Kabanata 19

76.5K 1.6K 93
                                    

Kabanata 19: Date

Alexa’s Point of View

Kinaumagahan paggising ko ay nagulat ako nang may nakita akong malaking parihabang kahon ang nasa loob ng kwarto ko. Nakalapag ito sa ibaba ng kama ko, malaki ang kartong ito kaya’t kaagad niya naagaw ang atensiyon ko.

Kaya’t kahit wala pang ayos-ayos sa sarili ay lumapit na ako rito at saka ko ito binuksan at tiningnan ang nilalaman. At halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang laman nito.

Naglalaman ito ng isang magarbong kulay pulang long dress, pa-chub style. Sa harapan naman ay paheart-shape na pinalilibutan naman ng parang petals of roses, palobo ang ibaba nito at may nakadikit din dito na mga petals of roses na nasa iba’t ibang bahagi ng dress.

“Para saan ‘to? At kanino ito nanggaling?” ayon kaagad ang pumasok sa isipan ko.

Kaagad akong nagtungo sa living room at hindi na dinala ang kahon na ‘yon dahil masyado iyon malaki para sa akin at mahihirapan lang ako kapag binitbit ko ‘yon.

Pagkarating ko dito ay naabutan ko ang ibang maids na naglilinis ng buong bahay, naglakad ako patungo sa isa sa kanila.

“Manang Lucille, sino po nagdala ng malaking kahon na ‘yon sa kwarto ko po?” magalang na pagtatanong ko kay Manang Lucille, siya ang parang mayodorma dito. Siya kasi ang pinakamatagal na nagtatrabaho dito kina Clark, may katandaan na rin siya, kulay puti na ang iba niyang buhok at may suot na rin siyang salamin sa mata. Bata pa lang ako ay katulong na siya nila Clark.

“Kami, Alexa. Sabi kasi ni Clark.” Sagot niya sa akin na nagpakunot sa aking noo.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.

“May notes na iniwan si Clark doon sa kwarto mo, tingnan mo at baka masagot niyon ang mga tanong mo.”

Tanging tango na lang ang naitugon ko. Nagpaalam at nagpasalamat na muna ako kay Manang Lucille bago umakyat muli sa aking kwarto para hanapin ang notes na sinasabi niya na iniwan raw ni Clark para sa akin.

Nang makarating sa aking kwarto ay kaagad kong hinanap ‘yon at natagpuan ko ‘yon na nakadikit sa msimong phone ko na nakapatong naman sa bed side table. Naupo ako sa gilid ng kama at hindi ko na pinatagal at binasa na kaagad ang nilalaman ng sticky notes.

“Wear that dress for the party later. I’ll fetch you at 7PM.” Basa ko sa nakasulat.

Sandali akong napatitig sa hawak kong sticky notes hanggang sa itinabi ko na ‘yon at saka muling binuksan ang malaking kahon. Muling pinagmasdan ko ang magandang dress na nasa harapan ko ngayon at hawak-hawak ko, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung para saan ito. Wala naman akong party na pupuntahan, wala rin naman akong alam na may magbi-birthday.

“Ano bang meron?” naitanong ko na lang sa sarili ko.

Hindi mawala-wala ang pagkunot ng aking noo at ang pag-isang linya ng aking kilay habang tinitingnan ang magarbong dress na ito.

Ano na naman kaya ang pakulo ni Clark?

BUONG araw ay hindi mawala sa isipan ko ang magarbong dress na ‘yon, wala naman kasi siyang sinabi sa akin kung para saan ‘yon at kung bakit may ganoon. Ang sinabi niya lang ay para sa party raw. Anong party naman ‘yon?

Hindi ko rin naman maitanong sa kanya dahil hindi pa siya umuuwi. Wala siya dito sa bahay. Ang alam ko ay nasa trabaho si Clark.

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-isip, nacu-curious ako kung para saan ba talaga ‘yon.

Nang mag-5PM na ay napagpasyahan ko nang maghanda kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naligo na ako at inayusan ang sarili. Naglagay lang ako ng kaunting make-up at katamtamang pulang lipstick para sa labi. Inayos ko rin ang buhok ko, mula sa nakalugay na buhok ay ginawa kong bun ito at nagtira ng mga kakaunting buhok para gawin iyong disenyo para sa buhok ko. Nagspray rin ako ng aking perfume.

Tumayo na ako mula sa pakakaupo at humarap sa salamin. Tiningnan ko ang sariling reflection sa salamin upang makita ang ayos ko. At isa lang masasabi ko, ang ganda ko. Bumagay sa akin ang dress.

Napapaisip na rin tuloy ako kung paano ni Clark nahulaan ang sukat ko.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at magbukas iyon. “Ma’am Alexa,” tawag sa akin ng isa sa mga maids nila Clark.

“Bakit po?” tanong ko habang nananatili pa rin ang tingin ko sa salamin.

“Nasa baba na po si Sir Clark. Hinihintay na po kayo.”

Natigilan ako nang marinig iyon, lumunok muna ako bago sumagot. “S-sige po, susunod na ako.”

Sumarado na ang pinto at narinig ko na ang mga yabag nito palayo sa kwarto ko, kaya muli ay tinitigan ko nang mabuti ang sarili ko sa salamin. Nakaramdam rin ako ng kaba nang malaman kong nandito na si Clark, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ang weird ko na.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako tuluyang lumabas sa kwarto. Naglakad na ako patungo sa hagdan at bahagyang napatigil nang makita ko si Clark sa ibaba. Nakatayo siya roon habang titig na titig sa akin at pinapanood ang bawat galaw ko, dahilan para makaramdam ako ng matinding ilang.

Napalunok muna ako bago itinuloy ang paglalakad ko pababa sa magarbong hagdan nila Clark habang nakatingin din sa kanya. At habang naglalakad ako ay tila bumabagal ang takbo ng oras. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Nasa isa’t isa lang ang aming atensiyon, wala ni isa sa amin ang nag-iiwas ng tingin.

Kakaibang tibok ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon lalo na’t palapit na ako nang palapit sa kanya, bawat hakbang ko ay siyang paglakas ng pagpintig ng puso ko.

Inlove na nga ba ako? Ayon na lang ang naitanong ko sa sarili ko.

Pagkarating ko sa ibaba ay inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na kaagad ko naman na tinanggap, bahagya itong lumapit sa akin at itinapat ang kanyang bibig sa tenga ko.

Tumayo ang lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. “You look gorgeous, sweetie.” Mahinang bulong niya sa tenga ko, pero sapat na para pagwalain ang puso ko na halos lumabas na sa dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog nito.

May sakit na yata ako sa puso.

Naglakad na kami patungo sa labas ng bahay at nagulat ako nang paglabas namin ng bahay ay may nakita akong isang magarbong puting limousine ang naghihintay sa amin. May lalaki rin na naka-suit ang nakatayo sa gilid niyon.

Nang makita kami ng lalaking iyon ay pinagbuksan niya kami ng pinto ni Clark kaya sumakay na kami sa loob. Nagtungo naman ang lalaking naka-suit sa driver’s seat at binuksan na ang makina saka sinimulan nang paandarin ang limousine.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatitig kay Clark. Mula sa black tuxedo niyang suot at sa buhok niyang nakaayos ngayon na ibang-iba sa ayos ng buhok niya noon.

Mas lalo siyang gumwapo ngayon.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin nang bigla itong lumingon sa akin, at sa tingin ko ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya!

“Kahit hindi ako nakatingin sayo, ramdam kong kanina mo pa ako tinititigan.” He mockingly said.

“In your dreams,” then, I rolled my eyes.

Ayaw ko ipakita sa kanya na parang nagugustuhan ko na siya dahil alam kong once na malaman niya ‘yon, masasaktan lang ako. Mas mabuti nang itago ko na lang muna itong nararamdaman ko, pero dapat ay huwag ko ito masyadong itago dahil baka mamaya ay bigla na lang ito sumabog kapag hindi ko na ma-control ang emosiyon ko.

“S-saan ba kasi tayo p-pupunta?” pag-iiba ko ng usapan dahil ayaw ko nang pag-usapan ang topic na ‘yon at baka madulas lang ako at baka kung ano pa ang masabi ko.

Nagtaka ako nang kunin niya ang isang kamay ko at hinawakan niya ito, sumeryoso rin ang pagmumukha niya na ngayon ay nakatitig na sa akin.

“Secret... let’s just enjoy this night. This is for you and me. And after this, we’ll talk.” Tugon niya habang nakatingin sa mga mata ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Bakit ba kailangan niya ‘tong gawin sa akin? Hindi niya ba alam na sa ginagawa niyang ‘to, parang tuluyan na akong mahuhulog sa kanya.

My heart beats faster than before. And it’s because of Clark.

But what’s new? He’s Clark Alcantara.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon