Kabanata 5

129K 2.9K 80
                                    

Kabanata 5: What Happened?

Alexa’s Point Of View

Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo ko, pati na rin ang bigat ng aking pakiramdam. Sinubukan kong gumalaw mula sa pagkakahiga ng patagilid, pero nakaramdam ako ng pagtataka nang hindi ako makagalaw.

Inaantok kong iminulat ang mga mata ko. Muli kong sinubukan igalaw ang aking katawan, pero katulad kanina ay hindi na naman ako makagalaw. Parang may kung ano ang nakadagan sa akin at nakapulupot sa katawan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong may taong nakayakap sa akin. Dahan-dahan at kinakabahan kong inangat ang tingin ko sa taong nakayakap sa akin at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagmumukha ni Clark.

Napuno ng tanong ang aking isipan, pero hindi ko alam kung paano ko ‘yon mabibigyan ng linaw. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, pero hindi ko magawa. Ang tanging naaalala ko lang ay ‘yong hinatak na ako ni Clark paalis doon sa restaurant.

Maingat kong inalis ang braso ni Clark na nakapulupot sa bewang ko, upang hindi rin ito magising. Nang tuluyan ko nang mataggal ang braso niya sa akin ay tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga, pero laking gulat ko nang may humawak sa pulsuhan ko at muli akong hinatak pahiga sa kama, sakto sa kanyang dibdib. Sumunod non ay muli kong naramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko.

“Where are you going?” may bakas pa ng antok ang tinig niya.

“A-anong ginagawa ko rito?” nauutal kong tanong. “At saka, p-puwede bang b-bitiwan mo ‘ko?”

Naramdaman ko ang marahang pag-iling niya. “Nah, I don’t want to.”

Napabuga ako ng hangin. Heto na naman siya, ayaw na naman niya akong pakawalan. “A-ano ba ang n-nangyari kagabi?”

“Hindi mo maalala?”

Palihim na umikot ang mga mata ko sa itinanong niya. “Magtatanong ba ako kung naaalala ko?”

Napatigil ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. “I’ll tell you later.”

“Ngayon na,” kaagad kong sambit. “Bakit ba kasi tayo magkatabing natulog, ha? At nasaang kwarto tayo? Kwarto mo o kwarto ko?”

“Im my room.”

“Paano nangyari ‘yon?” may bakas ng gulat kong tanong.

Sinubukan kong umalis mula sa pagkakakayakap niya sa akin, pero ayaw niya talaga akong pakawalan. “Clark, naman!” irita kong sambit. “Bitiw na! Baka makita tayo nila Ninang Ellaine at Ninong Tony rito, baka kung ano ang isipin nila!”

Akala ko ay sa sinabi kong ‘yon ay bibitiwan na niya ako, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “I don’t give a damn, Alexandra.”

Mariin akong napapikit at malalim na napabuntong hininga. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para lang makawala ako sa kanya. At hindi ko alam kung papakawalan niya ba ako. Kasalan ko ‘to, e. Bakit ba kasi naglasing-lasing ako kagabi? Wala tuloy akong maalala kung anong nangyari kagabi nang makauwi na kami.

Binasa ko ang nanunuyot kong labi gamit ang dila ko at kaagad akong napatigil at napangiwi sa ginagawa kong ‘yon nang may maramdaman akong hapdi.

“Geez!” bulalas ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin at sinilip ang nakangiwi kong pagmumukha. “What happenend?”

“Bakit ang hapdi ng labi ko?” kita ko naman na parang natigilan siya. “May sugat ba?”

Nagkaisang linya ang kilay ko nang mapansin kong sunod-sunod itong napalunok. Dahil sa lapit namin sa isa’t isa ay kitang-kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon