Kabanata 14

86.1K 1.9K 150
                                    

Kabanata 14: Teks

Alexa’s Point of View

Paggising ko ng umaga ay sobrang gaan ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung anong meron pero pakiramdam ko ay napakaganda ng mood ko.

“Good morning!” nakangiti kong bati sa sarili ko matapos kong buksan ang kurtina at bintana dito sa aking kwarto.

Dumungaw ako sa bintana at nakangiting napapikit ako nang malanghap ko ang simoy ng hangin na tumatama rin sa balat ko. “Mukhang maganda ang araw ngayon para magjogging.” Sambit ko saka naglakad patungo sa banyo upang makaligo at makapagbihis na.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na ako sa pagligo at nakabihis na rin ako, kaya’t nakangiting bumaba na ako patungo sa dining room.

“Good morning, Ninang Ellaine at Ninong Tony.” Nakangiti kong bati kina Ninang Ellaine at Ninong Tony na nagbe-breakfast ngayon, lumapit ako sa kanila at nagmano.

“Good morning, Alexa. Mukhang maganda ang gising mo, ha. Blooming ka rin.” Nakangiting sambit ni Ninang Ellaine.

“’Di naman po,” nahihiyang sagot ko.

Napatingin ako sa likod ko nang may marinig akong pekeng umubo doon.

“What’s with that smile?” seryosong tanong nito habang magkadikit pa ang dalawa niyang kilay. Nagtaka ako nang makita kong nakapangbahay lang ito, pero hindi na ako nagtanong pa.

“It’s none of your business,” natatawang sagot ko at inalis na sa kanya ang tingin. “Ninang Ellaine at Ninong Tony, magjo-jogging lang po ako.” Pagpapaalam ko kina Ninang Ellaine at Ninong Tony na busy’ng busy sa pagkain.

“Mag-iingat ka,” bilin ni Ninong Tony.

“Opo!”

Aalis na sana ako pero kaagad akong napatigil nang tawagin ako ni Clark. “Wait for me. Sasama ako.” Utos niya at umalis na dito sa dining room.

Napanguso ako dahil sa inakyo niya. Ang aga-aga, ang sungit-sungit.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, basta magmula kahapon ay ang gaan na ng pakiramdam ko, at mas lalo pa ‘yon na gumaan kaninang umaga.

Napagpasyahan kong doon na lang sa living room maghintay kay Clark, balak ko sana siyang iwanan kaso alam kong pagbalik ko dito ay lagot na naman ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay may narinig akong nagsalita mula sa likod ko. “Let’s go.”

Paglingon ko sa taong nagsalita ay napatitig ako sa kanya dahil sa suot nito. Nakakulay puting sando lang siya at nakajersy’ng short, pero napakagwapo niya sa paningin ko.

Napalunok ako. Ano bang nangyayari sa akin?

“Hey, Alexandra, are you okay?” tanong sa akin ni Clark at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagtataka.

“O-oo naman,” nauutal kong sagot at tumalikod na sa kanya. “T-tara na.” Aya ko sa kanya at nauna nang maglakad palabas ng bahay.

HIHINGAL-HINGAL akong tumakbo kahit na ramdam ko na ang pagod ko at pananakit ng paa’t tuhod ko.

“Hoy! Pahinga muna tayo!” hinihingal kong sigaw kay Clark na patuloy pa rin sa pagjo-jogging.

“Puro ka pahinga, tara na!” sigaw nito upang marinig ko.

Napangiwi ako at pinunasan ko na lang ang pawis ko na kanina pa tumutulo sa noo ko saka nagtapatuloy sa pagjo-jogging.

“Clark! Pagod na ‘ko!” reklamo ko kay Clark. Halos magda-dalawang oras na rin siguro kaming nagjo-jogging at pagod na pagod na ako lalo na’t walang tigil kami sa kaka-jogging. Pero si Clark? Ayon, parang wala lang sa kanya.

