Wakas [2/2]

73.2K 1.6K 411
                                    

Wakas - I'm His Property

Alexa's Point of View

Natigil ako sa paglalakad nang makaramdam ng matinding kirot sa dibdib at hindi na lang simpleng paninikip lang.

Nabitiwan ko ang hawak kong bulaklak at nasapo na lang ang dibdib saka nanlalaki ang mga mata kong ibinalik ang tingin kay Clark at nakita ko siyang tila nanigas sa kinatatayuan niya.

Naging sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

Nang mas sumakit pa ang dibdib ko ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at kasabay niyon ay ang boses ng mga taong mahal ko.

“Alexandra!”

“Anak!”

“Sweetie!”

Ilang saglit pa ay naramdaman kong may yumakap sa akin. Ikinulong niya ako sa bisig niya.

“Sweetie, hold on, okay? Daldalhin ka namin sa hospital.” Lumuluha nang sambit sa akin ni Clark.

Mas lalong pumatak ang mga luha ko sa nakikita ko. Bakas sa pagmumukha niya ang matinding takot at pag-aalala sa akin.

“Anak, please... Keep fighting, okay?”

“Don’t leave us, my princess. Please.”

Hindi ko na nagawang makasagot pa kina mama at papa nang mas kumirot pa ang dibdib ko. Napapadaing na lang ako sa sakit na nararamdaman ko at minsan ay napapasigaw pa kapag grabe na ang sakit.

“CALL AN AMBULANCE! PLEASE!” natatarantang sigaw ni Clark na dumagundong sa buong simbahan.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan siya sa kamay niya para pakalmahin. Nagbaba siya ng tingin habang patuloy pa rin sa pagluha.

“Damn! I can’t wait anymore!”

Matapos niyon ay naramdaman kong lumutang ako. Buhat-buhat na ako ni Clark sa mga bisig niya.
Ramdam ko ang pagtakbo niya habang buhat-buhat pa rin ako.

“Clark! Use my car! Here’s the key!” boses iyon ni Lance.

Ilang saglit pa ay ipinasok na ako ni Clark sa isang kotse at kaagad na tumabi sa akin at pinaandar ang kotse.

Habang bumabyahe kami ay nakatingin lang ako sa kanya. Dahil doon ay bumaling ang tingin niya sa akin at pilit akong nginitian.

“Hold on, okay? Please... P-please.” His voice was shaking.

Kahit na nahihirapan, pilit kong umiling. “C-clark... I’m s-sorry.”

Inalis niya ang tingin sa akin at itinuon sa daan ang tingin. “Stop saying that, sweetie!”

Nakagat ko ang ibabang labi. “I’m l-lucky to h-have you in my l-life, C-clark... S-sobrang saya ko k-kasi nakilala k-kita...”

“Stop! Please, stop!”

Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy ang sinasabi. “I d-don’t want to g-give up but... I c-can’t take this a-anymore... I’m t-tired...”

Malakas niyang hinampas ang manibela habang palakas na nang palakas ang pag-iyak niya.

Nahihirapan man ay pilit kong inabot ang pinakamalapit niyang kamay sa akin. Bumaling ang tingin niya sa akin.

“I l-love you, s-sweetie...” Buong puso kong sambit.
Pakiramdam ko ay huling beses ko nang masasabi ang mga salitang iyon sa kanya. Kaya habang hindi pa huli ang lahat ay gusto ko ‘yon sabihin sa kanya sa huling pagkakataon.

Kahit na ganito ang kahahantungan namin, masaya pa rin ako at nagpapasalamat sa Diyos sa mga magagandang nangyari sa buhay ko—at isa na roon si Clark.

“P-please, always r-remember that I l-love you. My h-heart belongs to y-you. O-only you.” I force a smile. “I’m your p-property, r-remember?”

Inalis niya ang tingin sa akin at napasigaw ng punong-puno ng sakit. It kills me seeing him like this. Ayaw ko siyang masaktan pero palaging ako ang nagiging dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Ang tangi ko na lang gustong mangyari ay pagkatapos ng lahat ng ito ay magpatuloy siya sa buhay niya at maging masaya pa rin. Gusto kong ngumiti pa rin siya tulad ng mga ngiti niya sa akin... kahit hindi na ako ang dahilan niyon. Kahit hindi na para sa akin.

“C-clark,” tawag pansin ko sa kanya nang hindi ako makakuha ng tugon. Panay lang ang pag-iyak niya.

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. “P-pagod ka na ba t-talaga?”

Mapait akong napangiti at tumango. “Y-yes...”

Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “I’m sorry for being unfair to you, sweetie. Pilit kitang pinapalaban, hindi ko man lang inisip kung kaya mo pa ba. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo. I’m sorry. I’m really sorry. Naging selfish ako. But damn, Alexandra, I can’t live without you. You are my life!” muli niyang ibinaling ang tingin sa akin at mapait na ngumiti.

"But if you really t-tired, then go. You can r-rest now, s-sweetie. I l-love you. I l-love you so m-much, Alexandra Castañeda-Alcantara.” His voice cracked.

Napangiti ako at unti-unti nang ipinikit ang mga mata. Bigla ay nanumbalik sa isipan ko ang mga nangyari sa buhay ko. Tila biglang nagf-flashback ito sa isipan ko.

Hindi man naging ganoon kahaba ang buhay ko, masaya pa rin ako dahil buong buhay ko ay naging masaya ako dahil kasama ko sila.

God, thank you for everything. Kayo na po ang bahala sa maiiwan ko rito sa lupa. I hope they will be okay.

Unti-unti na akong kinakain ng dilim. Ramdam ko na rin ang paghina ng tibok ng puso ko at ang pagkakapos ko sa paghinga. Pero bago tuluyang mawalan ng malay sa paligid ay may narinig akong matinis na ingay kasabay ng malakas na pagsalpok.

T H E  E N D

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon