Kabanata 27

58.8K 1.2K 221
                                    

Kabanata 27: Gone

Alexa's Point of View

Alam kong mali ang mga ginawa ko. Dapat ay ipinaalam ko na lang sa kanya ang totoong kalagayan ko at hindi sinabi ang mga bagay na iyon. But I can’t. So I chose to lie.

Nagbubulag-bulagan ako sa katotohanan at ang tanging nakikita lang ay kung ano ang dapat kong gawin.

Natigil ako sa pag-iisip nang may tumabi sa akin. Pagtingin ko, nakita ko si mama at nakatayo naman sa harapan ko si papa.

“Clark is here. He wants to talk to you.” Si papa.
Bahagyang umawang ang bibig ko. Hindi ko aakalain na pupuntahan pa ako ni Clark dito sa bahay matapos ng ginawa ko sa kanya kahapon.

“Anak, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?”

Umiling ako sa sinabi ni mama. “Ma, sinabi ko naman po sayo kung bakit ko ito ginagawa.”

“Then, face him. Ipaliwanag mo kung bakit ka nakikipaghiwalay sa kanya. Anak, alam mo ba kung gaano kasakit itong ginagawa mo ngayon kay Clark? Pinakamasakit sa lahat ang maiwan ng taong mahal mo ng walang dahilan.”

Napababa ang tingin ko sa sinabi ni papa at pinanggigilan ang labi. Hindi ko alam na ganoon na pala ang ginagawa ko kay Clark. Ayaw ko siyang saktan, pero sinasaktan ko naman siya ngayon.

Nag-angat ako ng tingin. “Where he is?”

“Nasa baba. Hinihintay ka.” Nakangiting tugon ni mama.

Tumango ako at nagpaalam sa kanila, saka bumaba na sa unang palapag ng aming bahay. Dito ay natagpuan ko siya sa salas. Kaagad na nagliwanag ang pagmumukha niya nang makita ako.

“Sweetie...”

Napalunok muna ako bago muling naglakad patungo sa harapan ni Clark na nakaupo sa couch. Tumigil ako nang kaharap ko na si Clark.

Tumayo siya. “Let’s talk. Let’s fix this—”

“Wala na tayong dapat ayusin, Clark.” Pangpuputol ko sa kanya.

Kahit na ganoon ang sinabi ko, pilit pa rin niyang ngumiti kahit bakas ang lungkot. “Red days mo ba ngayon? Siguro nga. Napaka-moody mo. But it’s okay. I understand.”

Napailing ako sa sinabi niya. Bakit ba ayaw niya na lang makinig sa akin? Bakit ba ayaw na lang niya ako hayaan? Makakahanap pa naman siya ng babaeng mamahalin niya, mas higit pa sa pagmamahal niya sa akin ngayon at ng babaeng mas makakasama niya ng matagal.

“Clark, stop doing this. Nagmumukha ka ng tanga sa ginagawa mo.”

He smiled bitterly. “Mas okay ng magmukhang tanga kaysa iwan ka ng taong mahal mo.”

Lumambot ang tingin ko sa kanya. Naaawa sa nangyayari sa kanya.

“Clark... Please. Tama na. Itigil mo na.” May pagmamakaawa sa boses ko.

Mapakla siyang natawa. “Tama na? Itigil ko na? Paano ko sasabihin ‘yon sa puso ko? Alexandra, once you start loving someone, it’s hard to stop!”

Sunod-sunod na lang akong napailing habang namamalabis na ang luha sa mata.

“Ni hindi ko nga alam kung ano ang rason mo kung bakit mo ako gustong iwanan... May kulang ba sa akin? Na-realize mo bang hindi mo ako mahal? Ano sa mga ‘yon ang dahilan?” bakas sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya.

Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Wala akong mahanap na ibang dahilan para iwan siya. Because he’s perfect. Lahat ng hihilingin ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya na.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon