Kabanata 3: Glaiza
Alexa’s Point Of View
Katulad ng nangyari kahapon, pagkagising ko ng umaga ay dumeretso ako sa banyo para maligo, matapos non ay nagtungo sa dining room.
Pero may nag-iba ngayong araw dahil pagkarating ko sa dining room ay naabutan ko rito si Clark, nakaupo sa isa sa mga upuan habang nagkakape at hawak ang kanyang phone. Pati si Ninong Tony ay naririto pa.
“Good morning po,” bati ko sa kanilang lahat.
Kaagad naman na may sumilay na ngiti sa labi nila Ninang Ellaine at Ninong Tony. “Maupo ka na rito, Alexa. Sumabay ka na sa amin.”
Dali-dali akong tumango at naglakad na patungo sa isang upuan at naupo. Kusang dumapo ang mga mata ko sa kay Clark na kaharap ko lang. “Okay ka na?”
Inalis nito ang tingin niya sa phone niya at ibinaling sa akin. “Yeah.”
Napatango-tango na lang ako at inalis na ang tingin sa kanya. Kumuha na lang ako ng pagkain at inilagay na ‘yon sa plato ko.
“Nakakatuwa at kumpleto tayo ngayong umaga!” tuwang-tuwa na komento ni Ninang Ellaine.
“Oo nga, sana ay maging madalas na mangyari ito.” Pagsang-ayon naman ni Ninong Tony kay Ninang Ellaine. Bakas sa kanila ang pagkasabik sa ganitong pangyayari.
Ngingiti-ngiting ibinaling ni Ninang Ellaine ang tingin niya kay Clark. “Clark, sana ay mapadalas na ang pagsabay mo sa amin sa pagkain, ha? Nakakatuwa kasi kapag ganito tayong lahat.”
Kitang-kita ko ang pagkislap sa mga mata ni Ninang Ellaine. Halatang-halata sa kanya na sobrang saya niya ngayon dahil makakasabay namin na mag-almusal ang bunso niyang anak. Ganoon ba katagal na hindi nakikisabay si Clark sa pagkain sa kanila kaya’t grabe na lang kung matuwa si Ninang Ellaine sa nangyari ngayon?
“I’ll try,” matipid na tugon ni Clark at itinago na ang phone niya.
Tulad namin nila Ninang Ellaine ay kumuha na rin siya ng pagkain niya at inilagay sa plato niya. Nagdasal muna kaming apat bago magsimulang kumain.
“Nga pala, Alexa,” biglang sabi ni Ninong Tony.
Biglang bumaling ang tingin ko kay Ninong Tony. “Po, Ninong?”
“Mamaya na ang bukas ng restaurant mo, ‘di ba?”
Kinuha ko muna ang basong nakalapag sa harapan ko at uminom doon ng tubig, saka ko muling ibinaling ang tingin ko kay Ninong Tony. “Opo,” ngumiti ako. “Punta po kayo, ha?”
Tumango-tango siya habang nakangiti. “Of course… At sasama sa amin si Clark,” biglang bumaling ang tingin niya kay Clark na tahimik lang habang kumakain. “’Di ba, Clark?”
Nilunok muna niya ang laman ng bibig niya bago tugunin si Ninong Tony. “I’ll try.”
“Don’t try, do it!” biglang sabat naman ni Ninang Ellaine.
Napakibit-balikat na lang si Clark at hindi na muling nagsalita pa. Ibinalik na niya ang atensiyon niya sa plato niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nagkatinginan na lang kami nila Ninang Ellaine at Ninong Tony. Bahagya pang napapailing si Ninong Tony dahil siguro sa inakto ni Clark.
Minsan tuloy, napapaisip ako kung totoong anak ba nila Ninang Ellaine at Ninong Tony si Clark. Ang layo kasi ng pag-uugali nila kay Clark. Parehong mabait sila Ninang Ellaine at Ninong Tony, habang si Clark naman ay saksakan ng sungit. Kung hindi niya lang talaga kamukha ang mga magulang niya ay talagang iisipin ko na ampon lang siya.
BINABASA MO ANG
I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceUnpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Ganoon nga ang nangyari kay Alexa Castañeda. Ang simpleng plano niyang tumira sa bahay ng ninong at nin...