilan para ‘di ka makalangoy.”
Humigpit ang hawak ko sa kubiyertos. Napakasinungaling ng Glaiza’ng ‘yon! Alam niya bang puwede ko siyang ipakulong sa ginawa niyang ‘yon? Muntik na akong mamatay! Mabuti na lang at dumating si Clark.
Natigilan ako nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Clark sa ilalim ng tubig. He kissed me! He kissed me! He kissed me!
Napaiwas ako ng tingin. “O-okay na ako,” ayan na lang ang itinugon ko sa kanya. Ayaw ko nang ikuwento pa sa kanya ang ginawa sa akin ni Glaiza, magkakaroon lang ng away kapag ginawa ko pa ‘yon. Papalampasin ko muna ang ginawa sa akin ni Glaiza kaninang umaga.
“N-nasaan pala sila N-ninang at N-ninong?” pag-iiba ko ng usapan. Ayaw ko kasing mahalungkat namin ang nangyari kaninang umaga. Ayaw kong mapag-usapan ang halik na nangyari kanina sa ilalim ng pool.
“Nagdate,” matipid niyang tugon.
“Ang mga maids?”
“Nagpunta ng supermarket.”
Napatango-tango na lang ako. “Nga pala, bakit ikaw ang nagluluto kanina? Ba’t ‘di ka na lang nagpaluto sa maids bago sila umalis?”
Ibinaba nito ang kubiyertos na hawak niya saka itinuon sa akin ang mga mata niya. “I want to cook for you, but damn! I can’t! I’ve tried many times, pero palaging ganoon ang kinakalabasan.”
“E’di sana ipinaluto mo na nga lang sa maids,” giit ko.
Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya dahil sa sinabi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon.
“Napakamanhid mo talaga,” bahagya siyang napailing. “Why can’t you just get it? Gusto kong alagaan ka katulad nang ginawa mo sa akin noong nagkasakit ako. Sinubukan kong magluto para sayo kahit na hindi ako marunong.”
Gusto niyang alagaan ako katulad ng ginawa ko sa kanya noon? Ano? Sa tingin niya ba ay may utang na loob siya sa akin?
Bahagya akong nakaramdam ng pagkadismaya dahil sa naisip kong ‘yon.
“Hindi mo kailangang gawin ‘yon,” tugon ko na lang.
“Oo, hindi ko kailangang gawin ‘yon… Pero gusto kong gawin ‘yon para sayo, Alexandra,” napatitig ako sa kanya. “Wether you like it or not, I’ll do those things for you. Kahit ipagluto pa kita ulit, gagawin ko, at pag-aaralan ko… just for you.”
Hindi ako nakasagot. Tila may bumara na kung ano sa lalamunan ko. Masyado akong naaapektuhan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sagad-sagad ito sa puso. Dahil bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay ramdam mo roon ang pagkaseryoso.
Kung may anghel man na sumapi sa kanya ngayon, sana ay lubayan na siya nito. Dahil hindi ko kakayanin kung ganito palagi ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark. Ginugulo kasi non ang puso kong nananahimik.
At ‘yon ang kinakatatakot ko. Natatakot akong tuluyan niyang magulo ang puso kong nananahimik. Natatakot akong tuluyan siyang makapasok sa puso ko. At panghuli, natatakot akong masaktan lalo na’t alam kong kapag nahulog ang loob ko kay Clark, hindi nito masusuklian ang nararamdaman ko.
Nagiging mabait lang kasi siya sa akin dahil ninang ko ang mommy niya at kababata niya ako. At saka ipinagbilin ako ng mga magulang ko sa kanila. ‘Yon lang ‘yon. Wala nang ibang dahilan pa.
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...