Kabanata 29: He's Back
Alexa's Point of View
Sa mga lumipas na araw, linggo, at buwan ay mas palala nang palala ang kalagayan ko. Gusto man ako i-confine nila mama sa hospital para mas matutukan, hindi ako pumapayag.
Parang hinihintay ko na lang ang oras ko at ayaw nang magpagamot pa.
Kaya todo ang pag-aalaga sa akin nila mama at papa. Halos ayaw na nga akong iwanan ni mama at gusto na lang palaging nasa tabi ko para kung sakaling may maramdaman man na sakit o 'di kaya'y mahirapang huminga ay matutulungan kaagad niya ako.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nakatanim sa hardin namin. Hanggang dito na lang ako nakakagala dahil hindi na ako pinapalabas pa nila mama. Kaya mas nakakadagdag sa kalungkutan ko ang pagkakulong ko rito sa bahay.
Dahil wala akong magawa, mag-iisip ako. At sa tuwing mag-iisip o magmumuni-muni ako ay palaging pumapasok sa isipan ko si Clark at makakaramdam na naman ako ng matinding pangungulila sa kanya. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang umalis siya. Simula nang tuluyan na niya akong iwan.
Gusto kong gumawa ng paraan para malaman ang kalagayan niya, pero para saan pa? Alam kong ikakasakit ko lang na malaman na kinalimutan na niya ako. Baka hindi ko lang kayanin 'yon, kahit na ganoon naman talaga ang gusto kong mangyari.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang pang-upo para matanggal ang kumapit na dumi. Muli ko pang sinilayan ang hardin bago ako naglakad papasok ng bahay.
Dumeretso ako ng kusina at kumuha ng maiinom na tubig. Pero habang nagsasalin ng tubig sa baso ay natigilan ako nang makaramdam ng matinding kirot sa dibdib. Dali-dali kong inilapag ang lahat ng hawak ko sa island counter at kumapit doon para kumuha ng suporta.
"M-ma..." hirap na hirap na akong makapagsalita dahil sa kirot sa dibdib ko.
Nasapo ko na lang ang dibdib nang mas kumirot pa ito at tuluyan na ngang lumambot ang tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig. Wala akong nagawa kundi ang maiyak na lang. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero parang wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko kahit na anong gawing buka ko.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko habang paulit-ulit na dumadaing sa sakit. Pakiramdam ko ay bumabagal ang takbo ng oras at parang bumibigat ang talukap ng mga mata ko na pilit kong pinipigilan na huwag sumara dahil natatakot akong baka kapag hinayaan ko itong sumara ngayon, baka hindi ko na muling maibukas pa kahit kailangan.
Kahit tanggap ko na ang mangyayari sa akin, ayaw ko pang mawala. Not now. I want to see Clark before I die. I want to say sorry to him. I want to hug him, kiss him, and say to him that I love him.
Napangiti ako kahit na may mga luha pa rin sa mata at patuloy pa rin ang pagkirot ng dibdib nang pumasok sa isipan ko ang mga alaala ko kasama ang mga taong naging mahalaga sa buhay ko. I want to thank them for being part of my life. I want to thank them for making me happy. I want to thank my parents for caring and loving me. Utang ko sa kanila ang buhay ko.
Hindi ko na napigilan pa ang pagsara ng mga mata ko. Unti-unti na akong kinakain ng dilim at nawawala sa sarili, pero bago ako tuluyang mawala sa sarili ay may narinig akong boses-boses na ka'y tagal ko nang hindi naririnig.
"Alexandra!"
And everything went black.
I SLOWLY opened my eyes. Bumungad kaagad sa akin ang puting kisame at amoy ng hospital.
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...