Kabanata 30.1: Marry Me
Alexa's Point of View
"Kumain ka na."
Bumaling ang mga mata ko kay Clark at saka marahan na tumango. Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong maupo sa kama at sinimulan nang pakainin.
Habang sinusubuan niya ako ay nakatitig lang ako sa kanya at hindi maialis ang mga mata sa kanya.
Mukhang napansin naman niya 'yon dahil nagtanong na, mukhang hindi na makatiis sa ginagawa ko.
"Okay, what's with that look, sweetie?"
Ngumiti ako at umiling. "Nothing."
Nangunot ang noo niya. "Alexandra..."
Umuklo ako palapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan labi na ikinatigil niya. "I love you, sweetie. I love you so much."
Nailapag niya ang hawak niyang plato sa side table at kaagad na tinakpan ang buong pagmumukha gamit ang palad niya. Nagtaka ako sa ginawa niya pero nang makitang namumula ang tainga niya ay naintindihan ko na.
My sweetie is blushing!
Nang alisin niya ang palad sa pagmumukha niya ay inilapit niya ang pagmumukha sa akin. "My heart skipped a beat."
I laughed, making him pout his lips.
"What's funny?" he asked, still pouting his lips.
"You." I pinched his cheeks. "You look like a kid when pouting."
Marahan siyang ngumiti at saka hinawakan ako sa pisngi. "You said you love me, right?"
I nodded.
"And you know how much I love you, right?"
I nodded my head again.
"Marry me then."
I stilled because of what he said. Did I hear it right?
Ngayon ay ang kamay ko naman ang hinawakan niya at ikinulong sa mga palad niya. "Alexandra, please, marry me."
Nakatulala lang ako sa kanya at hindi magawang makapagsalita. Seryoso ba siya? Anong isasagot ko sa kanya?
Ayaw kong makulong siya sa isang marriage na walang kasiguraduhan. Hindi pa siguradong tuluyan akong gagaling kahit na malapit na ang heart surgery ko. Nandiyan pa rin ang maraming risks!
Hindi siguradong mabubuhay ako. Hindi siguradong kakayanin ba ng katawan ko ang magiging operasyon. Paano siya kapag nangyari ang mga bagay na 'yon? Maiiwan ko siyang mag-isa. And he will suffer!
Ang makita nga lang ang takot at hirap sa pagmumukha niya tuwing nakikita niyang naninikip ang dibdib ko ay hindi ko na kinakaya.
Paano pa kaya kapag nangyari iyon? Hindi mananahimik ang kaluluwa ko.
"Clark..." tanging iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
"I know hindi ko ito dapat sinasabi sayo dahil marami pang gulo, pero ayaw kong magsayang ng oras. Alexandra, I want you to be my wife as soon as possible. Na-realize kong hindi dapat pinapatagal ang mga bagay dahil maaaring bigla na lang ito mawala."
Marahan akong umiling. "Clark, alam mo ang kalagayan ko. Puwede akong mawala kahit na anong oras. Puwede akong mawala habang ginagawa ang operasyon-"
"That's why I'm doing this." He cut me off.
Namalibis ang luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso niya sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.
"Ikaw na mismo ang nagsabing ano man oras ay puwede kang mawala, kaya mas dapat kong ito gawin. Gusto kong tuparin ang mga ipinangako ko sayo-at isa sa mga pangako ko ay ang pakasalan ka."
Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
Siya naman ay hinalikan ako sa noo at muling pinakatitigan ako habang hawak pa rin ang mga kamay ko. "Alam ko kung ano ang mga naiisip mo ngayon, but please, huwag mong sundin ang utak mo. Huwag kang magpadala sa takot mo."
Ngumiti ako sa sinabi niya at sunod-sunod na tumango. "Okay... I will marry you, Clark."
Abot ang ngiti sa tainga niya dahil sa sinabi ko.
Maingat niya akong ikinulong sa bisig niya. "Thank you, sweetie. Thank you so much. I love you." Paulit-ulit niyang bulong sa akin.
Naiiyak kong inaakap din sa kanya ang braso. "Where's my ring?" pabiro kong tanong.
Narinig ko siyang magmura. "Shit. I forgot!"
Natigil ang pag-iyak ko at napalitan ng paghalakhak ng tawa dahil sa sinabi niya. Natawa na lang din siya at ilang beses na sinabihan ng tanga ang sarili dahil nawala sa isip niya ang singsing.
There are still what ifs on my mind, but I don't wanna mind them anymore!
Kung malapit man na akong mawala, gusto kong ubusin ang mga nalalabi kong oras kasama ang mga mahal ko sa buhay at iparamdam sa kanila kung gaano ko sila kamahal.
Hindi na ako magpapadala sa takot o sa pagdadalawang isip. Hindi na rin ako magsisinungaling pa sa sarili ko.
NANG pumasok sila mama at papa sa kwarto ay napagpasyahan naming sabihin sa kanila ang nangyari. Grabe-grabe ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila na engage na kami ni Clark. Masyadong mablis ang mga pangyayari.
"Sweetie."
Bumaling ang mga mata ko kay Clark nang tawagin niya ako. Marahan niya akong nginitian at hinawakan ang kamay ko. Pinapakalma ako.
Napangiti ako at tumango sa kanya. Malalim muna akong humugot ng hininga bago ituon ang tingin kina mama at papa na nakaupo sa couch habang bakas ang pagtataka sa pagmunukha nila.
"Ma, balak na po naming magpakasal ni Clark." Panimula ko.
Akala ko ay magugulat sila, ayon ang inaasahan kong reaksiyon nila pero hindi. Pareho lang silang ngumiti na ikinapagtaka ko.
"H-hindi man lang po kayo nagulat?"
Natawa si mama sa sinabi ko at umiling. "Bago ni Clark hingin ang kamay mo sayo, sa amin niya muna iyon hiningi at nanghingi rin ng basbas mula sa amin."
"And we gave him our blessing. Sa kanya ko ipagkakatiwala ang prinsesa ko. I know he'll take care of you and love you with all his heart. And he already proved us how much he loves you." Si papa.
Palihim akong napailing. Masyadong boto si papa kay Clark. Kitang-kita ko 'yon sa kanya. Masyado na siyang nahahalataan.
Ibinaling ko ang tingin kay Clark at sinamaan siya ng tingin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na alam na pala nila? Grabe pa ang kabang nararamdaman ko kanina dahil akala ko ay magagalit sila dahil sa sobrang biglaan ng desisyon natin!"
He laughed. "You didn't ask."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "So kasalanan ko pa?"
Sunod-sunod siyang umiling. "It's my fault. Hindi ko sinabi sayo. Dapat sinasabi ko sayo ang ganoong bagay kahit na hindi mo itinatanong."
Narinig namin ang pagtawa ng magulang ko dahil sa sinabi ni Clark. Ako naman ay napailing na lang.
"Kailan ang balak nyong magpakasal?" biglang tanong ni mama.
"After po ng operasyon ni Alexandra."
"Before my operation."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Clark dahil iba ang naging sagot namin sa tanong ni mama.
"Bakit pagkatapos pa ng operasyon ko?" naguguluhan kong tanong kay Clark.
"Para maayos na ang kalagayan mo kapag ikinasal tayo."
Umiling ako. "No. I want us to get married before my operation."
"But-"
"Clark," may pagbabanta kong tawag sa pangalan niya. "We will get married before my operation. And that's final."
He let out a heavy sigh. "Okay, fine."
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...