Tumigil ako sa pagjo-jogging at bahagyang yumuko saka napahawak sa dalawa kong tuhod, hingal na hingal na ako at medyo nahihirapan na rin akong huminga. Ilang beses akong nag-inhale at exhale para maging maayos muli ang paghinga.

Napaangat ang tingin ko nang may makita akong isang pares ng sapatos na nasa harapan ko.

“Pagod ka na?” tanong ni Clark na nasa harapan ko.

“Oo! Kanina pa.”

Nagtaka ako nang tumalikod ito saka bahagyang yumuko sa harapan ko. “Sakay.”

“Hindi na. Kaya ko pa naman maglakad.” Pagtanggi ko dahil naiitindihan ko na ang nais niyang mangyari.

“Sakay na,” may bahid na inis niyang sambit. Palihim ko siyang inirapan bago sumakay sa likod niya. Wala talaga akong laban sa lalaking ‘to.

Tumayo na ito at nagsimula nang maglakad habang ako naman ay tahimik lang na nakasakay dito sa likod niya. Palihim kong inilapit ng kaunti ang ilong ko sa kanya at palihim siyang inaamoy. Kahit pawis na pawis na siya, ang bango niya pa rin.

Halos sampung minuto rin siyang naglakad hanggang sa tumigil kami sa parke, iginala ko ang paningin ko nang mapansin kong ito ‘yong parke na umagaw sa atensyon ko noong nakaraan na nagjogging ako.

Naglakad si Clark patungo sa swing kung saan ako naupo non habang bitbit niya pa rin ako sa likod niya, nang makarating na kami dito ay maingat niya akong binaba paupo sa swing.

“Wait me here, bibili lang ako ng maiinom natin.” Pagpapaalam niya at hindi na hinintay pa ang sagot ko at naglakad na siya palayo.

Napatingin na lang tuloy ako sa slide na nasa harapan ko lang, may nakikita ako doon na dalawang bata; isang lalaki at isang babae na naglalaro. Hindi ko alam kung ano ba ang tawag sa laro na ‘yon, basta parang may maliit na karton o papel sila na inilalagay sa mga daliri nila at pinipitik.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanonood sa paglalaro nilang dalawa, pero na-enjoy ko ang panonood sa kanila lalo na’t kitang-kita sa kanila ang saya nila habang naglalaro.

“Hey, Alexandra.” Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang tinig ni Clark. “Kanina pa kita tinatawag, pero ayaw mong mamansin at nakatingin ka lang sa dalawang bata na naglalaro ng teks.”

Kumunot ang noo ko bago magsalita. “Teks?”

Tumango ito bago umupo sa katabi kong swing. “Teks ang tawag sa larong ‘yan,” sagot niya at inabot sa akin ang maliit na plastik na bote ng mineral. Kinuha ko ‘yon at sinimulan nang inumin, nang matapos akong uminom ng tubig ay muling bumalik ang tingin ko sa dalawa bata na naglalaro ng tinatawag nilang teks daw.

“Gusto mo bang subukan ‘yan?” tanong ni Clark habang tinitingnan na rin ang mga batang naglalaro ng teks.

Parang pumalakpak ang tainga ko sa narinig. “Oo naman.”

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko kaya’t tumayo na rin ako. Naglakad siya patungo sa mga bata kaya’t sinundan ko siya.

“Hey, kids,” tawag ni Clark sa mga bata. “Puwede bang makahiram kami ng tatlong piraso ng teks?”

Nagkatinginan ang dalawang bata bago sabay na tumango, kumuha na sila ng tatlong piraso ng teks at inabot kay Clark.

“Thank you,” pagpapasalamat ni Clark na nginitian lang ng dalawang bata.

Matapos non ay lumapit na sa akin si Clark. “Ano gusto mong maging pato mo?” tanong nito habang may ipinapakita sa akin na teks, tiningnan ko kung ano-ano ‘yon.

“Ito na lang, Spongebob.”

“Ito naman sa akin.” Sambit naman niya habang pinapakita sa akin ang tatlong penguin. Ang alam ko ay Penguins of Madagascar ‘yon. “Ito naman ‘yong panabla.” Dagdag pa nito habang pinapakita sa akin si Dora.

Itinuro niya muna sa akin kung paano ito laruin bago kami magsimula.

“Ako ang unang titira.”

Nagpaunahan kasi kami, at cha ang pato ko pati ‘yong panabla at chub naman ‘yong pato niya kaya siya ang unang titira.

“Dapat may pusta ‘to.” sambit niya kasabay ng paglitaw ng nakakalokong ngisi sa labi niya.

“Ano naman?”

“’Pag sa akin lumabas, iki-kiss mo ‘ko.”

Napairap ako sa sinabi niya. “At kapag sa akin naman lumabas, may kurot ka sa akin.” Banat ko naman.

“Deal!” pagpayag nito at sinimulan nang tumira. Iniligay niya ito sa mga daliri niya habang nakaposisiyon na parang mamimitik, at ilang saglit pa ay pinitik na niya ito kaya’t lumipad na ito sa ere.

“Yay!” nanghihinayang kong sambit. Sa kanya kasi ang lumabas.

“May isang kiss na ako,” natatawa niyang sambit.

“Game! Isa pa!” may halong panggigil ko nang sabi.

Halos kalahating oras na ang lumipas at nakakaramdaman na ako ng sobrang inis, paano ba naman kasi, halos nakaka-25 na tira na si Clark at ni isa doon ay hindi man lang sa akin lumabas. Palaging siya ang panalo, palagi ang pato niya ang lumalabas.

“Ayoko na! Palagi akong talo!” naiinis kong sigaw habang hindi na maipinta ang pagmumukha ko. Asar na asar na talaga ako!

“Basta, may 25 kisses na ako sayo,” natatawang tugon naman sa akin ng lalaking ‘to.

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang mabilis na halikan ako nito sa pisngi ko. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya.

“24 na lang.”

“Tara na nga!” aya ko sa kanya at nauna nang maglakad, para kung sakali man na namumula ako ay hindi niya makita ang pagmumukha ko. Sumimangot naman ang mukha ko at napatingin sa kanya nang maramdaman kong inakbayan niya ako.

“May 24 kisses pa ako, ubusin ko na kaya ‘yon ngayon?” natatawang tanong niya, halatang nang-aasar.

Dahil sa sinabi niya ay kaagad siyang nakatanggap ng kurot sa tagiliran mula sa akin na ikinadaing niya.

“Manahimik ka! Sige ka, wala kang kiss sa akin!” naiinis kong sigaw.

Hindi na siya sumagot pero patuloy pa rin siya sa pagtawa, ‘yong tawang halata mong nang-aasar. ‘Yong tawa na siguradong kaiinisan mo.

Bakit kasi hindi sa akin lumabas? 25 na tira ‘yon! May daya ba ‘yon?’

Bago tuluyang umalis ng parke ay ibinalik muna namin sa mga bata ang teks na hiniram namin.

“Thank you sa pagpapahiram sa amin,” nakangiting sabi ko sa kanila.

Pareho silang ginantihan ang ngiti ko bago bumaling ang tingin kay Clark. “Kuyang gwapo, alam ko po ang ginagawa mo kanina habang naglalaro po kayo ng teks.” Biglang sabi ng batang lalaki.

Naguguluhang bumaling ang tingin ko kay Clark. Natawa siya sa sinabi ng bata at kinindatan ito.

“Secret lang natin ‘yon, ha?”

Parehong humagikgik ng tawa ang batang kaharap namin. Pati si Clark ay tawa nang tawa. Ako lang yata ang hindi nakakaintindi sa pinag-uusapan nila.

“Madaya ka po!” sabi pa rin ng batang lalaki.

Nakipag-apir muna si Clark sa mga bata bago ako hinila na papalayo roon. At habang naglalakad kami, natatawa pa rin siya. Mukhang may ginawa siyang kalokohang hindi ko alam.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon